4.

Pagkatapos  I-greet ni Chief si Jhudiel, nakita ko siyang pumunta kung saan ang parents ni Jhudiel. Inayos ko ang buhok ko pati ang damit ko, pinraktis ang ngiti ko and walked towards Jhudiel, chin up, breast out.

Silicon pala ha!

I smiled innocently sa mga taong tumitingin habang papalapit ako sa birthday boy. Nanggigigil na ako pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Patience. I need to be patient para maisagawa ko ang plano ko.

Nakita ko din na napatingin si Jhudiel sa akin pati ang mga kasama niyang lalaki. Aba dapat lang! Sa ganda kong ito?

Tumingin ako kay Jhudiel and smiled sweetly at him kahit na gustong gusto kong hambalusin ng mesa ang pagmumukha niya.

“Happy Birthday Jhudiel.”  I extended my hand to him and we shoke hands. Ramdam ko ang init at higpit ng hawak niya sa kamay ko at nung mapansin kong wala siyang planong bitawan ito, I took it gently.

“Thank you. But I’m afraid, I don’t recognize you.” Nagtatakang tanong niya. Ha! Talaga lang ha. Don’t worry, after this you will never ever forget me.

“Ahhhh… of course!” Tumawa ako. “Im sorry. Nakalimutan kong hindi pa pala tayo nagkita, nor are we formally introduced. I’m Jamie, Jamie Xiara. Your.. as we might say, ex-fiancee.” Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya pati ng mga kasama niya. Ngumiti lang ako sa kanila.

“You are Jamie Xiara?” Ay hinde! Gago! Pero siempre hindi ko sinabi yun. Instead ngumiti lang ako ng matamis.

“Unfortunately, yes. I’m sorry kung hindi ako dumating when our engagement was announced. I was kinda busy. But anyway, now that it was over, it doesn’t really matter right?” Todo ngiti pa din ako. Nakatunganga lang siya pati ang mga kasama niya.

“Actually.. ahmm..hindi pa naman final ang desisyon ko.” Atubiling sabi niya. Pero… ulol mo! Para namang magpapakasal pa ako sayo ngayong nakilala na kita. Over my dead silicons.

“Tama ka nga naman, we shouldn’t force ourselves to marry each other. We should be free to choose whom we want for a life partner.  Although it deeply saddens me but you really have a point. So, tama lang talaga na I break na ang engagement natin. We should find someone who is better for us.”  And besides I don’t want to marry an asshole like you.

“And I am not better for you?” Siempre! Tanga! Ngayon nagsisisi ka? Drool over! Jerk!

“Ahaha! Of course I didn’t mean that.” Nakangiti pa din ako sa kanya. Hinawakan ko pa nga ang braso niya na as of this moment ay gustong gusto kong baliin. Hays.. kakagigil. 

“What I mean is, someone who is suited and meant for us. Like for me, baka naman I am meant to marry a guy, who is handsome, well-mannered, well-built, and an awfully rich guy. Who knows di ba? Hahaha.”  Unlike you. Tumawa pa ako and I flipped my hair.  Nakita ko siyang kumurap ng ilang beses pero hindi pa din nagsasalita.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita.  Tumingin ako sa relo ko. “Ohh, I’m going now, dumaan lang talaga ako to greet you. Sige happy birthday ulit.” Hindi na naalis ang ngiti kong peke. I waved at him and at his friends before I turned my back and strut my way out of their sight.  Nung nasa may beach na ako, tumakbo ako pabalik sa bahay.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!