45

Jude’s POV:

Mabibigat ang hakbang kong habang palabas ako ng elevator papunta sa unit namin. Kung pupwede lang hindi na ako babalik sa condo kasi alam kong kahit saang sulok nun maaalala ko si Jamie Xiara. Kung pwede nga lang na sumakay na ako ng eroplano papuntang New York kanina kaso naiwan ko pala ang passport at visa ko sa condo.

Habang papalapit ako sa condo ni hindi nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko at ang pagsisisi na hinayaan ko siya umalis. Huminga pa ako ng malalim bago ko nilagay ang susi sa doorknob pero nagulat ako nung bukas nman pala ito. Hindi ko ba nailock ito kanina?

Hindi ko maalala. Marahil hindi nga kasi nagmamadali ako.

Wala sa sariling papasok n asana ako sa loob ng condo when I was greeted by a flying can of beer. Mabuti na lang na kahit wala ako sa tamang wesyo, alerto pa din ang senses ko. Hindi ko muna tiningnan kung saan nanggaling ang lata ng beer dahil sumunod ang tingin ko sa pagshoot nito sa basurahan na nasa gilid ng pinto.

Then my eyes slowly turned to the place where the can of beer came from. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

I saw my wife sitting on my sofa, drinking a can of beer na naiwan namin ni Ralph kanina. Sa kabilang kamay niya may hawak siyang pizza habang nanonood ng CSI. Nakataas pa ang dalawang paa niya sa center table na parang walang pakialam sa mundo.

She didn’t even noticed na nakapasok na ako sa condo.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Would I be mad at her for being so calm after everything that happened or would I come to her and hug her?

At dahil naninikip ang dibdib ko, hindi ko napigilan ang sarili kong mapatikhim causing her to look at me.

“Jamie Xiara…” Napanganga siya at bigla niya akong binato ng hawak niyang beer. Muntik na akong masapol kung hindi lang talaga ako nakaiwas.

“What the hell Jamie Xiara!” Sabi ko na nung kumuha ulit siya ng isa pang beer at ibabato sa akin.

“What are you doing here?” Naniningkit ang mga mata niya at tumayo na siya sa sofa at papalapit sa akin.

“Pagkatapos ng hindi pagpaparamdam sa akin ng ilang araw magpapakita ka!?” She hissed at me. Napaurong ako.

“I-I thought you’ve left.” Lalong sumama ang tingin niya sa akin at binato ulit ako ng beer na nailagan ko ulit then I looed at it as it splattered on the floor.

“Ah ganun! Kasi akala mo nakaalis na ako kaya bumalik ka na ganun? Talagang atat ka ng makipaghiwalay sa akin ano? Walang hiya ka! Tatapyasin ko yang nunal mo!” Napangiwi ako sa sinabi niya pero naalarma din ako nung kinuha niya ang isang bote ng Johnnie Walker sa center table. Yan kanina ang isa sa mga ininom namin ni Ralph at alam na alam ko kung gaano kakapal ang boteng yan. Nag mamalasin ako at tamaan ako niyan, paniguradong mababasag ang bungo ko.

“Teka! Shit! Masakit yan! Jamie Xiara!” Lumayo na ako sa kanya.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!