Three

“Ano!?” Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

“Huminahon ka Xiara.”  Sabi ni Mama sa akin.

“Hindi maaari ang sinasabi niyo Mama!  Paanong bigla na lang magbabago ang isip niya? Sira ulo ba siya?” I am fuming mad. Akalain mo ba namang aatras sa kasal namin ang fiancee ko. Wala siyang karapatang gawin yun kung sino man siyang Poncio Pilato siya.

Oo tama kayo ng narinig. Hindi ko kilala kung sino ang fiancee ko. Ni hindi ko nga nasilayan ang pagmumukha niya.  Basta sinabi lang sa akin nila Papa na irereto daw nila ako sa anak ng kakilala ng pinsan, ng uncle, ng kapatid, ng tiyuhin, ng balae, ng manugang, ng kapatid, ng aso, ng kapitbahay, ng Mama  nila Mama sa probinsiya.

At dahil uso naman ngayong 2012 ang mga arrange marriage eh di pumayag ako para naman maiba. Alangan naman na makiuso pa ako sa mga taong nag iinarte pa na kunyari ayaw magpakasal kasi arrange marriage. For as long as hindi nakakamatay, go lang ako ng go.

Pero ngayon, after a year, ayaw na ng Hudas Barabas Hestas na yun na magpakasal sa kagandahan ko!? At bakit ngayon lang niya sinabi? Nasayang ang isang taon ng kagandahan ko dahil naging faithful ako sa fiancee ko na walang mukha!

Walang hiya!

“Xiara, hindi natin hawak ang desisyon ni Angelo.  At isa pa pumayag lang siya dati na maging fiancee mo kasi wala naman siyang gf dati at hindi naman siya in love. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon. May nagugustuhan na si Jhudiel kaya he is breaking off the engagement.” Litanya pa ni Papa.

“Kalokohan! Kung maiinlove siya bakit hindi bago ang engagement? Bakit kailangang patagalin pa niya ang engagement?  Pinaghintay niya ako sa wala. Ayaw ko ng naghihintray ako.” Mataas pa din ang boses ko kasi naiinis talaga ako. Mga walanghiya talaga ang mga lalaki. Katulad din siya nung lalaking macho dancer na pumisil sa boobs ko at ininsulto ako. Pasalamat nga lang ang lalaking yun at hindi na siya nagpakita sa akin pagkatapos ng dalawang linggo. Kasi kung nagkataon na nagkita ulit kami, naku! Ipapakain ko sa kanya ang balls at ang bird niya.

“Xiara! Hindi natin kontrolado ang mga damdamin natin.” Paglilitanya ni Mama.

“Anong hindi? Nakokontrol nga natin ang pagtatae natin, damdamin pa kaya? Kakausapin ko ang lalaking yun. Kung lalaki nga talaga siya. Kasi kung lalaki siya, hindi siya aatras sa napag usapan na.” Determinadong sabi ko. Hindi pwedeng ganito, naipamalita ko na sa buong mundo na ikakasal ako. And besides, ito na ang pagkakataon ko para patunayan na mali ang hula sa akin nung college ako. Hindi kami magkakatuluyan ng lalaking may pangalang ‘J’ at may nunal sa ‘bird’. Kaya tama lang na isang ‘A’ ang pakakasalan ko. Dahil hindi ako naniniwala sa mga hula hula na yan! Kalokohan!

“Sige, bukas kaarawan ni Angelo kaya uuwi silang lahat sa resthouse nila. Imbitado tayo sa party sa beachfront. Doon mo na lang siya kausapin. Pero Xiara, sana respetuhin mo ang desisyon ni Angelo. Wag mo ipilit ang gusto mo.” Tumahimik na lang ako. Pero nagpaplano na ako sa mga gagawin ko para mapapayag si Angelo na yun na pakasalan ako. Kung kailangang pikutin ko siya gagawin ko, wag lang matupads ang hula sa akin.

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising. Ito ang kinaiinisan ko sa probinsiya. Sa sobrang sarap ng hangin at sa sobrang tahimik ng paligid, napapasarap ako ng tulog. Agad akong tumayo at bumaba para kumain.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!