Chapter 2.

Xiara's POV

Unti unti ko ng hinuhubad ang stilleto ko para ipalo sa ulo ng pangahas na lalaking ito.  Habang buhay kong hindi makakalimutan ang ngisi niya at lalo na ang sinabi niyang bakla talaga ako. Sa ganda kong to? Bakla? Rawr!

Napangiti ako nung naalis ko na ang stilleto ko. Wala siyang kaalam alam na maya maya lang babaon na sa bungo niya ang heels ko. I am about to smash it in his head when….

“Xiara! Jhudiel! Buti naman at magkakilala na kayo!” Napatingin ako sa nagsalita. Si Chief at ang laki ng ngisi niya sa amin.

“Kilala mo siya Sir?” Sabay namin sinabi at nagkatinginan kaming dalawa. Pinandilatan ko siya at kinindatan niya ako. Nakakaasar. Pagbuhulin ko yang mga buhok niya at ipulupot sa leeg niya, makita niya.

“Of course, by the way, congratulations guys. You did a great job.” Tapos tinapik niya ang mga balikat namin.

“Agent siya?” Naibulalas ko. Ang macho dancer na to? Agent? Fuck!

“Sir, di ko alam tumatanggap na pala ngayon ang Bureau ng bakla.” Napatingin ulit ako sa walang hiyang lalaki na hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi. I really wanted to wipe that smirk off his face.  And why not?

And in one swift movement, sinipa ko siya in between his legs.  Napahiyaw siya pero bago pa siya makarecover. Lumayo na ako and shouted.

“Sir, bukas na lang po ako magrereport.” At nagmamadali akong pumunta sa kotse ko leaving that guy writhing in pain. Nung makasakay na ako, hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko. Revenge is really sweet.

Pero hindi pa ako tapos, makikita ng kulot na yun! Hindi pa tapos ang laban.

Jhudiel POV.

Ay! Paksyet naman talaga! Kung kailan nangangailangan ako ng tulog tsaka naman hindi ako dalawin ng antok. At sa lahat ba naman ng maisip ko habang nakahiga ang mukha ng baklang yun ang sumasagi sa isip ko. Kung minamalas ka nga naman.

Umikot ikot ako sa higaan ko para kumuha ng magandang pwesto pero kahit anong gawin ko hindi talaga ako dalawin ng antok at kapag pinipikit ko na ang mata ko pumapasok agad sa isip ko ang mukha ng pangahas na bading. Amputa!

Ang kapal ng mukha ng baklang yun na guluhin ang pag iisip ko at ang pag tulog ko. Ang kapal ng mukha niyang  sipain ako sa ano. Akala mo naman may ipagmamalaki eh alam ko naman na parehas kaming may buntot. Antae!

Sa lahat ng babaeng nakasama ko, wala kahit isa sa kanila ang nangahas na saktan ang pinakakaiingatan ko, pero ang baklang yun…ay paksyet talaga! At bakit ba iniisip ko siya? Pambihira! Pwede naman akong mangarap ng babaeng hubad, pero bakit ang mukha ng baklang yun ang pumapasok sa isip ko? Wag mong sabihing naattract ako sa isang bakla! Langya! Hindi maaari! Nalintikan na talaga.

At parang ramdam na ramdam ko pa ang sakit ng sipa niya. Pakiramdam ko kanina mababaog na ako. Langya!  At hindi lang ang sakit ang ininda ko. Ininda ko din ang pagkapahiya sa mga kasamahan ko. Instead kasi na tulungan nila ako, pinagtawanan pa ako ng mga walanghiya.

Kaya kailangan kong ipaghiganti ang sakit na naramdaman ko. Kailangan kong itayo ang dangal ko. Hahaha. Putakte!  Makadangal naman ako parang virgin lang. Pero tama! Kailangan maghigante ako sa baklang yun.

Hindi pa tapos ang lahat. Makikita ng baklang yun! Hindi pa tapos ang laban!

Aja!

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!