25.

“Utang na loob Jamie Xiara!” Agad akong dumilat pagkarinig ko ng boses niya. Pang ilang araw na ba namin sa isla? Pang 100 days na ba namin? Di joke lang. Pangatlong araw na namin dito at andito ako ngayon sa tabig dagat nagsasunbathing. Infairness, super pantay ang tan ko ha!

“Hoy!” Napabuntunghininga na lang ako sa kanya at inilihis ang shades ko. Kahit kailan istorbo talaga to.

“Bakit na naman ba? Iniistorbo mo ang sunbathing ko.” Anong problema nito? Wala naman na kaming problema sa pagkain kasi madaming tangang isda sa dagat na ito na palaging pumupunta sa ginawa naming trap para sa kanila. Hidni ko maexplain ang trap na iyon kasi si jhudiel ang may kagagawan nun. Tapos madami din namang shells sa paligid. Pinakita na din niya sa akin ang pinagkukuhanan niya ng tubig. Pwede siyang kumain anytime he wants pero bakit iniistorbo niya ngayon ang pagpapatan ko?  Sabihin niyo sa akin ang rason bago ko pa siya ilunod sa dagat.

“Magbihis ka nga!” Singhal na naman niya.

“Kung makapagsalita ka, parang isang isla ang wardrobe ko dito ah!” Paasik na sabi ko.

“Nasaan na ang mga damit mo? Ba’t nakaganyan ka lang? At anong sunbathing ang pinagsasabi mo?” Palubog na ang araw. ¼ na alng ang natitira! Paano kung biglang dumating sila chief at nakita kang nakaganyan?” Umupo ako sa buhangin na naiinis. Ano ba ang masama kung nakapanty at bra lang ako? Black naman ito ah! Terno pa.

“Nilabhan ko kasi mabaho na at wala akong masuot at nababahuan na ako sa sarili ko. Kaya nga tinatawag na survivor di ba? Mag isip ka nga. Bakit mo ba pinapakialaman ang suot ko? Hindi nga ako nagrereklamo na nirarampa mo din yang abs mo. Kung naiinggit ka eh di maghubad ka din. Pakialamero!” Humiga ulit ako sa buhangin at tumingin kung saan bumaba ang araw. It always amaze me how wonderful the sunset is. Iba iba ang colors ang ganda tingnan. Singganda ko lang talaga. Mas lamang pa ata ako ng sampung paligo sa sunset.

Hinintay kong magsalita ulit siya pero naramdaman ko na lang ang pagbuntunghininga niya at ang paglakad palayo. Buti naman. Nung feeling ko nakalayo na siya ng kunti, tumagilid ako at inalis tiningnan ang papalaytong likod niya.

Grabe lang! Ang pogi ng likod. Very lean. Hindi katulad ng mga ibang lalaki na nagbabulge at ipinagmamalaki ang abs. Si Jhudiel, hindi nagbabulge pero walang kataba taba. Flat and lean. Kumbaga sa baka mas mahal pag pure lean meat.

Pero, walang biro, ang katawan ni Jhudiel, parang ang sarap higaan. Lalo na ang tyan. Mas gusto ko ang abs niya kasi sino ba naman ang gustong mahiga sa bako bakong unan? Ahhh… ano ba tong pinag iisip ko? Simula kasi nung nagtatopless siya hindi ko na maiwasang hangaan ang katawan niya. Damn! Iisa lang ang ibig sabihin nito.

Nagsasawa na ako sa isda at gusto ko na ng meat. Yun lang yun. Wala ng iba.

Tumayo na ako at bumalik sa camp pero wala si Jhudiel doon. Saan na kaya yun? Naglakad ulit ako and after a while bumalik na ako sa camp. Wala pa din siya kaya nagluto na ako. Tapos napansin ko na may nakasamapay na brief.

Nilapitan ko, inusisa at hahawakan ko na sana nung makarinig ako ng mga yabag. Papalapit na si Jhudiel. Kung nakita man niya ang ginawa ko, hindi na siya nagsalita.

Bumalik ako sa niluluto kong inihaw at tumayo siya sa harap ko. Hindi ko napigilang tumingin sa harap niya at napapangiti ako. 

“ Wala kang brief ano?” Nanlaki ang mga mata niya. I smiled   at him mischievously. Hindi niya ako pinansin. Misyon ata niyang iignore ang mga pang aasar ko. Ngumiti ulit ako ng nakakaloko tapos inikot ikot ang iniihaw kong karne. Oo may karne ako. Bakit ba? Tapos kumanta na ako.


“Why do birds suddenly appear…

Everytime you are near.

Just like me, they long to be close to you…ohhhh.”

Habang kumakanta ako, lalong sumasama ang tingin niya sa akin pero hindi ko yun pinansin. Kitang kita ko angpipigil niya sa sarili niya pero hindi man lang ako natinig.

“Mahangin ba sa loob Jude?” Tapos humagikgik ako. Tiningnan lang niya ako ng masama pero wala naman siyang ginawa. Instead he looked at the meat na niluluto ko.  

“Paano mo nahuli ang snake na yan?” Oo ahas ang nahuli at iniihaw ko.  At nakikita ko ang disgurto saa pagmumukha niya.

“Hindi ko to hinuli, pumunta lang sa akin at nagpaihaw. Naman! Kung gusto mo kumain ka na lang.” Ayaw kong tinitingnan niya ng ganyan ang pagkain ko na parang diring diri siya. Isaksak ko kaya sa kanya ang stick na ipinantuhog ko sa ahas?

“Hindi ako kumakain ng ahas.” Ang arte! Nagkibit na alng ako ng balikat.  

“Eh di wag. Mamatay ka sa gutom. Wala na ngayong tangang isda kaya walang huli.  Akala mo naman ipagluluksa kita pag nabiyuda ako!” Pero ang totoo, hindi ko talaga pinuntahan ang trap namin.  Kumakain na siya at hidni pinapansin si Jhudiel nung bigla na lang nitong inagaw ang kinakain niya.

“Hoy!” Tapos nakita ko na  kumagat ito kahit ngiwing ngiwi. Gutom nga ata talaga ang sira ulo. Hinayaan ko na lang kasi may isa pa namang stick. Mabuti na lang at hinati ko. Pero siempre bago ang lahat pinagsabihan ko siya.

                            

“Mang aagaw ka! Ahas! Ahas!” He just gave me an amused look at nagpatuloy sa pagkain. Nawala na ang pagngiwi niya kanina at ngayon mukhang sarap na sarap na sa kinakain.  

“Pinagbigyan lang naman kita eh. Ayaw ko pang mabiyuda ka. Yun lang yun. “ Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Ganun? Pinagbigyan mo na ako sa lagay na yan? ”

“Oo ganun lang yun.” Sabi pa ng walang hiya.

“Hmp! Pasalamat ka walang kang brief.” Tumigil siya sa pagkain at humarap sa akin at mukhang naiinis na talaga siya sa pagmention ko ng brief niya. Eh kung itago ko kaya yun?

“You know what? You’re exasperating!” Asar na sabi niya sa akin. Nagdiwang ang puso ko.

“You know what? You’re hopeless.” Ganti ko.

“You’re irritating.” Ayyy!

“You’re boring.” He stopped eating.

“Boring?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Hah! Pikon talaga!

“Yes boring and gay.” Buong kumpiyansang sabi ko.

Bigla nitong binitiwan ang hawak na stick na may meat pa sa pangigilalas ko. At mas nanggigilalas ako when he suddenly grab my shoulders, made me face him and claimed my lips fully. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!