36

“Ingat ka doon. Call or text me if you’ve arrived.” Sabi pa niya bago ako lumabas ng bahay.

“Bakit?” Nagtatakang tanong ko. Okay! Inamin na niyang mahal niya ako. Pero naninibago ako sa mga pinapakita niya sa akin. Una, nagiging sweet at caring na siya. Pangalawa, kung makatingin siya parang gusto niya akong tunawin at hubaran palagi, pangatlo, ayaw niyang maghiwalay kami ng higaan. Eh di wag. Kung tabi eh di tabi. Mas masaya nga yun di ba? Ay manyak! Leche!

So yun nga, paalis na ako papunta sa isang mission namin at katakot takot na habilin ang sinabi niya. Kulang na alng ayaw niya akong papuntahin. At nitong paalis na ako, sabi niya magtext daw ako pagdating ko sa Quezon. Hindi pa ako nakakaalis, magtetext na ako agad. Ano ba yun. Ano na lang ang aatupagin ko dun? Ang pakikipagtext sa kanya?

“Anong bakit?” Naiiritang tanong niya sabay kamot ng ulo.

“Bakit kita itetext? Agad agad?” Nangunot ang noo niya sa tanong ko.

“Kasi malamang hindi ako mag aalala sayo. Malamang wala akong pakialam kung maayos ba kayong nakarating o hindi. Kaya gustong gusto kong magtext o tumawag ka.” Halatang halata ang sarcasm sa boses niya. Sarap batukan.

“Ewan ko sayo! Ang gulo mo!” Sabi ko sa kanya.

“Ikaw ang magulo. Aminin mo na kasi.” Yan na naman ang tingin niya sa akin. At dahil nasanay na ako sa lagkit ng tingin niya, tiningnan ko din siya.

“At ano ang aaminin ko?” Tumaas pa ang kilay ko.

“Na mahal mo na din ako. Kunyari ka pa eh. Papakasalan agad kita sa simbahan pag inamin mong mahal mo ako. Sige na.” Natatwa na alng ako sa itsura niya. Para siyang salesman na nagbebenta ng pag ibig. Hanep!

“Hindi ko nga alam kaya wala akong aaminin. Bakit ka ba mapilit? Pakiss na nga lang. Aalis na ako eh.” At walang kaabog abog na hinalikan ko siya sa labing mariin. Infairness, naaadik ako sa kiss niya. Agad kong binawi ang halik bago pa siya makareact kasi kapag hindi ko yun ginawa, mas matatagalan ang pag alis ko.

“Babush!” At binuksan ko na ang kotse at sumakay na. Iniwan ko siyang kakamot kamot sa ulo. Ahhh… isang linggo na simula nung nakarating kami galing sa farm nila at ang laki ng pinagkaiba ng relasyon namin. Hindi na siya naasar sa akin. Hindi na kami nag aaway. Minsan naghahanap ako ng pag aawayan namin pero wala akong makita.

Pagdating ko sa HQ lumipat agad ako ng sasakyan at umalis naman kami agad. Yung iba naming kasamahan nagsisimula ng magsitulugan kasi medyo malayo ang byahe namin. Ako nung una pinilit kong matulog pero hindi ko magawa. Naguguluhan ako sa sinabi niya.

Paano ko ba malalaman na mahal ko na din siya? May criteria ba?

Dati tinanong niya ako kung nainlove na ako, sabi ko, I love my work and my laptop, ngayon, paano ko malalaman kung mahal ko na nga ba si Jhudiel?

Bumuntong hininga ako. At nung hindi pa din ako mapakali, kinuha ko ang laptop ko at isinaksak ang internet stick at nagbukas ng google.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!