Part 48

202K 3.6K 118
                                    

Pagkatapos ng klase nila saka nagpunta ang dalawa sa ospital kung saan naka-confine ang daddy ni Andy.

"Kanina ka pa tahimik, ah? No, kagabi pa pala. Is there something wrong?" at hindi na napigilang tanong ni Andy kay Yolly habang nagmamaneho. Totoong kagabi pa niya napapansin ang pananahimik at kawalang gana ng dalaga, ngayon lamang siya naglakas-loob na alamin kung bakit.

Actually, sinabi na niya ito sa Nanay Yolanda nila paggising niya kanina ang napansin pero sabi naman ng ginang ay normal lang ang ganoon sa buntis. Pakisamahan na lang daw niya si Yolly at unawain. Ang kaso nag-aalala pa rin siya.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya sa dalaga.

Tumango lang si Yolly bilang sagot kay Andy, kahit na ang totoo ay hindi siya okay talaga. Nanahimik siya dahil iniisip niya ang kanyang problema. Ano na? Sasabihin na ba niya kay Andy na hindi siya buntis? Pero paano?

"Don't worry, you'll get through it. It's said that this type of pregnancy fatigue can last from three to four months. Mawawala rin 'yan. At huwag kang mag-alala dahil nandito lang ako lagi. Sabihin mo lang ang gusto mong gagawin o kaya kakainin," sabi pa ni Andy na ngiting-ngiti.

Ayaw sana pero napatingin na si Yolly sa binatang katabi. Ang sarap sa pandinig ang sinabi nito. Nakakataba ng puso.

Kahit sinong babae gustong-gusto na inaalagaan siya ng isang lalaki, na pinoprotektahan siya, lalo na syempre sa kanya na ngayon lang nakaranas ng ganitong special na pagtrato ng isang lalaki.

Ang kaso mas gumulo naman yata lalo ang isipan niya. Parang mga wire nang nagkabuhol-buhol ang laman ng utak niya. Mahal na mahal talaga ni Andy ang anak nila. Diyos ko, mapapatay talaga siya nito.

Grabe ang kanyang pagkakangiwi nang ibaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Kailangan na talaga niyang sabihin ang totoo bago pa lumala ang sitwasyon.

"Pero ayoko nang maging mag-isa pa," subalit ang nausal niya sa sarili kasabay nang pagngilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Parang hindi na kasi niya kaya na mag-isa ulit. Tiyak na mahihirapan na siyang magbalik sa dati ang lahat na walang pumapansin sa kanya. Iyong parang hindi siya nag-e-exist sa mundo. Ang lungkot lungkot niyon, eh.

Simula naging kaibigan niya si Andy ay parang nabuo ang pagkatao niya. Parang muli siyang isinilang na ibang tao rito sa mundo. Itinuring siyang tao ng binata. Tinuruan din siya nitong harapin ang lahat. Hindi na siya naging loner. Hindi na siya natakot. Hindi na siya nahiya. Kaya ngayon, sabihin niyo sa kanya kung paano niya pakakawalan pa ang isang taong tulad ni Andy?

"Anong nangyayari sa 'yo? Are you crying?" pansin na naman na sa kanya ni Andy nang suminghot siya.

Sunod-sunod ang naging iling niya. At para ipakitang hindi siya umiiyak ay nilinga niya ito. Nginitian niya ito nang matamis na matamis.

"Namumula ang mga mata mo, eh," ngunit pansin pa rin nito nang sulyapan siya.

"Napuwing lang ako," kaila niya sabay kusot sa kanyang mga mata.

"Sure ka?"

"Oo."

Nagtataka man ay humugot ng isang tissue si Andy sa tissue box na laging nasa harapan ng kotse nito at iniabot sa kanya. "Huwag mong kusutin baka ma-infect. Use this."

Kinuha niya iyon at ipinunas sa mata na kunwa'y napuwing talaga. Kaso ay hindi na niya talaga napigilan ang sarili dahil mas napaiyak pa talaga siya, as in napahikbi na. Iniisip pa lang niya na maghihiwalay na ang landas nila ni Andy ay parang sasabog na ang kanyang puso. Bakit ba kasi ang bait nito, eh?

"Oh, eh, bakit naiyak ka na talaga?" puno ng pag-alalang tanong ulit sa kanya ni Andy.

"Wala. Nakakaiyak kasi 'yang tissue," pagsisinungaling niya na itinuro ang tissue box na may design na mukha ng unggoy. "Ba't kasi ganyan 'yan? Ang panget! Huhuhu!"

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon