15.

“You asked that gay to undress me! Anong  pumasok sa isip mo?”  I yawned for the tenth time. Paulit ulit lang siya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal sa headrest ng kotse. Ayaw kong marinig ang sentiments niya. Naririndi na ako.  Kanina ka yan simula nung malaman niya ang ginawa namin ni Gretchen sa kanya.

“Should I be thankful na hindi niyo sinukat ang ano ko?” Napamulat ako ng mga mata at tiningnan siya. Nanlalaki ang mga mata ko. I faced him na kahit daldal ng daldal ay nakatingin pa din sa kalsada. Oo nga pala papunta kami ngayon sa condo niya na titirhan ko kuno.

“Oo nga ano! Ba’t ba nakalimutan namin yun?” I said innocently. My face full of regrets. Tiningnan  naman niya ako saglit ng masama tapos binalik ulit ang tingin sa daan.

“Di bali. Next time sisiguraduhin namin yun.” Tapos sumandal ulit ako sa upuan. A naughty smile on my lips nung nakita ko siyang nakangangang nakatingin sa akin. Kung hindi red light, nabangga na kami.

“There’s no way in hell that I would allow that gay to touch me again.” Tiningnan ko siya ng masama.

“Hoy! Kung makapagdiscriminate ka parang minsan hindi nangyari na nabaliw ka sa isang bakla.” Tumawa pa ako. I saw him turned red. Ahhh. This is really rewarding. Parang hindi na tuloy ako nagsisi na pinakasalan ko siya. Bunos na lang ata ang galing niya sa paghalik na nakakawala talaga ng common sense and sense of self preservation.

“Hindi ako nabaliw kailanman sa isang bakla!” Defensive na defensive ang mokong. Parang adik lang. I looked at him doubtfully. His mouth is set na parang nagpipigil ng galit. Hinihintay ko talaga ang time na bigla na lang niya ititigil ang sasakyan tapos magwowalk out siya. Kelan kaya mangyayari yun? Hmm?

“Ows? Talaga? Kung ganun, bakit hindi mo makalimutan ang baklang yun? Bakit sabi ng mga pinsan mo, nainlove ka sa baklang si ako? Hindi kaya…” I trailed off tapos nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya na pulang pula.

“Ang pagkakaalam ko kasi, ang taong pumapatol sa bakla ay ano…” Hindi ko na tinuloy. I just smiled knowingly. Nung may stop light ulit tiningnan niya ako. Galit na talaga siya.

“Ano...sige ituloy mo.” Pikon na yan. Pikon na! Wahaha.

“Basta hindi ko sasabihin alam mo na yun. “ Nakangiti pa ding sabi ko. My gosh! Ano kaya ang gagawin niya?

“Sige sabihin mo at ng makita mo ang hinahanap mo.” Napatingin ako sa kanya. Sobrang seryoso ang mukha niya. Hala! He is really mad. Medyo kinabahan ako kasi baka sapakin niya ako at magsapakan kami sa loob ng kotse niya.

“Papatulan mo ako? Pumapatol ka sa babae?” Nawala ang ngiti ko. Hidni siya gentleman?? Akala ko ba goodboy siya, masunurin at under-de-saya material?  Willing siyang makipagsapakan sa babae? 

“Oo, pumapatol talaga ako sa babae.” Sabi niya. Napanganga ako. Mapapsabak ba ako kay Jhudiel? Teka! Nambubugbog siya ng babae?

Yun na sana ang iisipin ko kung hindi ko lang nakita ang tipid niyang ngiti. Pinagtitripan ba niya ako.

“Kung huhubaran mo ulit ako, I’ll make sure na ikaw lang at wala ng iba. At kahit ilang beses mong sukatin okay lang sa akin.” He winked at me. Nag init ang pisngi ko. No way Xiara! You are not blushing in front of him. Wag mong ipagkanulo ang sarili mo. Wag mong ipahalata na kaya hindi mo siya kayang hubaran mag isa ay dahil kahit ni minsan hindi ka pa nakakita ng bird.

Pero hindi yun eh. Paano ako hindi mamumula eh pagkasabi niya nun, pumasok na agad sa isip ko na nakahiga siya sa kama at nakaboxer lang at ako may dalang notebook, pencil at ruler. Naka eyeglasses pa ako, blazer and black pencil cut skirt. Nakapusod pa ang buhok ko. Nerd nerdan ang dating. Hayop! Bakit ganung eksena ang pumapasok sa isip ko? 

Umayos ka Xiara. Umayos ka. Huminga ako ng malalim pero sekreto lang para hindi halatang natetense ako.

“Ows talaga? Sige, itigil mo sa malapit na bookstore at makabili ng ruler.” Akala niya siguro hindi ko sasakyan ang kalokohan niya? Hari..este Reyna ata ako ng asaran.

“Hindi na kailangan. May meter stick sa condo.” Hanudaw! METER STICK? Meter? As in metro? Hindi inches? Hindi feet? Meter? My God! Bakit hindi kilometer o kaya mile? Bakit? O baka mangailangan pa ako ng lightyears  na measurement? Hahahaha. Natawa ako sa pinag-iisip ko.

Xiara naman! Paano magkakasya ang kilometer, miles at light years a Xl na boxer? Mag isip ka nga. Pootek! Kalokohan na ito.

Pero di nga! Napanganga ako sa meter stick! At hanggang ngayon nakanganga pa din ako kaya napansin na niya. Bakit kasi kailangan ng meter stick? Nakafold ba yun o kaya nageexpand ng sobra kaya hindi kakayanin ng ruler?  Parang umbrella, folding? 2 folds or 3-folds?

“Nagulat ka ata?”  Sabi pa niya sa akin and this time kitang kita ko na ang ngisi niya.  Lumunok ako.

“H-hindi ah! Bakit naman ako magugulat? Feeling mo ha! Common na lang ang mga ganyan. I mean, yung mga metro ang haba!”  Inirapan ko pa siya. Common nag ba yun? Teka! Wala ata akong nabasa na common ang may mga ganung kahabang bird.

I heard him chuckled hanggang sa tumawa siya ng malakas. Parang tuwang tuwa siya. Leche! Bakti siya tumatawa? Hindi ba yun common?

“Okay! Sabi mo eh. Pero ang tanong kakayanin mo kaya? Baka kasi hindi eh.” Napalunok ako sa sinabi niya.  Naiimagine ko… Gooooooshhh! Baka kahit na  tumakbo ako abot pa din ako. Hala! Pwede ba yun? Pero siyempre hindi ko kailangan ipakita sa kanya na nenenerbiyos na ako or kaya sabihin sa kanya ang iniisip ko.

“A-anong hindi??A- Ako pa! Akala mo uurungan kita? Bring it on!” Hoy! Jamie Xiara! Maghunus dili ka! Baka hindi mo alam kung ano ang pinapasukan mo?

“Talaga lang ha! Let’s see.”

Nanay ko po!!!

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!