Part 43

205K 3.8K 181
                                    

"Yes, Tito Delfin. She's so ugly po talaga. Ang pangit niya and ang baduy pa. Ipapahiya niya lang ang pamilya niyo kung siya ang makakatuluyan ni Andy. Hindi sila bagay, Tito, swear," paninira ni Cindy kay Yolly sa daddy ni Andy. Kausap ng dalaga ngayon sa cellphone si Sir Delfin. Ito naman ang sinusubukan niyang demonyohin upang mapaghiwalay sina Yolly at Andy.

Kahit hindi man mapupunta sa kanya si Andy, disidido talaga siyang paghiwalayan ang dalawang iyon. She will do anything, everything, just to destroy them.

"I'm sorry, hija, but I think I can't do anything about that. Buhay niya 'yon kaya wala akong karapatang manghimasok. Kung sino ang gusto niya ay bahala siya. Saka hindi ba sinabi mo na nabuntis na niya ang babaeng 'yon?" Kaso ay parang walang interes si Sir Delfin na patulan ang mga pinagsasabi niya.

"Yes, Tito," nanlumong sagot niya.

"Kung ganoon ay hayaan mo na lang, hija. Maganda nga't pananagutan niya ang babae. Nag-iisip siya ng matino. Isa pa'y ang laki na ng atraso ko kay Andy. I don't want to increase his anger towards me if I interfere with any of his decisions right now."

Dismayado si Cindy. Gigil na gigil siya sa inis. Wala na ba talagang pakialam ang mga ito sa anak nila? Like duh!

Kaninang tinawagan niya kasi si Madam Angie ay ganoon din ang sinabi sa kanya. Biglang umiba ang ihip ng hangin sa ginang. Biglang naging boto na ito kay Yolly porke mabait naman daw si Yolly... etcetera... etcetera...

Muntik na niyang masungitan ang ginang kanina sa inis niya. Akala pa naman niya ay kakampi niya si Madam Angie. Hindi pala! Kainis!

"If you really love my son, hija, you will respect his decision. Palayain mo siya. Ikaw din ang mahihirapan kapag ikukulong mo ang sarili mo sa kanya kahit na may mahal na siyang iba," payo pa sa kanya ni Sir Delfin.

"But Andy deserves a better woman than Yolly, Tito! Ang pangit ni Yolly para kay Andy! Hindi ako makakapayag na ang babaeng iyon ang mapapangasawa niya!" tumaas na ang boses niya na angal pa rin.

"Pangit man siguro siya sa panlabas na anyo ay malamang may nakita si Andy na maganda na panloob na katangian niya. Baka ganoon?"

"Like what, Tito? Eh, kahit nga ugali ng babaeng iyon ay pangit din."

"What do you mean, Cindy?"

"Hindi niyo pa kasi kilala ang babaeng 'yon pero ako kilala ko na siya. Sa ilang araw ko pa lang sa school na iyon ay nakita ko na kung ano talaga siya. Mapangmataas siya, Tito. Kung makatingin nga sa 'kin, eh, akala mo kung sino, lalo na nang malaman niyang may gusto ako kay Andy. She is bullying me, Tito, at hindi lang ako pati na lahat ng estudyante sa school namin. Ipinagyayabang niya na balang araw magiging Pagdatu na rin daw siya. Can you imagine that, Tito? Hindi pa man sila kasal ni Andy but she's already using your surname para lang magpasikat at magyabang sa campus."

"Totoo ba ang mga sinasabi mo, Cindy?"

Napangisi siya. Hindi man niya nakikita ay alam niyang tumiim-bagang ang kausap niya. Narinig niya kasi ang paghinga ng malalim ni Sir Delfin.

"Of course, Tito. You know me. I don't lie."

"Okay, give me their address then. Pupuntahan ko sila. Kailangang makausap ko ang anak ko."

"I'll text it to you, Tito. Thank you, Tito. Alam niyo naman na concern ako masyado sa anak niyo at syempre sa family niyo kasi naging part na rin ako hindi po ba?"

"Salamat din, hija. Don't worry, oras na makita ko ang totoong ugali ng babaeng 'yon ay gagawin ko ang lahat para mapaghiwalay sila."

Pagkatapos i-text ni Cindy ang address nina Yolly ay nakangising inilapag na niya ang mamahalin niyang cellphone sa lamesang pinagigitnaan nila ni Karen.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon