43.

 Dalawang papel ang nakaharap sa akin. The other brought happiness and the other brought sadness. At sumasakit ang dibdib ko habang nakatingin ako sa papel.

“Bakla! Hindi pa biyernes santo! Utang na loob!” Napatingin ako kay Gretchen na kanina pa nakatingion sa akin. Hindi ko siya pinansin.

“Kaloka ka! Hindi ako sanay na ganyan ka. Bakit ka nagkaganyan? Ibalik mo ang dating kaibigan ko!” Paghihimutok pa ni Gretchen. Nasa isang coffee shop kami ngayon. Nakipagkita ako sa kanya kasi kaialngan ko ng karamay at siya lang ang kaibigan ko.

“Gretch, bakit hindi na lang ako sayo nainlove?” Hindi ko mapigilan ang pangangatal ng boses ko.

“Diyosmiyo! Wag kang umiyak dito! Hoy! At saka, gusto mo bang sabunutan kita? Anong mainlove sa akin? Kadiri ka talaga kahit emo ka na.” hindi ko nagawang tumawa sa sinabi niya. Kahit na nagjojoke na siya hindi ko magawang matuwa o matawa. Parang nababalutan ng lungkot ang puso ko. Ang buong mundo ko.

Napatingin ako sa dalawang papel ulit. The other one is the employment contract and the other one is the annulment papers. Oo napadala na niya ang annulment papers sa akin after 2 days. Ganun kabilis. At pinadala niya kasi nung gabing yun, umuwi lang pala siya para kunin ang ibang gamit niya. Umalis din kaagad siya at hindi ko alam kung saan siya tumuloy. Simula nun hindi pa kami nag usap or nagkita. The only communication that we had is this annulment papers na pina courier pa niya.   

“Ano ang gagawin ko Gretchen?” Napofrustrate na tanong ko sa kanya.

“Hindi ko alam bakla. Kahit ako nahihirapang pumili kasi alam ko naman na matagal mo ng gusto ang trabahong yan. You worked hard for it. You risked your life for it. Gumapang ka sa putik literally para lang makapasok sa trabahong yan. Pawis at dugo ang puhunan mo para lang marating ang kinalalagyan mo ngayon at mahirap I give up ang isang bagay na mahal na mahal mo at matagal mong inasam na makuha.  Pero at the same time bakla, hindi din basta basta si Jhudiel. XL yun eh! XL bakla!”

“Gretchen naman eh!” Dabog ko sa kanya.

“Seriously bakla, I think you need to rest. Magbakasyon ka, magpahangin at mag isip. Baka maliwanagan ang isip mo. Hindi ko maipapayo sayo kung ano ang pipiliin mo kasi ikaw dapat ang gagawa niyan. Alam kong mahirap mag decide, but it’s a decision that you have to make. At alam kong kahit ano pa ang decision mo, makakaya mo. Strong ka eh.” Napatingin ako kay Gretchen at tumango.

Kaya ngayon andito ako sa tabing dagat at nakaupo sa isang bench. Sinunod ko ang payo ni Gretchen. Umuwi ako sa amin.  Nakatingin lang ako sa dagat at hindi ko na din mabilang ang buntong hininga ko. Minsan napapatingin ako sa resort nila Jude. Andun kaya siya? Siguro wala. Bihira lang silang umuwi dyan eh.

“Jamie..” Napalingon ako nung marinig ko ang boses ni Mama. Ngumiti ako pero hindi umabot sa mata ko ang ngiting iyon.

Umupo si Mama sa tabi ko.

“Jamie, hindi na dapat kami makikialam kung ano man ang problema mo pero hindi ko na matiis na tingnan ka na sobrang malungkot. We are your parents and we are concerned kahit na nga ba sabihing malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo.” Nadagdagan ang lungkot ko sa sinabi ni Mama. Alam ko kasing malaki ang kasalanan ko sa pagtago ko sa kanila ng trabaho ko pero hindi nila ako sinusumbatan tungkol doon.

“Alam mo ba kung bakit pinili kong dito tumira kasama ang Papa mo? I was a flight stewardess before I met your father. I am on the peek of my career. I travel around the world for free and being paid for it. It was my dream job. Yun ang pangarap ko simula pa lang ng makita ko si Barbie. Till I met your father. And I fell in love with a fisherman.”  Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Mama. I am familiar with their story At hindi naman talaga fisherman si Papa. Yun lang ang pakilala niya kay Mama. My father’s family owned resorts and he is the one managing it pero kasi mahilig talaga si Papa mangisda. Kaya fisherman ang tawag niya sa sarili niya.

“I gave up my career Jamie. Not because he asked me to but because I want to. And its biblical that wives should submit to their husbands, as is fitting in the Lord. Hindi yun ibig sabihin na mawawalan ka na ng karapatan bilang babae. Na sunod ka na lang ng sunod at mawawalan ka na ng desisyon at freedom. And sabi doon, ‘as is fitting to the Lord’. Dahil ang lalaking mahal ka, hindi gagawin ang mga bagay na ikapapahamak ng asawa niya.At napatunayan ko yan. Kahit kailan hindi ko pinaghinayangan ang pagkawala ng career ko ang paggive up ng pangrap ko. And I’m happy. Nakikita mo naman yun di ba?” Tumango ako kay Mama.

“Hindi sa pinangungunahan ko ang desisyon mo, pero bago ka magdesisyon pakaisipin mo muna ang lahat. Kasi sa tingin ko  yung hiningi sayo ni Jhudiel, hindi mo naman yun ikakapahamak. Hindi mo ba naiintindihan ang kaba niya tuwing wala ka sa tabi niya? At ganun din ang nararamdaman namin ng ama mo. Kasi mahal ka namin. Siguro kung nalaman lang namin ng Papa mo ng maaga ang tungkol sa trabaho mo, tinali ka na namin sa bahay. Dahil kahit ako hindi makakatulog knowing that you are in the middle of danger. Ganun din ang nararamdaman ng asawa mo. I am not siding with your husband, nagkataoon lang na parehas ka naming mahal.” Hindi ko napigilan na umiyak. Napayuko na lang ako.    

“At hindi mo pwedeng sabihin sa amin na wag kaming mag aalala. You can’t ask us to stop caring for youyou pati na din si Angelo. Because if you do that,  it’s as if you are  asking him to stop loving you. At yun ang pinakamahirap gawin Jamie Xiara. You just cannot ask him to stop loving you. Because how could you ask a man to stop something he have no control over?” At habang nagsasalita si Mama lalong sumasakit ang dibdib ko. Ganun ba talaga ang ginawa ko? Nasaktan ko ba siya ng sobra?

“But like Jhudiel, hindi ka namin pipigilan. Who are we to clipped your wings? Pinalaki ka namin ng maayos and we have done our job. Its time for you to explore your world and to find your happiness. We wouldn’t be a hindrance to your dream because we love you. At kahit masakit para sa amin, we are willing to let you go just so you could find your happiness. ” 

“Mama…”Napatingin ako kay Mama at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. At bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko niyakap na niya ako.

“Jamie Xiara, alam namin na matalino ka but this time piliin mo kung saan ka mas magiging masaya. And always remember life is not a race. Life is a journey wherein you savor every moment of that journey. And when you reach the end of that journey, you will remisnisce those moments with a smile on your face and a joy in your heart. Hindi yung masyado kang nagconcentrate sa pagtakbo na ni hindi mo maapreciate ang ganda ng buhay at hindi lang yan, pagod na pagod ka pa.”

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!