18

Ang aking munting operation ay tinawag kong ‘Bird Show’ kasi bird show naman talaga yun. Hindi ko alam pero natatawa ako sa pinaggagawa ko at aaminin kong naeexcite ako. Aba! Minsan ka lang makakakita ng ng ganitong show. Hmmm…pwede ko kayang ibenta ang video na to pagkatapos?? Magkano kaya ang kikitain ko?

Ibenta ko kaya to kay Gretchen? For sure, bibilhin niya to kahit magkano pa. Binuksan ko ang malaking Doritos na kinuha ko sa kitchen kanina at ang isang litrong coke. Then I boot up my macbook. Na configure ko na to kanina sa sala para ready na.

Nung  nagbukas na ang macbook I connected to the cam and now, let the ‘bird show’ begin. Wahaha. Adik!

At dahil hindi ko alam kung gising na siya o hindi, kumuha ako ng isang baso tapos dinikit ko sa common wall ng kwarto namin and tada! I could hear everything. Narinig ko na ang movement sa kabilang room kaya agad na akong pumunta sa harap aking ever reliable and most beloved 15-inch macbook pro with retina display.

Nung una black lang ang nakikita ko kasi nakasara pa ang dresser niya then bigla itong nagopen. Napangiti ako ng lihim. Ayan na!! Ayan na!! Nakita ko siyang nakatakip lang ng tuwalya at mukhang kakatapos lang talaga niyang maligo. Nice!

Tapos bigla akong nagulat nung biglang nagfocus sa mukha niya ang cam.  Naitapon ko pa ang hawak kong Doritos na isusubo ko na sana. Akala ko talaga nakita niya ang cam pero napahinga ako ng malalim nung tumayo siya at may hawak na brief. Umupo ulit ako ng maayos. Medyo pinagpapawisan na ako ng malapot kasi first time ko naman talagang gawin ito. First time kong makakita ng bird. Pero carry lang yan, It's just a bird. 

Nakita ko din siyang kumuha ng pants and shirt. Then…He took off the towel. Hindi ako huminga kasi hinihintay kong totally na alisin niya ang towel. Uu nga at hindi na ito nakabalot sa bewang niya pero hawak niya kasi ito at nakatakip ang towel sa tunay na pakay ko. Pakay talaga Xiara?

At naghintay ako and then inalis niya ang towel sabay talikod. Paksyet! Bakit siya tumalikod!? Sira ulo ba siya? Baliw ba siya? 

Kulang na lang ihampas ko sa ulo ni Jhudiel and isang litrong coke na mahigpit kong hawak sa ngayon. Hindi naman sa atat akong makita yung bird, gusto ko lang matapos na ang lahat ng kalokohang ito. Kinalma ko ang sarili ko at pinahiran ko ang pawis ko. Pootek na lalaking yan! Pasuspense pa ang peg. 

Ilang beses siyang pabalik balik sa view ng camera pero hindi mafocus ang gusto kong mafocus sa hindi ko alam na kadahilanan. Mga 5 minutes na ganun hanggang sa nakita kong nakabihis na siya. Frustrated na frustrated ako. Nakakabwisit! Sarap ihampas sa kaya ang macbook!

Pinatay ko na ang macbook sa inis ko  at nahiga sa kama. Di bali! Magbibihis ulit yan mamaya. Kinatok  niya ako sa kwarto ko na dating storage niya tapos nagpaalam na aalis saglit. Umoo lang ako pero hindi ko binuksan ang pinto. Naiinis ako sa kanya. Pakipot masyado. Kakabwisit!

Nagpahinga lang ako ulit at tiningnan kung ano pa ang pwedeng ma improve sa condo niya. Tapos lumabas na ako at namili ng ibang décor at mga tanim na din. Pagdating ko, nasa bahay na siya na nanonood ng tv. Nakinood din ako at hindi kami nag uusap. Maya maya tumayo na siya.

“Maliligo lang ako.” Paalam niya sa akin.

“Okay. Go ahead.” Kulang na lang sabihan ko siya ng enjoy. Hinintay ko siyang makapasok sa kwarto niya saka ako pumuntang kabilang kwarto at binuksan agad ang macbook tapos kinonnect. Tamang tama naman na kalalabas lang niya ng banyo at nakatapis na naman siya ng tuwalya. Sa susunod, i will make sure na walang tuwalya sa kwarto niya. Aba! Xiara may susunod pa? 

Kung ano lang naman. Kung...hindi pa din successful ngayon. Yun lang yun. 

Habang nagriritual siya  something caught my attention. May kama na sa kwarto niya. So naideliver na pala ang kama. Hmmm.. Titingnan ko bukas  kung maayos ang pagkakalagay niya ng kama. Meanwhile, balik tayo sa bird show.

Napahigit ako ng hininga nung hinawakan niya ang towel at dahan dahan inaalis ito sa bewang niya. As in dahan dahan talaga. Slow motion. Halos hindi na ako makahinga. Ayaw ko mang sabihin pero excited ako.

And then…

He dance. Napalunok pa ako. He is dancing while he is taking off the towel.

Bakit siya sumasayaw? Gawain ba niya yun? Hindi ko alam pero naaaliw ako. Tawa ako ng tawa ng mahina habang nanonood ako sa bird show na hindi pa lumalabas ang bird.  Ang hirap pumigil ng tawa. Paksyet yang si Jhudiel. Hobby ata ang magsayaw bago magpalit ng damit. Pero nung naalis na ang towel, nawala ang tawa pati ang ngiti ko. Nakabrief na kasi siya.

Puch…Hindi ko naituloy ang mura sa isip ko kasi biglang nafocus ang cam sa mukha ni Jhudiel and he kissed the cam.

Nanigas ang buong katawan ko. At napanganga ako lalo nung kumindat siya. Bakit siya kikindat sa camera? Why would he kiss it?

Shit! He knows. He knows that he is being filmed! I immediately turned off the macbook at napatayo while muttering..

Shit!

Shit! 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!