34

Nakatulala pa din ako sa kisame. Kanina pa ako gising at alam kong umaga na base na rin sa ingay ng tandang sa paligid. Madilim sa loob ng kwarto dahil  nakasara ang lahat ng ilaw pero maliwanag na maliwanag na ang pag iisip ko.

May nunal sa bird si Jhudiel! Gosh! May nunal siya! Paano na ngayon? Ano na ang gagawin ko?

Teka, ano nga ba ang gagawin ko ngayong alam ko na may nunal siya? Dahil ngayon, isa lang ang ibig sabihin nun, totoo ang sinabi ng manghuhula. Gosh! Pero… pero sa A naman nagsisimula ang name ni Jhudiel di ba?

Ay naku Xiara, wag mo ng pinagloloko ang sarili mo. Wag mong bulagin ang sarili mo. Eh ano ngayon kung totoong siya ang destiny mo? Eh ano ngayon kung totoo ang destiny? Hindi mo namn ikakamatay kung napatunayan nila na mali ka di ba?

Napabuntunghininga ako sa realisasyon na yun. Well, tama naman, hindi ko naman ikakamatay kung  may destiny, wala namang mawawala sa akin. Kung tutuusin, masuwerte pa nga ako. Ang pogi ng ka destiny ko, macho, mayaman pa.  Parehas pa kami ng trabaho kaya sigurado akong naiintindihan niya ako. Hindi ko na kailangang itago at mag imbento ng kung ano anong rason.

In short naging napakaconvenient para sa akin ang nangyari.  Kaya wala akong rason para paglabanan pa ito. Might as well accept the fact that I’ve married the man that was meant for me.  

Kung si Jhudiel, eh di si Jhudiel. Sino ba ako para magreklamo eh siya ang pinagkalooban ng nunal sa bird!  Napangiti ako ng lihim nung maalala ko kung paano ko nakita ang nunal. Shucks! Kung iisipin nakakahiya ang ginawa ko pero bakit pa ba ako mahihiya? Nakita na niya ang lahat sa akin, nakita ko na din ang lahat sa kanya. Wala ng rason para mag inarte.

Napatigil ako sa pag-iisip nung hinigpitan niya ang yakap sa akin and I felt him noozle my neck. Nanayo ang lahat ng balahibo ko. And my heart, parang biglang bumilis ang beat. Kanina steady lang ngayon, parang hinahabol.

 “Did you enjoy your mole hunting sweetheart?” Bulong niya sa akin sabay halik sa batok ko. Shucks! Goosebumps again. Bakit paulit ulit?

“H-hindi talaga ako makapaniwala na may nunal ka dyan. Hindi mo ba yan pinatattoo? Kasi alam mo?” Pero impossibleng tatttooo yun. Buhay na buhya eh. Hindi kaya, libag? Ahhhh nababaliw ka na talaga Xiara. Makalusot lang noh? Paano naging libag yun, pinisil mo pa nga kagabi.

“ Authentic yun sweetheart. Itanong mo pa kina Lola. Pero kung gusto mong makasigurado, ipapakita ko ulit sayo.”  Rinig na rinig ko na ang amusement sa tinig niya. I know that he is again up to something. Lalo na at nararamdaman ko na ang pagrereact ng bird.

“Ayoko na! Nakakapagod.” Nakakapagod naman talaga tingnan ang nunal dahil habang tinitingnan ko nagagalit ang bird kaya yun, tinuklaw tuloy ako. Gosh! Tama na nga yan! Hindi ko na dapat iniisip ang mga ganun dahil baka matuklaw na naman ako. Not that I don’t want it but…anong but? Ahhhhh, wala akong maisip na dahilan, at ayaw ko na din mag isip ng dahilan so I might as well enjoy it. May nunal naman eh!

Humarap ako sa kanya and I saw him grinning.  I also grinned.

“Teka! After 3 minutes. CR lang.”  

___

Why Do BIRDS Suddenly Appear?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!