Part 37

211K 4K 183
                                    

Sa pangalawang araw, sa kanyang paggising ay hindi na nanibago si Andy sa bahay na kinaroroonan. Kaya lang ay napakunot-noo pa rin siya dahil nagtaka siya bakit wala na si Yolly sa higaan nitong sahig.

Napabalikwas siya ng bangon.

"Maliligo na ako, 'Nay." Pero nang narinig niya ang boses ni Yolly na iyon ay napanatag din ang loob niya.

"Hindi mo pa ba gigisingin ang asawa mo?"

"'Nay, naman hindi ko po siya asawa."

"Gano'n na rin 'yon. Doon din naman ang bagsak niyo, eh. Heto nga't kasama na natin siya rito sa bahay."

"Ay naku, 'Nay. Huwag ka masyadong umasa. Maligo na ako. Maaga pa naman. Mamaya na natin siya gisingin."

Hindi namalayan ni Andy na napangiti siya sa usapang iyon ng mag-ina. Balik ulit siya sa higa. Kinikilig na nayakap niya ang unan.

This is a home he wants to live in, simple but filled with happiness. Walang nag-aaway. Hindi katulad sa bahay nila, malaki nga pero paggising niya naman sa umaga ay pag-aaway ng mommy at daddy niya ang lagi na lang maririnig. Mabuti na lang at nakilala niya si Yolly.

Pipikit na sana siya ulit dahil maaga pa naman talaga, alas sais pa lang, nang hindi sinasadya ay may mapansin siya. Muli ay napakunot-noo siya at napabangon. Napatitig siya sa bagay na iyon na nakita niya.

Ang bote ng gatorade!

Hindi pa siya nakuntento kaya tumayo siya at nilapitan ang bote ng gatorade na naka-display sa study table ni Yolly. Kinuha niya ang bote ng gatorade at napapalabing tiningnan iyon.

"Talaga pa lang pinahalagahan niya ito," na-touch na usal niya sa sarili at mas nagtaka siya nang may makita pa siya. Iyon naman ay 'yung lagayan ng fries.

Dinampot niya iyon at napangiwi. "Bakit naman pati 'to? Akala ko itinapon niya 'to?"

Kamot-ulo niyang ibinalik ang mga iyon sa kinalalagyan, saka ngunguso-nguso na napahalukipkip.

"Ibang klase talaga siyang babae," usal niya ulit habang humahanga sa dalaga. Saan ka naman kasi makakakita ng isang babae na pinapahalagahan ang lahat ng bagay? Kahit sa mga bagay na kung tutuusin ay basura na lang.

Siya lang yata. Si Yolly lang.

SA LOOB ng banyo ay natampal ni Yolly ang sarili niyang noo dahil napansin niyang wala nga pala siyang underwear na nadala. Nakahubad pa naman na siya. Naku naman talaga!

Napaisip siya kung ano'ng gagawin. Babalik ba siya sa silid? Paano kung gising na si Andy?

Nagulo-gulo niya ang buhok. Nag-isip pa siya. Maliligo ba muna siya o kukuha muna siya ng underwear niya?

"Kukunin ko na lang muna," sabi niya sa sarili nang makapagdesisyon. Naisip niya rin kasi ay baka tulog pa si Andy.

Nagtapis siya ng tuwalya saka lumabas na ng banyo.

"Bakit?" pansin sa kanya ng nanay niya.

"May nakalimutan po ako sa kuwarto," sagot niya.

Naghuhugas ng pinaglutuan ang nanay niya sa may lababo kaya hindi niya ito mautusan.

Binilisan na niya ang kilos. Umakyat siya sa hagdanan at walang anu-anong pumasok sa kanyang silid.

"Ay, pangit!" ngunit sambit niya sa kabiglaan dahil gising na pala ang binata. Hinawakan talaga niya ng mahigpit ang tuwalyang pinantatakip niya sa katawan. Wala kasi talaga siyang saplot na kahit na ano.

