Part 75

215K 3.9K 70
                                    

"Ano'ng ginagawa mo ritong g*go ka?!" duro agad ni Andy kay Leandro. Na buti na lang at nasa taas ito ng hagdan at si Leandro naman ay nasa baba kundi nagpang-abot na naman silang dalawa at nagbugbugan.

Habang si Yolly ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Mabilis niyang iniharang ang sarili kay Andy at nahawakan niya sa t-shirt nang akma itong bababain si Leandro.

"Let go off me!" singhal ni Andy kay Yolly. "Ikaw lumayas ka rito!" tapos ay duro pa rin nito kay Leandro. Halos maggalawan ang lahat ng bagay sa loob ng mansyon sa lakas ng kanyang boses.

"Ano ba huminahon ka nga!" pero hindi ito binitawan ni Yolly. Mahirap na.

Si Leandro ay awang ang bibig na nakatingala lang sa dalawa. Sa isip niya'y, ano'ng ginagawa nina Yolly at Andy rito sa bahay na pagdu-duty-an niya?

"Uhm, Leandro, halika? Doon muna tayo sa labas. High blood na naman ang alaga ko, eh," untag at anyaya ni Yaya Chadeng sa binata. Hindi rin mailarawan ang mukha ng matanda sa pag-aalburoto na naman ni Andy.

Umasim na ang mukha ni Leandro. Naunawaan na niya na anak ng may-ari ng bahay si Andy. Paktay na!

"S-sige po," pagpayag ni Leandro at agad sumunod kay Yaya Chadeng na kakamot-kamot ng batok.

"Don't ever come back here, asshole!" narinig pa ni Leandro na pahabol na bulyaw ni Andy sa kanya.

Napapakamot-noo na lang si Leandro kaysa patulan. Sa isip niya'y, "Ang malas naman! Bakit dito pa ako nadistino sa bahay ng mayabang na Andy na iyon?! Badtrip!"

"Pasensiya ka na. Gano'n talaga ang alaga ko, masyado nang highblood. May pinagdadaanan kasi kaya gano'n pero mabait naman siya," paghingi ng dispensa sa kanya ni Yaya Chadeng.

"Okay lang po 'yon," sagot niya kahit hindi okay. Hindi yata puwede na dito siya magtrabaho. Baka araw-araw silang magbugbugan ni Andy.

"Uhm, puwede po bang magtanong, Yaya Chadeng?"

"Ano 'yon?"

"Bakit po nandito si Yolly?"

"Kilala mo si Yolly?"

"Opo. Guwardya kasi ako noon sa Sanchi College."

"Ah, ganoon ba. Pero mahabang kuwento, eh. Basta, kaya gano'n na iyong alaga ko ay dahil kay Yolly."

"Bakit po?"

"Saka ko na lang ikukuwento sa 'yo. Ang mabuti pa mag-umpisa ka na sa trabaho mo. Saka na kita ipapakilala sa mga amo natin. Tulog pa 'ata si Madam tapos mainit na naman ang ulo ni Andy kaya saka na lang—" May pumasok sa isip ni Yaya Chadeng kaya napatigil ito ng pagsasalita, tapos ay tumitig sa kanya ng makahulugan. "Bakit nga pala galit sa 'yo ang alaga ko?"

Napa-"Hehe!" siya sabay kamot sa batok niya. "Mahaba rin pong kuwento, eh."

Napamaang si Yaya Chadeng sa kanya. Tapos ay napaisip. "Teka lang, ikaw ba 'yung may kagagawan sa mga pasa ng mukha ng alaga ko?"

Kinabahan siya, pero sa huli ay tumango siya na nakangiwi ang mukha.

"Luh!" nahintakutang na sambit ni Yaya Chadeng. Sinuri siya mula ulo hanggang paa.

"Huwag po kayong mag-alala hindi ako katulad ng iniisip mo, Yaya Chadeng," mabilis na pagtatanggol niya sa sarili niya.

"Puwede mo bang ipaliwanang kung gano'n?"

Alanganing tumango si Leandro.

SA LOOB ay nakusot na naman ang magandang mukha ni Madam Angie dahil dinig niya mula sa loob ng silid niya ang malakas na boses na naman ng anak niyang si Andy. Napabuga siya ng hangin at napilitang iwanan ang ginagawang pagbabasa upang alamin kung ano na naman ang nangyayari.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon