37

After three days in Quezon, natapos din ang misyon namin. Nakakapagod lalo na at surviellance ang ginawa namin.I barely sleep in those three days. At ngayong tapos na, gusto ko na lang mahiga at matulog ng 72 hours. Halos di ko na nga maidilat ang mga mata ko. Nagbablur na. Para na akong lasing. Paekis ekis na ang lakad ko.

Napapapikit na ang mga  mata ko habang naglalakad ako papunta sa hotel room ko. Yung ibang kasamahan ko tig dadalawa sa iisang room. Ako lang ang solo kasi nga ako lang ang babae. Pero mabuti ngang solo ako para walang mangungulit at mang iistorbo sa akin.

Wala sa sariling binuksan ko ang pinto ng hotel room. Paksyet, nahihilo na talaga ako sa antok. Hindi kasi ako uminom ng kape kasi kapag uminom ako, baka hindi naman ako makatulog.

“Wag kang gumalaw! Holdap to. Akin na ang puri mo!” Bigla na lang may yumakap sa akin  pagkapasok ko sa kwarto. Kung hindi ko lang kilala ang boses, kanina pa sana siya nakalupasay sa sahig.

And what the heck is he doing here.

“Sinuswerte ka! Kung gusto mo, paghirapan mo!” At humarap na ako sa kanya. The moment I faced him, his lips captured mine. Napapikit na lang ako at pinulupot ang braso ko sa batok niya. And I savored his kisses.

Yeah, I miss him.

“You looked like a zombie.” Sabi niya nung tinigilan niya ang paghalik sa akin at tiningnan ako.

“And you look delectable. Bakit andito ka?” Nakasandal pa din ako sa kanya. Sabi ko na gusto ko nang matulog eh. Kanina kaya ko pang tumayo pero ngayong andito siya parang gusto ko na lang magpakahina at magpakarga. Naks! Landi lang!

“ Kasi hindi kita namiss.” Tumawa ako ng kunti at kinilig ng sobra. Ay grabe! Ang sarap pala ng ganitong feeling. Sarap ulit ulitin.

“Matulog ka na Jamie Xiara.” Sabi niya habang inaakay ako papunta sa kama.

“Akala ko ba, hoholdapin mo pa ang puri ko?” At hindi ko na siya pahihirapan.

“Nagbago na ang isip ko.” I pouted. Anong nagbago ng isip? Ganun kadali?

“Rape na lang?” Humalakhak siya sa sinabi ko at pinisil ang ilong ko.

“Hindi din. Ayaw kong mangrape ng babaeng tulog.” Pinaupo na niya ako sa kama at wala na akong nagawa kundi ang mahiga. Kama…kama…here I come.  Pero ayawko pang matulog. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pa siyang halikan. Kailangan kong labanan ang antok ko.

“Hindi ako tulog. Nag uusap pa nga tayo.” Pilit ko na talagang dinilat ang mga mata ko. Pero pilit din itong pumipikit. Ano ba! Ba’t ayaw sumunod sa gusto ko.

“At sa taong 75% lang ang pagmamahal sa akin.” I gave up. Pinikit ko na talaga ang mga mata ko pero naririnig ko pa din siya. Nararamdaman ko pa ang pag aayos niya ng katawan ko sa kama para maging maayos ang higa ko.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!