Kapag nahulog 'yon. Papakamatay na lang siya. Swear!

"Ba't gising ka na?!" hestirikal niya habang pinamumulaan ng magkabilang pisngi.

"Sa gising na ako, eh," sagot ni Andy. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At talagang ngumisi pa ang demonyo. Manyak talaga.

Napalunok siya. Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa tuwalya.

"Tumabi ka nga diyan!" dikawasa'y mataray na niyang utos kay Andy dahil nakaharang ito sa cabinet na kinalalagyan ng mga damit niya. Paraan na rin niya upang maiwala ang tensyon o awkwardness sa pagitan nila.

Umusod naman si Andy na ang haba ng nguso. Aakalaing ang bait-bait. Nakakainis naman ang hitsura, pfft!

"Kunin mo na," parang wala lang na sabi ni Andy habang nakahalukipkip sa may tabi.

Bumuntong-hininga siya pagkuwan ay ilag na ilag pa rin siyang lumapit sa kanyang cabinet. Binuksan niya ang drawer na hindi inaalis ang tingin kay Andy. Aba'y mahirap na.

Nangangamba siya na baka kasi biglang hilahin ni Andy ang tuwalyang bumabalot sa katawan niya.

"Diyan ka lang! Huwag kang kikilos!" nabahalang banta niya rin dito nang kumilos ito. Nagkamot lang pala ng ilong.

"Ikaw naman. Makapagsalita ka naman, eh, akala mo naman kung sino akong masamang tao. Sige na kunin mo na ang kukunin mo riyan. Dito lang ako. Hindi na ako kikilos." Humalukipkip ulit ang binata para ipakita sa kanya na wala itong masamang gagawin talaga.

Inirapan muna niya ito nang masama. Wala talaga siyang tiwala sa pagmumukha nito. Kahit na ang guwapo. Aba'y, minsan na siyang nalinlang. Manyak pala ang mukong. Oportunista pati.

"Ano bang kukunin mo?" hindi napigilang tanong ni Andy.

"Wala! At ayokong nagsasalita ka rin!" pasinghal na sagot niya. Paraan niya ulit para pagtakpan ang nararamdamang hiya sa binata.

"Grabe naman," angal ni Andy.

Mas masamang irap ang iginawad niya rito.

"Oo na, sige na. Hindi na ako kikilos. Hindi na rin ako magsasalita," pagmamaktol na ni Andy. "Akala mo naman ang sexy," pero parinig pa kasi nito.

"Heh!" angil niya rito. Kung hindi lang siya nakahubo't hubad kinarate na niya ito.

"Kunin mo na kasi ang gusto mong kunin kasi. Ang dami mo pang arte," sabi ni Andy.

Ginawa niya iyon. Hindi na siya pumili ng panty, dukot siya agad ng isa roon. Ang kaso ay may sumama na isa pang panty. Nahulog iyon sa sahig.

Si Andy, awtomatiko syempreng tingin ito roon. "Nahulog, oh." Pa-inosenteng turo pa nito sa maliit na telang iyon.

Parang lumaklak naman siya ng isang galong mantika este suka dahil namutla ang kanyang mukha ng bonggang-bongga nang makita niyang panty niya ang nahulog. At 'yung kulay RED pa talaga. Nakuuu naman!

Akmang pupulutin pa sana iyon ni Andy.

"Oooppp!" Pulang-pula ang kanyang mukha na inunahan niya ito. Itinago agad niya iyon sa kanyang likuran. "Wala kang nakita! Panyo lang 'to!"

Tumaas ang isang kilay ni Andy. "Panty kaya 'yan," saka pilyo nitong sabi.

"Tse!" Sa sobrang kahihiyan ay tinalikuran na niya ang binata. At sa kamamadali niyang lumabas ay muntik pang mahulog ang tuwalya.

Doon na malakas na tumawa si Andy. Nakakatawa talaga si Yolly. Ang cute cute.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon