Forty

167K 2.9K 153

40

"I told you not to go pero ang tigas ng ulo mo. Nangunguna ka pa talaga! Look at you now!" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.  He is pacing back and forth in front of me habang nakaupo ako sa sofa at inaalalayan ang braso kong nasugatan.

Yeah, nasugatan ako. Kakatapos lang ng operation at kahit na nahuli namin ang mga suspect hindi ko masasabing successful ito. One of our colleagues is seriously wounded and tatlo kaming may mga sugat. Kahit kasi natikis na namin sila, lumaban pa din kaya ganito ang nangyayari. And here I am, kinakastigo ng sermon ng asawa ko.

"Hindi naman nakakamatay ang sugat ko." Alam ko naman na nagwoworry lang siya pero wala namang nangyaring masama sa akin.

"So, hinihintay mo pang  yun ang mangyari. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?"  Ginulo na niya ang buhok niya sa sobrang inis. Aaminin kong, I acted impulsively a while ago. Sinabihan na niya akong maghintay pero hindi ko siya sinunod. Lumabas ako sa pinagtataguan namin at nabaril ako. Mabuti na lang hinila niya ako kaya hindi ako napuruhan at daplis lang ang tama sa akin.

But after that, hindi na natigil ang pagmumura niya at ang sama ng tingin niya sa akin. And now he is scolding me like a 5 year old kid.

"Jude, I'm okay. It's part of the job." I tired to calm him down. Kanina pa siyab iritable. Simula nung masugatan ako hanggang sa matapos ang operation. Lahat sinisigawan niya. Natatakot naman ang mga kasamahan namin sa kanya dahil di hamak naman na mas mataas ang rank niya kesa sa amin. And he will be the next bureau Chief dahil next month lilipat na sa ibang agency si Chief. Kaya kahit anong mura niya, walang makakareklamo sa kanya.

"Well, I am not okay Jamie Xiara. This is not okay and this ought to stop. You ought to stop. Hindi ko na mapapayagang mapahamak ka. I don't want something like this to happen to you again! Hindi ko na hahayaang may mas masama pang mangyari sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Not again.

"Jhudiel! We are not having that discussion again. You can't ask me to quit the bureau. Napag usapan na natin ito at pumayag ka na." Kumikirot ang sugat ko pero binaliwala ko ito. Tiningnan ko siya at nagkasalubong ang tingin namin. . Nagsukatan kami ng tingin and this time hindi ko na nakita ang tenderness na nakikita ko sa mga mata niya. What I see is determination and fear. Yes, nakikita kong natatakot siya hindi para sa sarili niya. Natatakot siya para sa akin. Then he clenched his jaw.

"I am not asking you to stop. I am telling you to stop Jamie  Xiara." Nakikita ko ang conviction sa boses niya. Pero sinalubong ko ang tingin niya. I didn't waver.

"No!" Matigas din ang pagkakasabi ko nun.

"You won't quit?" Naghahamon na ang tingin niya sa akin.

"No!"

"Then you are fired." Napanganga ako sa narinig ko. Did he just fire me?

"What did you just say?" Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yun.

"I got my appointment just yesterday as the OIC of the bureau  and now I am firing you." Kulang na lang magbuga ako ng apoy at ganun din siya. I can see how serious he is.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!