Seven

265K 3.8K 460

Seven

Mukhang aatakihin sa puso ang ama ni Jhudiel, yung mama naman niya parang hihimatayin pagkasabi  kong bakla ang anak nila. Sino ang hindi masashock? Ang nag iisang lalaking anak nila ay bakla pa. Wahahaha.

Pati sina Mommy at Daddy hindi nakapagsalita at nakatingin lang kay Jhudiel. Pero ang may pinaka epic na reaksiyon sa lahat ay si Jhudiel. Hindi ko ma explain kung ano ang expression niya. Galit ba or confused.

“Jamie Xiara! Anong pinagsasabi mo?” Naunang nakarecover si Papa. Pero pagnagkataon sigurong si Jhudiel ang nagsabing, ‘Tito your daughter is a lesbian’ baka natuluyan si Daddy.

“Papa, it’s the truth.” Painosente ko pang sabi.  Patagilid akong tumingin kay Jhudiel and I smirked. Naningkit ang mga mata niya. Kung kanina hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, ngayong masyado ng clear na galit siya.

“Por Dios, Jhudiel, totoo ba ang sinasabi ni Jamie? Paanong…My God! Hindi ko ito matatanggap.” Hysterical na halos ang ina niya na inaalo alo ng ama niya.

“Ba’t naman kayo maniniwala sa kanya Mommy? Gawa gawa lang niya yan. Wala naman siyang ebidensiya na bakla ako.” Tiningnan muna niya ako ng masama bago tiningnan si Tita. Napangisi ako ng lihim. Ebidensiya ba?

“May ebidensiya po ako Tita, Tito na bakla siya.” Tapos kinuha ko sa bag ko ang sinasabi kong ebidensiya  at inilatag sa mesa ang mga pictures ni Jhudiel na nagsasayaw sa gay bar. Lalong namutla ang ina niya at nagsign of the cross pa.

Walang nagsasalita sa table ng ilang segundo. Gusto ko ng kumanta ng.. ‘Ako ang nagwagi’. Lalo akong napangiti nung nagmamadali niyang inalis ang mga pictures.  Hindi ata alam nito na queen of pranks ako simula nursery hanggang sa MBA course ko. Pwes, nagkakamali ka ng kinalaban Angelo Jhudiel Villegas.  Bwahahaha.

“Hindi nagpapatunay ang mga picture na to na bakla ako!” Galit at mariing sabi niya. May  hula akong kung wala lang ang parents namin, baka sinakal na niya ako. And I have to remind myself na hindi ako dapat makita ni Jhudiel na nag iisa dahil baka hindi siya makapagpigil at bigla na alng niya akong sabunutan. Hahahaha.

“And how can you explain that picture Jhudiel? What are you doing in that kind of bar?” Sa wakas nagsalita na din ang ama niya at galit na galit ito. Lihim akong napangiti ulit. Sige sagutin mo Jhudiel. Aamiinin kaya niya ang trabaho niya?

“Dad! Hindi ibig sabihin na nasa gay bar ka ay bakla ka na. And look, I am the one dancing, ibig sabihin ako ang pinagkakaguluhan. And besides, that was nothing. It was just a bet with my friends at nagkataong natalo ako kaya yan ang parusa sa akin.” Aba! Magaling lumusot.

“That is still unacceptable Jhudiel. Ano na lang ang sasabihin  ng mga kakilala natin kapag nalaman nila na nagsasayaw ka sa isang bar? Hija, I hope this is just between the six of us. I am hoping na hindi mo ito ipagkakalat sa iba. Ano na lang ang sasabihin ng mga kumare ko?“ Sabi pa ng Mommy niya.

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!