16

Jude’s POV

Pagdating namin sa condo at pagkapasok na pagkapasok niya sa loob hindi maikakaila ang disgusto sa itsura niya.

“Dito mo ako patitirahin?” Nakataas pa ang isang kilay niya. Naglakad siya papasok at papunta sa sofa. Sinusundan ko siya ng tingin habang ineeksamin niya ang buong bahay. Kung tutuusin di hamak naman na mas malaki ang condo ko kaysa sa apartment nila ng baklang yun. May dalawang kwarto ito, may bar din at may terrace. At hindi ko maintindihan kung bakit obvious na obvious na ayaw niya sa condo ko ngayon. In fact, kung hindi ako nagkakamali parang nandidiri pa siya.

“Condo ba to o bahay ng daga?” Sabi pa niya nung nakarating siya sa kitchen at nakita ang mga pinggan at baso na hindi pa nahuhugasan. Hindi naman talaga ako naglilinis ng condo. Araw araw may pumupunta ditto para maglinis pero umabsent nga lang ngayong araw kasi graduation ng anak.

Hindi ko na lang pinansin ang panlalait niya sa condo ko.

“Kung gusto mong dito ako tumira, dapat matuto kang mag ayos. Ayaw ko ng makalat na bahay.” Sabi pa niya sabay dampot ng shirt ko na nakalagay sa sofa, she turned it into a ball at ishinoot sa basurahan. Shoot!

What the fuck! Marks and Spencer yun! Last week ko lang yun binili.

“Bakit mo ibinasura yun?” Napatigil ako sa pag inom ng tubig.

“Pakalat kalat kasi. Ang sofa inuupuan hindi nilalagyan ng labahan. Kaya nga inimbento ang hamper di ba?” Bakit pakiramdam ko ako ang kailangang mag adjust sa sarili kong bahay dahil sa pagtira niya dito? Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Tandaan mo Jhudiel kung hindi mo siya patitirahin dito mapipilitan kang   doon tumira sa probinsiya kaya pagtiisan mo yang babaeng yan.

“Okay fine.” Sabi ko na lang. Nag ikot ikot ulit siya at hinayaan ko na lang. Sakto namang nagtext si Chief at pinapapunta ako sa bureau kaya nagpaalam na lang ako kay Xiara na aalis ako. Ni hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa bintana at sa sofa at sa sahig with distaste in her face.

Bahala na nga siya buhay niya. At mabuti na ring umalis ako bago pa ako maubusan ng dugo. Pagdating ko sa bureau agad akong sinabihan na may out of town operation kami. Ganun naman palagi. Laking pasalamat ko na lang na hindi kasama si Xiara. Dalawang araw kami sa Pampanga at kulang na kulang ako sa tulog. Gustong gusto kong mahiga sa kama at matulog ng isang buong araw pagdating ko sa condo.

Nung nasa operation kami tinext ko si Xiara na hindi ako makakauwi agad. Nagreply naman siya. Sabi pa niya, okay lang daw. Siya na daw ang bahala sa condo at mag ingat daw ako and take as much time as I want. Naisip ko, she’s not as bad as I thought she is. May pagka sweet naman pala siya.

I’m just wondering kung ano ang ginagawa niya sa condo. O baka naman wala siya doon at gumala siya habang wala ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng condo, nagulat ako sa nakita ko. Ang daming tao. At lahat sila napatingin sa akin when I opened the door. I blink plenty of times para linawin ang namimigat kong mga mata.

“I’m sorry nagkamali ata ako ng condo.” Nakatunganga lang ang mga tao sa loob sa akin. Ang iba nag aayos ng kurtina. May nag aayos din ng sofa. May naglalagay ng bulaklak at may nagpupunas kung saan saan. At lahat sila tumigil sa ginagawa nila at napatingin sa akin.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!