One

388K 4.9K 475

1

“Ayan kapalan mo pa ng kunti. Yaaaann!! Very good. Yung lipstick mo kulang!” Sinusunod ko na lang lahat ng sinasabi sa akin ng kaibigan kong make up artist slash gay. Alangan naman magreklamo pa ako eh siya ang expert sa bagay na to. I wanted to look like a gay as much as possible.

“Ayan! Bading na bading ka na bakla!! Aba pag ganyan pala ang make up mo mas maganda ka kaysa sa akin!” napangiwi na lang ako nung makita ko ang itsura ko sa salamin. My foundation is too white and sobrang kapal. Sobrang pula ng cheeks ko with matching super red lipstick at ang eyeshadow ko! Gosh! May glitters pa! Holy fucking shit! Baklang bakla na nga ako!

Sinuot ko na din ang six inches stilleto ko at ang dress ko na 4 inches below the singit lang ata. Goodness gracious and considering na  halter at backless pa ito. Mas nagmumukha akong GRO na bakla. Napangiwi ulit ako pero pinraktis ko ulit ang smile ko. Tapos sinuot ko na din ang burgundy wig na bobcat ang style. Shit! Ang gandang bakla ko nga! I pouted and I laughed with Cher. Yung bakla kong friendlalu! Pagkatapos inilagay ko na ang pearl brooch na may mga flowers pa sa gilid sa damit sa tapat ng dibdib ko.  At dahil halter ang dress ko halos kita na din ang kalahati ng dibdib ko at sobrang visible ang nunal ko sa dibdib.          '

Pagkatapos kong  mag ayos pumunta na ako sa pakay ko. Isang gay bar. Nung pumasok ako madaming bakla ang napatingin sa akin at yung iba umismid pa nga. I ignored them all at lalong ginandahan pa ang pagrampa.  Ganun pala ang mga bakla noh? May inggitan factor din.

Nung makapasok na ako, umupo ako sa pinakaharap. The show is starting and I adjusted the brooch.  Nagtilian ang mga bakla nung lumabas ang tatlong lalaki mula sa backstage at sumasayaw papunta sa gitna ng stage. Nakitili ako.

“Ehhhhhhhhhh! O.M.G! Owww. Emmm…Geee! You are so macho!!!! “ Sabay hagikgik at takip sa bibig ko. Kumindat sa akin ang isang lalaki at lalo akong tumili ignoring the snares and deadly stares of the other gay people.

The show goes on hanggang sa mag last show na. Nakakarami na din ako ng naiinom pero ala ko naman kung hanggang saan ang alcohol tolerance ko.

At nanahimik bigla ang audience nung iniannounce na ang last show.

Tapos napalitan ang kanta ng Close to you na kanta at mga sampung lalaki ang sabay sabay na lumabas na halos wala ng saplot at nagtilian ang mga bakla kasama na ako.  And then the man of the night came out. Lalong nagwala ang mga bakla.

Hindi ako makatili. Nakatingin lang ako sa lalaking papuntang gitna ng stage dancing while ripping his white shirt.  He looked like an Angel and his hair is wavy na parang ang sarap I curl sa kamay. Holy shit! And nung magpakawala siya ng mapanuksong ngiti, kasabay ng pagtili ng mga bading ang parang pagtalon ng puso ko. Napahawak ako bigla sa may heart ko at doon ko nahawakan ang brooch. Tsaka palang bumalik sa akin ang rason kung bakit ako andito.

Then the men sorrounding the curly haired guy started getting rid of their pants while dancing to the tone of Close to you! Nanlaki ang mga mata ko pati na din ang mga labi ko. I covered my mouth with my hand dahil sa mga nakikita ko.

The men gave way and the guy with a curly hair went down the stage and come near me. Lalong hindi ako nakagalaw lalo na nung nagtama ang mga mata namin at natitigan ko  ang light brown eyes niya. Sobrang clear ng mga mata niya and I felt like I was momentarily lost by his gaze.

“We’re coming in!” napaigtad ako nung marinig ko yun. Napahawak ako sa tenga ko kung saan nanggaling ang boses. Pero hindi naalis ang mata ko sa mga mata nung guy at sa seksing ngiti na nasa labi niya.

He is still dancing  in front of me habang inuunti unting inaalis ang buttons ng pants niya. How could he do it in a very sexy manner na parang in that small act, maglalaway ka na.

‘Why do birds suddenly appear…’ dinig ko pang kanta kasabay ng pagkaalis ng huling button ng pants niya. Holy! Holy! Parang hindi ako makahinga.

Get a grip Xiara! You are not here, to oggle on those guys. Tandaan mo ang rason ng pagpunta mo dito.

“Juliet ready, in 1, 2, 3!” Narinig kong sabi mula sa headphone ko. Tapos…

“Raid!” Doon na talaga ako natauhan ng sobra lalo na at nagkakagulo na. Agad akong akmang aalis nung may biglang humatak ng kamay ko.

Paksyet! Nung lumingon ako nakita ko ang curly haired guy na hawak hawak ang braso ko at hinahatak ako papuntang backstage. Hindi ako makapiglas kasi nagigiit ako ng mga tao at hinahatak naman niya ako.  Wala akong magawa kundi ang sumunod sa hatak niya kung ayaw kong matumba dahil sa stilleto ko at kung ayaw kong madaganan ng mga bakla at ng mga lalaki. At isa pa, dapat naman na talaga akong lumabas.

Pero bago kami makalabas sa back exit, bigla akong tinulak ng lalaki sa wall and he pinned me. Sisipain ko na sana siya nung may dumating na mga pulis.

“Girlfriend ko.”  Sabi niya sa dalawang pulis at tinanguan lang siya. Ang walang hiya! Ginamit pa ako. Siempre pag sinabi niyang girlfriend niya ako hindi siya huhulihin. Iisipin ng mga yun sagot ko siya.

“Anong pinagsasabi mo…” Pero hindi niya ako pinagsalita dahil hinatak niya ulti ako palabas ng bar hanggang sa makarating kami sa may parking kung saan madaming pulis at mga kasamahan ko sa bureau. Yes, ladies and gentleman, I am an NBI Agent.

Pero ano ang lalaking to at nakikipag tanguan pa sa mga pulis? And take note, hatak hatak niya ako habang naglalakad sa gitna ng parking in the middle of all these people disregarding that he is half naked.

Nagtataka ako at pinapabayaan siya ng mga pulis hanggang sa makarating kami sa isang itim na itim sportscar. Tumayo lang kami at nagtitinginan at dahil ngalay na ngalay na ako sa 6 inches heel ko kaya sumandal ako sa kotse.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya ganun din ang ginawa ko.

And then laking gulat ko when he suddenly cupped both of my breast at pinisil ito.

“Aw!” Bigla ko na lang nasabi. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya.  

“Nice silicon.”  Sabi niya habang nakangiti. At hindi pa nga ako nakakrecover sa pagpisil niya sa dibdib ko, pinisil din niya agad ang pwet ko.

“Whatda!!” Nagagalit sa sabi ko.

“Akala ko talaga nagkukunyari ka lang na bakla.” Sabi niya na puno ng humor ang boses.

Holy pakingshit!  

Gaano kaya kalalim mababaon ang heels ko sa skull niya?

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!