38

“Where are you?” Sabi niya agad pagkasagot ko sa phone.

“Papuntang Bulacan. Why? Miss mo na ako?” I grinned at myself.  Nasa Cebu kasi siya ngayon for an assignment.

“Of course. But you’ve also missed your appointment.”  Sabi pa nito. Appointment? May appointment ba ako.

“Jamie Xiara, today is your appointment to the wedding planner. How could you forget.  At bakit patay ang isnag cellphone mo?” Halos marinig ko na ang pagkairita sa boses niya.

“Jude I’m sorry. Si Mama kasi tawag ng tawag habang nag memeeting kanina. Pinatay ko tuloy.  Don’t worry hahabol ako.” Napakagat na lang ako sa labi ko. Shit! Kaya pala tawag ng tawag sina Mama . Ba’t ko ba nakalimutan? Ang liwanag naman  ng usapan namin last week nung pumunta kami ng bahay para pag usapan ang kasla, bakit ko nakalimutan?

“You’re already late by an hour. Kung babalik ka pa, baka malate ka pa ng dalawang oras. Just cancel it.” Sabi pa niya pero naririnig ko na ang tampo sa boses niya.       

“No, no. Hahabol ako. I’;m calling Mama now para hintayin ako.” And while I’m saying that, nag u turn na agad ako. Narinig ko ang busina ng mga sasakyan na naistorbo dahil sa bigla kong pag u turn. 

“Jamie Xiara! What was that?” Napangiwi ako.

“Nothing. Nag U turn lang ako.” I would never dare tell him na halos barilin na ako ng mga driver ng sasakyan.  Simula kasi nung naging open kami sa isa’t isa, which means, may exchange na ng I love you’s and such, naging overprotective na siya. I was kind of sweet at nakakailang. Hindi ako sanay na ganun ang ugali niya at ginaganun ako.

“Jamie Xiara…” May banta na sa boses niya at napabuntunghininga na lang ako. And I still don’t know how he was able to read me easily. Like now, he knows that I am not telling the truth.

“Okay, I made a sharp U Turn and cut the other vehicles.” Narinig ko pa ang pagmumura niya.

“Bakit hindi mo kayang mag ingat? Why can’t you just U-turn at a U turn slot, why can’t you drive at a minimum speed limit, why can’t you stay on your lane, stop when the light is red and why can’t you just take care?” And here we go again. Him, lecturing me about my driving.

“I am taking care of myself Jhudiel . Just relax, be calm and…”

“I am not saying all those things for you. I am saying those things for myself. I want you to take care for me, because everytime you do those deadly stunts you’ve been pulling, it always put me on edge.  And I tell you, everytime I’m not beside you, I feel like I’m on the edge of the cliff.” Natahimik ako sa sinabi niya. Sino ang hindi matatahimik? It was just so seet na pakiramdam ko may humaplos sa puso ko. And automatically the speedometer went from a 100 to 60kph, unconciously, I stayed on my lane and tried not to overtake the other vehicles, and I stopped on a red light. Dahil lang sa sinabi niya ginawa ko ang lahat ng yun at kakornihan na nga ata dahil pakiramdam ko maiiyak ako.

“Okay. I will.” I said after maybe more than a minute of silence.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!