29

“Oo.” Mabilis at walang pag aalinlangan na sabi niya. He didn’t even stammer nor blink when he said it. Pero kahit gaano kaliwanag at kalakas ang pagkakasabi niya, para pa din itong bombang pinasabog mismo sa tenga ko. Nabingi ako dahil sa sinabi niya and I was stunned. Sino ang hindi? Nag eexpect pa naman ako na ideny niya o kaya pagtatawanan ang tanong ni Gabriel. But instead, isang mataginting na OO ang sagot niya. What the eff lang di ba?  

And I wasn’t only stunned because of what he said, napanganga pa ako. Oo daw? Mahal niya ako? Halos hindi kayang i-process ng braincells ko ang narinig ko to the point that I was thinking that I am only hallucinating. 

“Oooohhhh!” Narinig ko ang sabi ni Gretchen na katulad ko ay nakatanga lang kay Jhudiel na seryoso ang mukha habang nakatingin kay Gabriel. Si Gabriel naman, ang laki ng ngisi. 

“Does that satisfy your curiousity? Can I get my wife now?” Tanong pa niya kay Gabriel and Gabriel grinned at tumango tango. And with that, kinuha niya ang suitcase ko at hinila ako. Wala pa din sa sariling inihakbang ko ang mga paa ko habang hila hila niya ako. Para lang akong robot na inaakay. Ng dahil sa sinabi niya, naging sunod sunuran ako. Gosh!

Gusto kong alugin ang ulo ko kung totoo ba ang narinig ko. Paanong…paano niya nasabi na mahal na niya ako? Kelan niya naramdaman yun? Parang napakaimpossible namang mahalin niya ako in a very short span of time. 

Wala pa din sa sariling umupo ako sa passenger seat habang nilalagay niya ang gamit ko sa trunk. Nakatulala lang ako sa harapan ko habang nakatingin sa harap ko kahit na halos hindi ko naman nakikita ang tinitingnan ko. 

“Natulala ka na dyan.” Sabi agad niya nung makaupo na siya sa driver’s seat. I tried to pull myself together para hindi ako magmukhang tanga, pero sa tuwing ginagawa ko yun, bumabalik ang sinabi niya kanina at matutulala na naman ako. 

Ampucha naman! Mahal daw niya ako? Shit!

Then in the middle of my nearly unaware state he suddenly laugh. At hindi lang yun basta tawa. He was laughing so hard na ipinagtaka ko. What the heck is wrong with him?

“Wag mo sabihing naniwala ka sa sinabi ko kanina?” Napatingin ako bigla sa kanya. Naguguluhan pa din ako or baka sadyang pinapagulo ko lang ang sitwasyon.

“I just said it para tumahimik na si Gabriel. Because he wouldn’t shut up hanggang hindi niya marinig ang gusto niyang marinig.” At dahil sa sinabi niya naramdaman ko ang unti unting pagkadismaya. Hindi ko alam where the disappointment came from but it just crept up on me when he said those words at nung narealize ko na hindi naman pala totoo ang sinabi niya kanina. 

Na hindi naman pala totoong mahal na niya ako. I don’t know pero parang nanghina ako. I immediately scolded myself for feeling this way. Why the hell would I be disappointed? Why would it matter to me if he loves me or not?

Dapat ako ang tumatawa ngayon at hindi siya. I should be laughing my ass off dahil inamin niya na mahal niya ako and I should also be laughing my ass off dahil inamin niyang hindi naman pala totoo. Whatever the truth is, I should be laughing because I don’t care and definitely this disappointment that I am feeling right now is uncalled for. 

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!