17.

“Alam mo bakla, sa tingin ko truelalo talaga yung nanghula sa atin nung college.” I just rolled my eyes at Gretchen. Naglalagay siya ng kurtina sa living room kasi siempre dapat katulong ko siya sa pag aayos ng bagong condo ko. Naks! Inari ko na talaga ang condo na to. Siyempre, maganda na eh at saka malay mo, papatulan ni Jhudiel yung sinabi ko at talagang lalayas siya. Eh di masaya! Partey! Partey!

And speaking of Jhudiel, hindi siya lumabas at hindi din niya ako sinundan paglabas ko. Nung sinilip ko ang kwarto, nakita kong nakalatag ang isang comforter sa sahig at siya…tulog! Hinayaan ko na. Kawawa naman kasi.

“Kasi bakla, isipin mo, may nunal siya sa dibdib katulad mo di ba? At nagsisimula din sa letter dyey ang name niya. Tapos ngayon kasal na kayo. Naku nagkatotoo ang hula! Bumalik tayo dun bakla!” Tinakpan ko na ang tenga ko dahil sa lakas ng tili niya. Dalawa na lang kasi kaming natira sa condo kasi paglalagay na lang ng kurtina ang gagawin kaya umuwi na ang iba.

“Pwede ba Gretchen! Tigilan mo na yang hula hula na yan. At saka nakalimutan mo na ba? Ang nakatakda daw na lalaki para sa akin ay…may nunal sa ano. At ang name niya ay Angelo Jhudiel kaya sa A nagsisimula ang name niya at hindi sa dyey.”  Ayaw ko kasing tanggapin ang katotohanang, sa kakaiwas ko sa hula na yun, dun din pala ako bumagsak. Aba malay ko ba na may Jhudiel pa pala ang pangalan ni Angelo. Akala ko Angelo lang kaya atat akong makasal sa kanya. At malay ko rin ba na may nunal siya sa dibdib? At kung may nunal din siya sa ano, naku, magpapakamatay ako. O kaya tatapyasin ko yang nunal.

“Uu nga sa A nagsisimula ang name niya, ngunit, subali’t datapwat may tumatawag ba sa kanya ng Angelo? Sa kanilang magpipinsan ang second name palagi ang tawag sa kanilang lahat. At aminin mo pati ikaw Jude or Jhudiel na din ang tawag mo sa kanya.” Binigyan niya ako ng klase ng tingin na…’wag kang magkakaila, sasabunutan kita’ look kaya di na ako nagdeny pa. Nag isip na lang ako ng mairarason pa.

“Pero wala sa kanya ang pinakaimportanteng sign. Kaya hindi siya ang nakatakda sa akin.” Rason ko pa.

“Sigurado ka? Nakita mo na? May nangyari na sa inyo!?” Halos magtatalon na siya dahil sa sinabi niya. Nanlalaki na din ang mga mata niya. Sobra siyang naexcite sa sinabi ko.

“Wala ah! Anong akala mo sa akin? Easy to get?” Bigla ko ding sabi. Hmmm…pag sinabi kong oo panigurado ipapakwento niya yun at papaano ko naman ikukwento kung wala akong alam.

“Gagah! Mag asawa na kayo. May easy to get ka pang nalalaman dyan.  Ikaw lang ang kilala kong kasal na ng isang linggo at virgin pa din! Tapos kung makapagsalita ka parang sigurado ka na wala eh ni hindi mo pa pala nakikita. Wala ka naman palang ebidensiya.” Umirap pa ang mahadirang bakla. Sarap sungalngalin from left to right, up and down, side to side para tumino at maging straight.   

“Ano ang gusto mong ebidensiya? Picture, Video?” Sarcastic na sagot ko. Sige nga! Sumagot ka bakla!!

“Mabuti naman at ginamit mo na din sa wakas ang braincells mo bakla at ang pagiging ahente mo.” Pwe!  Ahente? Akala niya sa akin? Sales agent. Peste tong bakla na to. At ano daw? Ginamit ang brain? So ibig sabihin, pipicturan ko talaga at magvivideo ako?

“No way! Hindi ako mamboboso noh!”  No way! Ni  hindi ko nga kayang hubarin ang boxer short ni Jhudiel tapos pipicturan ko pa ang bird niya? Ano ako sira?

“O baka takot ka lang malaman na tama yung nanghula?” What!? Pinandilatan ko siya ng mata kaya pinandilatan din niya ako ng mata. Maldita talaga!

“Don’t outsmart me!” Alam ko naman na iniisahan lang niya ako at kinoconvert para maging manyak din katulad niya. Pero sorry na lang siya dahil hindi ako ganun.

“I am not outsmarting you. Pinapatunayan ko lang na totoo yung manghuhula at hindi totoo at mali ang paniwala mong fake siya and there’s no such thing as destiny blah blah! Ngayon kung wala nga eh di tama ka at ako ang mali! Ano?” Sabi pa niya. Kaasar. Umismid ako at binato siya ng kurtina.

“Okay fine! Pipicturan kung pipicturan, ivivideo kung ivivideo para lang makuntento ang hasang mong bakla ka!” Nakita ko siyang ngumiti. Inirapan ko. Akala niya siguro naisahan niya ako? Well…ako pa!

At dahil asar na ako kay Gretchen, pinalayas ko na siya at ako na lang ang tumapos ng ginagawa niya. Hindi ko na din siya pinakain kasi asar ako eh. Bahala siyang magutom.

Pagkaalis niya, sinilip ko si Jhudiel sa kwarto niya at nakita kong tulog na tulog pa siya. At dahil medyo maaga pa naman, lumabas muna ako ng bahay at may binili. Pagkadating ko ng condo, tulog pa din si Jhudiel at napangiti ako. Tamang tama! Then I started working.

Naglagay ako ng maliit na camera mismong dresser ni Jhudiel at sinuguro kong katapat nito ang ’you know what’ niya para close up. Wahaha. Peste yang Gretchen na yan. Nagmumukha akong pervert at manyak nito. Pero kasi ayaw kong kinukwestiyon ang paniwala ko kasi ayaw ko ding mag cast ng doubt sa sarili ko. Kaya gusto ko din patunayan na tama ako. Hindi totoo ang destiny at lalong hindi totoo ang manghuhula.

Pero dahil trabaho lang ito, hindi ako dapat nagbibigay ng malisya. Tama, trabaho lang to kaya Jamie Xiara hindi ka dapat kabahan. Be calm, it’s only a bird. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!