42

Sa kabilang kwarto siya natulog kinagabihan. Hindi ko din alam kung paano siya kakausapin kung ganyan ang mood niya. At mas lalo akong nahihirapan kasi hindi ko naman ugali na mang amo ng mga taong nagtatampo o galit sa akin. Wala naman akong pakialam dati. Pakialam ko ba kung mamatay sila sa sama ng loob sa akin. The hell I care. Mabubuhay ako kahit hindi nila ako kausapin habangbuhay.

Pero ngayon, hindi ako nakakatulog sa pag iisip sa nangyari at sa nangyayayri sa amin. Nagiguilty ako at nasasaktan. Pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa kanya dahil sinuway ko ang gusto niya dahil nakipagmatigasan ako sa kanya at dahil hindi ko kayang I give up ang pangarap ko para sa kanya.

Pero tinatanim ko sa isip ko that it’s not entirely my fault. Masama bang abutin ko ang pangarap ko? Bata pa lang ako yun na ang gusto ko. Gusto kong maging agent, gusto ko maging CIA or FBI agent.  I am not into playing Barbies and dreaming about my Prince Charming. I didn’t even dream  of wearing a wedding gown and marching to the one that I love.  I can’t imagine myself walking hand in hand with a guy in the seashore or watching sunsets or kissing under the moonlight.  I haven’t imagined myself getting old and holding hands with the person I marry.

I didn’t even imagine myself getting old. Gross  as it may seem but I already foresee that I will die early because of my work.  I have accepted that the day I found out what I really want to be in my life. Kaya hindi ako takot mabaril, hindi ako takot masugatan, hindi ako takot mamatay because its normal sa klase ng trabahong pinili ko.

Kaya buo ang paniniwala ko na hindi niya dapat ako pinipigilan kung ano ang gusto ko. He shouldn’t clipped my wings. If he trully loved me like what he said, dapat naiintindihan niya ang kagustuhan ko. He should respect my dreams and support me to get to it at hindi yung pinipigilan niya ako.

Pero ikaw ba Jamie Xiara, naiintindihan mo din ba ang nararamdaman niya? If you trully love him like what you said, you should respect him as well and acknowledge his wishes. Hindi ka dapat nakikipagmatigasan sa kanya. Siya ang asawa mo and not just some guy. You are committed to him.

Yan ang dahilan kaya nagiguilty ako. Kasi tuwing nirarationalize ko ang ginawa ko, isang bahagi ng isip ko ang kumukontra. Parang villain sa isang pelikula. Parang critic sa isang story and I must admit that in a way, tama naman ito. Kaya ako naguguluhan.

Kaya nung tumawag ang bureau sa akin kinaumagahan, agad akong pumunta. Hindi ko siya nakita sa condo and I expect na makikita ko siya sa bureau.

Pagkapasok ko sa bureau pinaulanan na ako ng congratulations ng mga kasamahan ko. At nagtataka ako kung bakit. Ayaw naman nilang sabihin at si Chief na daw ang magsasabi.

Nagtataka akong naglakad papunta sa office ni Chief pero hindi lang pala si Chief ang naghihintay sa akin. There are two foreigners who smiled when I entered the room.

“Xiara, these are Colonel Andrei Parkers  and Leiutenant Rob Svenson from FBI.” Pakilala ni Chief sa aming tatlo. Tinanggap ko ang pakikipagkamay nila nila at naupo na ako sa isang upuan na katabi ni Chief.

Akala ko nung una, andito lang sila dahil may assignment sila and then our conversation shifted to my accomplishment.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!