30

“What’s this?” Bigla niyang tanong in the middle of our make out session.

“Ang ano?” Tae! Wag mong sasabihin na mabibitin na naman ako.

“This!” Tapos pinisil niya ang sa bandang pajama ko. Yes, nagising ako kaninang madaling araw dahil ni hindi namin naisipang buksan ang aircon at nakatulog kaming dalawa na nakapantalon. Kaya madaling araw, naliligo ako at nagbihis ng napkin.

At nakalimutan ko na may mens ako sa sobrang engrosseed namin sa paghahalikan.

“Napkin.” Pasimpleng sabi ko kasi bigla akong nawalan ng gana. Sino ang gaganahan sa ganitong sitwasyon?

“Teka!” Sabay tulak ko sa kanya  at tumayo na din agad.

“Saan ka pupunta?”

“Maliligo.” At naglakad na ako papuntang banyo. Pero bago pa ako nakapasok and I heard him groaned.

“Paano na ako?” Hah! Ngayon alam mo na ang feeling ng mabitin.

“Wag mong sabihing gusto mong sumawsaw sa dinuguan? Hindi ka naman puto!” Tapos pumasok na ako sa banyo at naligo. Wala na siya paglabas ko ng banyo kaya nakapgbihis ako ng maayos. After kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto and the whole house is unusually quiet.

May nakasalubong akong katulong kayab tinanong ko kung nasaan ang mag tao. Nasa kwarto daw ni Madam kasi maghuhuling habilin na daw ang matanda.

Ganun na ba kalala ang sakit nito at mamamatay na talaga? Kaya pala agad agad na pinapunta si Jhudiel dito.

Tinuro sa akin ng maid and kwarto at pumunta naman ako doon.

Pagkabukas ko ng pinto napatingin ang lahat ng tao sa loob ng kwarto sa akin. Ngumiti ako ng tipid kahit hindi bagay sa personality ko.

Napatingin ako sa matandang nakahiga sa kama na napapalibutan ng buong pamilya niya.  Nagkatinginan kami.

“Ikaw ba ang asawa ni Jhudiel?” Tanong nito sa akin ng nakataas ang kilay. Hindi pa naman ata mamamatay eh. Kaya pa ngang itaas ang kilay di ba? O baka naman magaling lang siyang magdala ng sakit niya.

“Opo.” She motioned me to come near her at ginawa ko naman yun.  

“Marunong pumili ang apo ko. Maganda ka.” Gusto kong ngumisi dahil sa sinabi niya. May mga taste talaga ang mga matatanda. Ikaw ba ay nagdadalangtao na?” Napalunok ako? Ako buntis? Utang na loob.

“Hindi pa po.”

“Lola…” narinig ko ang protesta ni Jhudiel pero sumenyas ang lola niya na tumahimik ito at yun nga ang nangyari.

“Sana bago ako mamatay magbuntis ka na. Gusto kong makita ang mga apo ko sa inyo ni Jhudiel.” Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung bakit ngumingisi siya kaya napasimangot ako.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!