Nine

Inaantok na ako sa pinagsasabi ni Tito. Ang haba haba.

“Pwede bang pirmahan na lang agad Tito?” Napatigil si Tito sa pagsasalita.  “Doon na din naman pupunta ang lahat. Wala rin namang kwenta ang for richer for poorer na yan.” Inip na inip na sabi ko. Nagsasalubong na din ang kilay ko.

“Jamie Xiara!” Saway sa akin ni Mama at Papa.

“Ma, Pa, gusto lang naman niyang patunayan ang pagkalalaki niya kaya kami nagpapakasal kaya hindi applicable sa amin ang kung anumang kaekekan sa kasal. At may lakad pa ako!” Sabay tingin sa relo ko. Napailing lang ang mga matatanda. Walang reaksiyon mula sa tribu ng mga homo sapiens.

“O siya sige. Mukhang nagmamadali kayo.” At binigay sa akin ang papel na pipirmahan namin. Agad kong pinirmahan ang papel at binigay kay Jhudiel na pumirma na rin. Ang tahimik ata niya? Nachichicken?

Pagkatapos niyang pumirma, ibinigay niya sa ama niya ang papel at tumingin sa akin na nakataas ang kilay. Antipatiko. Tumingkayad na ako and kissed the side of his lips sa gulat ng lahat.

“Done. Aalis na ako Ma, Pa. Tito, Tita.” Tumalikod na ako at lumabas sa office ng Daddy ni Jude. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Para que pa?  Isinuot ko na ang shades ko at naglakad papuntang parking nung may humawak ng braso ko.  Hindi na ako lumingon kasi alam ko na kung sino ang pangahas na yun. Ay bwisit! Bakit ba niya ako sinundan?

“Where do you think you’re going?” He said in a soft yet firm voice. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Uh, I hate this man. His domineering features, his arrogance, his casual attitude, his wits and everything about him.

“Sa impyerno. Bakit sasama ka?” Paasik na sabi ko. Pero instead na magalit dahil sa pambabara ko, ngumiti lang siya at naglakad katabi ko.

“Bakit hindi. Tara.” Tapos nauna pa siyang sumakay sa kotse ko na nabuksan ko na kanina using the remote.  Sumakay siya sa passenger seat. Gagawin pa akong driver ng walanghiya. Tahimik na din akong sumakay sa kotse at lumabas na kami ng resort. Walang nagsasalita sa amin. Nakapikit pa ang asira ulo habang nakasandal sa headrest ng sasakyan.

Noong una, alalay lang ang drive ko kasi masikip ang daan pero pagdating namin sa highway agad kong pinaharurot ang kotse.

“Holy fuck!” Napamulat siya ng mata ata agad na sinuot ang seatbelt. I smiled silently.

“Gusto mo ba ng  magpakamatay?” Ang sama ng tingin niya sa akin.

“Sabi mo sasama ka hanggang impyerno? Ito na ang daan.” At agad kong inapakan ang gas at biglang nagovertake sa isang van.

“Shit! Slow down.” Tumawa lang ako na parang demonyo.

“Easy. Hindi ka mamamatay sa car accident. ” Ngumiti pa ako at nagovertake sa isang bus. Mamamatay ka sa heart attack.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!