44.

Lumunok ako ng ilang beses at huminga ng malalim bago iniabot ang pinto ng kotse.

“I’ll call the moment I arrive.” Mahinang sabi ko kay Gretchen. She looked at me sadly.

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Xiara naman! Sayang kayo. Oo nga sinabi ko dati na desisyon mo kung ano ang pipiliin mo pero deep inside my femininity gusto ko talagang si Angelo Jhudiel ang piliin mo.” Nakaingos na siya nung sinabi niya yun at ang tanging nagawa ko sa kanya an gang pilit na ngiti.

“Alam mo naman kung ano ang pinili ko di ba? Alam mo naman na siya ang pinili ko. Pero Gretchen, ano ang magagawa ko kung ang taong pinili ko ay todo iwas sa akin?” Pagkatapos ng pag uusap naming ni Mama, nabuo ko ang desisyon na siya ang pipiliin. Aaminin kong nanghinayang ako sa opportunity but then if he was able to give up his profession for me, why can’t I do the sam for him?

Kaya siya ang pinili ko. Umuwi ako nung araw nay un sa condo. Tinext ko siya, tinawagan, hinagilap kung saan saan pero hindi ko siya makita. Tatlong araw ko yun ginawa. Oo nga at maiksi lang ang tatlong araw pero kung hindi niya ako pinagtataguan sa unang araw pa lang alam ko na kung nasaan siya.  Pero hindi eh kaya alam ko ding pinagtataguan niya ako.

At nasasaktan ako sa ginawa niya. Oo nga sabihin na natin na hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya to give up my dreams. Sabihin na natin na mas higit ang pagmamahal niya sa akin that he is willing to give up everything for me and I can’t do the same. But won’t he give me a chance at least? Oo nga nagdalawang isip ako kung ano ang pipiliin ko pero sana pinakinggan niya ang choice ko. Hindi pa naman ako nakapili di ba? Bakit niya agad ako iiwasan?

“Gretch, kapag nakita mo siya, pakibigay sa kanya.” Sabay abot ng brown envelope na naglalaman ng signed annulment papers namin. Yes. I signed it. And yes I’m leaving for the US. I will chase my dream dahil ang taong pinili ko ay naggive up na sa akin? Saan pa ba ako pupunta? Dalawa lang naman ang choices ko di ba?

Kumugot ako ng isa pang malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko at para mapigilan ang paninikip ng lalamunan ko dahil sa nagbabadyang pag iyak ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang pinto ng kotse at binuksan ito. Mabibigat ang mga hakbang kong pababa ng kotse. Ni hindi ko makuhang pilit na ngumiti kay Gretchen nung nag wave siya. Pati paglakad ko papasok sa airport, ang bigat bigat ng mga paa ko.

Parang may hinihintay. And I know who it is. Dahil sa kaibuturan ng puso ko umaasa ako na darating siya. Na pipigilan niya ako. That he would ask me again to be with him. Sadya kong bnabagalan ang paglakad because I am buying for time na baka nahuli lang siya at magkasilisihan kami.

I am still hoping that he would stop me and that he didn’t really give me up. I am hoping na sana magbago ang isip niya. Nasa sana maging selfish na lang siya at pigilan niya ako. Na sana pinosas na lang niya ako para di na ako umalis sa tabi niya. I am hoping now na sana hindi niya ako sobrang minahal to the point that he would sacrifice his love for my dreams.

And I didn’t stop hoping. Ang bagal bagal ng mga kilos ko. Patingin tingin ako sa paligid lalo na sa entrance. Atubili akong magcheck in kahit na boarding na ang flight ko. At kahit na nagboboard na ang flight hindi pa din ako tumatayo sa kinauupuan ko. Hindi ako tumitingin sa nagboboard, tumitingin ako sa entrance.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!