S*X

Jhudiel’s POV:

Tinanghali ako ng gising. Ang pagkakaalam ko hindi naman sobrang dami ang nainom ko. At bakit pala andito ako sa kwarto na to? Kaninong kwarto to? Sino ang nagdala sa akin dito?

Inikot ko ang mga mata ko at alam kong nasa resort pa ako kasi familiar ang loob ng kwarto. Naalala ko na din na huli kong kasama si Xiara, ang bading na NBI agent.  Bading? Siya kaya ang nagdala sa akin sa kwarto na to? Shet!

Agad kong sinilip ang nasa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin at nanlumo ako sa nakitang wala akong kahit isang damit. Hinalay ako ng bading na yun? Pero nakipagbati na siya sa akin kagabi! Ano ang nangyari?

Tapos nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Michael. May usapan pala kaming mag diving ngayon pero anong oras na? Magtatanghali na at mataas na ang araw.  Napansin ko din na may ilang missed calls ako at ilang message.

Binasa ko isa isa ang mga messages na mostly ay galing sa mga pinsan ko at nagtatanong kung nasaan na ba ako. Tapos nakita ko ang isang message sa isang unknown number.

‘Jude, you never knew how happy you made me feel tonight. It was such a very special night and I thank you for it. You made me feel whole and I will treasure it forever. I will never forget you and as a souvenir I took some pictures of us together. You made me feel so desirable, as if you can’t get enough of me. You are so rough na feeling ko mababasag na ang mga silicon ko. Ayaw ko mang iwan ka but I really have to go  dahil ipapaayos ko pa ang dibdib ko na tumabingi ata ang silicon. I will always get in touch with you because I know that we share something common and special. Hinding hindi ko makakalimutan ang masayang gabing pinagsaluhan natin. xoxo. Xiara.’

 

Ilang ulit kung binasa ang message. Hindi magsink in sa utak ko ang nakasulat or baka mas magandang sabihing hindi matanggap ng buong pagkatao ko ang mag nangyari. Hindi ako makapaniwala! Totoo ba ang text niya?

Tapos nakita ko ang attachment na picture at napamulagat ang mata ko. Shit! Shit! Shit!

Totoo nga!

Nakipagsex ako sa isang bakla!

Napapikit ako at sinabunutan ang sarili ko. At habang ginagawa ko yun, nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi ng mga barkada at pinsan ko.

“Bakla lang ang pumapatol sa bakla.” Lalong sumakit ang ulo ko. What the fuck. Pumatol ako sa isang bakla.

Nangangahulugan din ba yun na bakla din ako?

Napatulala ako ng ilang minuto. Gusto kong magsuka pero wala akong isusuka. Gusto ko din iuntog ang sarili ko sa pader.

Xiara describe me as rough and as if I can’t get enough of her. Paksyet! Am I a closet queen ng hindi ko nalalaman? Hindi ko matanggap. Ano na lang ang sasabihin  ng mga barkada ko, ng mga pinsan ko? Pandidirihan nila ako. At pag nalaman nila Mommy at Daddy, baka isumpa nila ako.

Hindi! Hidni ako bakla!

Pero bakit nakipagsex ako sa isang bakla? Amputa! Ngali ngali kong itapon ang cellphone ko. At habang tumatagal, lalong sumasakit ang ulo ko.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!