35

“Am I right?” Tuluyan ng huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.  Mas lalo akong hindi makatingin sa kanya. Dahil alam ko na kapag ginawa ko yun malulunod ako sa klase ng tingin niya. At ang seryoso pa ng mukha niya. I have never seen him that serious. Hindi siya ganun ka serious nung inakusahan ko siyang bakla.

At ako, tulala pa din. Nawindang talaga ako sa sinabi niya. He love me?

He does? What? Since when? How? The heck! Pero teka!

Totoo ba yung sinabi niya?

“N-nagbibiro ka ba?” Umiwas pa din ako ng tingin.

“Sa tingin mo?” Sa tingin ko hindi, pero sana  nga nagbibiro ka lang! Gusto kong sabihin pero hindi ko magawang magsalita.  

“I don’t joke about something like that Jamie Xiara!” Shit! Seryoso nga siya! My God! Ano ang gagawin ko? Tatakbo na ba ako? Pero saan? Nasa expressway kami! AT bakit naman ako tatakbo?

For goodness sake Jamie Xiara, pinagtapatan ka ng pag ibig and here you are, nagpapanic.  What is wrong with you? You should be flattered because your husband declared his love for you. Just keep calm.

Ilang beses akong bumuntunghininga bago ko bago ko napilit ang sarili kong tingnan siya. Pero sulyap pa nga lang, umiwas na agad ako ng tingin. Gusto kong magsisigaw. Damn! Bakit ba ito ang reaksiyon ko? Bakit hindi ako mapakali? Bakit hindi ako makakakalma?

“P-Pero…how..? When..? Why…? BAKEET?” Ni hindi ko magawang tapusin ang mga tanung ko. Putek naman! Bakit pakiramdam ko ako ang nagtatapat dito? Ako dapat ang kalmada pero baliktad ata kami ng sitwasyon. Siya ang kalmado at ako ang tensiyonado.

“Hindi ko din alam kung kelan. I don’t even know why. You are not even my type.  I mean, maganda ka naman, sexy and desirable but you are just too noisy and too nossy” Gusto ko siyang batukan dahil sa sinabi niya? Noisy? Nossy? Ako? 

Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto kong marinig ang rason niya kung bakit niya sinabing mahal niya ako despite of the flaws na sasabihin pa niya. Nanayo uilit ang balahibo ko ng maalala ko ang sinabi niya.

“You have a strong personality and you are stronger than most men emotionally and physically. Malakas din ang drive mo and I know that you don’t give in that easily. You are willing to shoot birds just to fight for what you are entitled to.” Bigla kong naalala nung tinutukan ko ang ano niya ng baril. Ehhhh! Nag init ang pisngi ko bigla.

Pero teka… bakit parang pinupuri namna niya ako at hindi nilalalait?

“You are hardly a princess nor a damsel in distress that men would want to protect because you can protect yourself. You didn’t even awaken my protective instinct. You can live on your own without needing anyone and I am used to having women who are always vulnerable. Pero pagdating sa’yo, kahit wala ako I can be assured that you will be fine. At ayaw ko ng ganun, I don’t want to feel inferior and I don’t want to feel useless when I’m with my woman. That’s why I don’t like you.” And it’s his ego that is talking.  

“Ayun naman pala eh. Hindi mo naman pala ako type!”

“And those are also the reasons why I love you. You may not need me in your life but I need need you to fill mine.” Awww shit! Pucha! Bakit ganito ang mga pinagsasabi niya? Nawawalan ako ng sasabihin.  

“Surely Jude, you can’t lo-I mean need someone whom you don’t like.”  Ahh this is gettign harder. Harder than the first time I’ve had my field training.

“Teka nga Jamie Xiara, binabasted mo ba ako?” Nakakunot na ang noo na tanong niya. Mukhang galit siya, nakasinghal na eh.

“Ha? Hindi ah! Tsaka…pwede ko pa bang gawin yun?” Mag asawa na kaya kami. Pwede pa bang bastedin ng asawa ang asawa niya?

“Hindi na. Kasal na tayo eh. Thank God” And he smiled na parang nanalo ng lotto. Thank God talaga!  

“Sabi ko nga.” Sabi ko nga din eenjoy ko ang company niya kasi siya ang nakadestined sa akin. Siya ang lalaki sa hula. Pero hindi ko sinabing kasali ang pagmamahal sa destiny na yun. Mukhang yung manghuhula na yun, kinukulam ako at tinototoo ang lahat ng salita niya. 

“Pero kung hindi kita asawa babastedin mo ako?” This time may uncertainty na sa boses niya. Oo nga noh? Kung nagkataon na hidni ko siya asawa, babastedin ko ba?  

“Hindi ko alam. Frankly speaking, sino ang babaeng may ganang mambasted sayo. I mean, you are handsome, responsible, you are rich and mysterious. You can be funny if you want to. Pikon ka pa kaya nakakaaliw. Not to mention your glorious curly hair and your 100 packs abs. No woman in her sane mind would turn you down.” Nakita ko siyang ngumiti. Pero totoo, hindi naman 100 ang abs niya. Exag lang ako.

“100 packs abs.” He chuckled.

“ But I hear a BUT in between Jamie Xiara.” And very perceptive too. And intelligent and so good in bed. Nag init na naman ang pisngi ko pagkaalala ko ang nangyari sa amin kahapon at kanina sa sofa, sa bathtub, sa shower, sa kama. Damn! Lalong nag init ang pisngi ko. Napalunok na lang ako.

“But having a boyfriend is not in my priority right now. Pero dahil nga asawa na kita, hindi na kita kayang bastedin.” Tumango tango siya.  Na parang naiintindihan niya talaga ang sinasabi ko.  

“Okay. I get it.  Let’s make it your priority then, since you are now my wife.” Ano daw? Ano ang gagawin kong priority? Ang pagboboyfriend? He get it? But I don’t .

“You still want to drive?” Biglang sabi niya? Napatingin ako sa manibela at sa kanya. Dapat pala talaga hindi ko na pinilit ang mag drive.  Napailing na alng ako at napasandal sa headrest ng upuan.

“N-no. Matutulog na alng ulit ako.”  At pinikit ko ang mga mata ko.

‘You may not need me in your life but I need need you to fill mine.’

Ay punyetss! Kailangan pa bang i-replay yan ng utak ko? 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!