21

“Sinasabi ko na nga ba na pinagnanasahan mo ako eh. Kunyari ka pa pero pasekretong manyak ka.” Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

“Anong manyak? Kapal ng mukha mo ha. Ikaw tong nag ooffer, tapos nung tinanggap ko sasabihan mo akong manyak! Bakit natatakot ka ba?” Dapat lang siyang matakot. Pisain ko yang itlog ng bird niya, makita niya.

“Of course not. Ano ready ka na ba?” Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya at palaapit sa akin. Wag kang pipikit Xiara. Wag na wag kang pipikit. Sandali lang yan kaya easy ka lang. Wag magpanic, be calm, breathe in, breathe out.

“O-Oo naman.” Pinilit kong hindi magstammer. Ahhh. Kaya ko to.

Saktong huhubarin na niya ang tuwalya nung tumunog ang cellphone ko na nasa taas ng table. Napatingin din siya bigla sa cellphone ko at sa akin. Hindi ko alam pero napahinga ako ng malalim. Ngumiti siya ng nakakaloko tapos tumalikod at lumabas ng kwarto.

Iniwan niya ako? Iniwan niya talaga ako na nakaposas at nabibitin dito? Hehe. Naks. Kung mabitin naman ako. Wahaha.

Maya maya pa bumalik na siya na nakajeans at shirt na. Dala na din niya ang cellphone niya.

“Masuwerte ka may nagtext.” Sabi pa niya habang inaalis ang pagkakaposas sa akin. Inirapan ko lang siya at minasahe ang kamay kong pinosas niya. Mamaya ka na Jhudiel, mas importante ang text ko. Nagdive ako sa kama at kinuha ko ang cellphone ko.

“Kailangan magdive? Pwede namang kunin na lang ng maayos.” Sabi pa niya habang nakatayo at nakatingin pa din sa akin.

“Pakialam mo ba? Kung naiinggit ka, eh di gayahin mo din.” Umismid ulit ako. Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang text tapos kinuha ang macbook ko. Mabuti na yung sigurado. Dapat mailayo ko na sa kanya to.

“Sabay na tayo. Para tipid sa gas.” Hindi na ako nagreklamo kasi tinatamad na din naman akong magdrive.

“Nanghihinayang ka ano?” Sabi niya habang papunta kaming bureau.

“Hindi din. For sure, wala kang nunal dun. Ahmmm. Exhibitionist ka lang talaga kaya gustong gusto mong ibalandra yang ano mo.” Tumingin ako sa labas ng kotse. Nabobored ako sa klase ng pagdaqdrive niya. Hindi ba pwedeng kahit minsan lang, mag break namna siya ng traffic rules? O kaya mag wang wang siya?

Why is he so proper all the time?

“Ang sabihin mo manyak ka lang kaya mo ako binobosohan. Ginagawa mo pang rason ang nunal ko.” Sabi pa niya.  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nunal ko?

“May nunal ka nga?” I looked at him wide eyed and he is just smiling while driving. Hindi niya ako sinagot. Nakakaasar ang klase ng ngiti niya. Di ba… di ba may batas na bawal ngumiti habang nagdadrive? Pagkakaalam ko meron yun kasi kung ganyan siya ngumiti, masyadong deadly. Madaming babaeng driver ang madidisgrasya. Hindi ko sinasabing kasama ako sa mga babaeng driver na yun ha. Hindi ako kasama. Swear!

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!