Part 42

228K 4.4K 253
                                    

Nagulat si Yolly paggising niya dahil imbes na matigas na sahig ang kinahihigaan niya ay sa malambot na kama na niya siya nakahiga. Pabalikwas talaga siyang bumangon. Nakiramdam. Pabigla rin niyang tiningnan ang sarili. Inakala niyang baka katabi na naman niya si Andy at wala na naman silang mga damit.

Nakahinga siya nang maluwang. Diyos ko, masasabunutan talaga niya ang kanyang sarili kapag nagkataon dahil nakitabi na naman siya kay Andy na hindi niya namamalayan. Dahil sa kagagagahan niyang ganoon kaya siya nabuntis, eh! Pabaya kasi siya sa sarili, eh! Tsk!

Napaisip pa rin siya kung bakit nasa kama siya. Hindi kaya naglakad siya kagabi na tulog kaya napadpad siya doon sa kama niya?

Nagtaka rin siya dahil bakit wala sa kama si Andy. Mag-isa lang siya roon na natulog? Nasa'n si Andy?

Nang iginala niya ang kanyang paningin ay nasagot ang madami niyang katanungan nang nakita niya ang binata sa dapat ay kinalalagyan niya. Si Andy na ang nasa sahig. Nagkabaliktad pala sila ng higaan.

"Paanong nangyari?" tanong niya sa isip niya. Tandang-tanda niya kasi na bago sila natulog kagabi ng binata ay doon siya sa sahig humiga. Imposible namang naglakad din si Andy kagabi kaya nagkapalit sila ng higaan. Eh?

Buti na lang at nagising na rin si Andy kundi mababaliw na siya sa pag-iisip kung paano nangyari iyon.

"Ano'ng oras na?" tanong nito na pupungas-pungas.

"Ba't nandiyan ka?" pero tanong din niya rito.

"What?"

"Sabi ko bakit nandiyan ka? At bakit ako nandito?"

Saglit na nag-isip si Andy. Dahil bagong gising ay parang bangag pa.

"Hindi ba dapat ako ang natulog diyan sa sahig at ikaw dito sa kama? Ikaw ba ang nagpalit sa puwesto natin?" panlilinaw niya sa kanyang tanong.

"Ah, iyon ba?" Naalala na rin sa wakas ni Andy ang ginawa kagabi. Kakamot-kamot siya sa batok na bumalik sa prenteng pagkakahiga.

Tama si Yolly. Siya ang may kagagawan ng pagkakapalit nila ng higaan. Naawa siya kasi kagabi sa dalaga kaya binuhat niya ito para ito na ang matutulog sa kama, at siya na sahig.

"Ano'ng ginawa mo?!" Agad-agad ay binato siya ng unan ni Yolly.

"Oy!" Natarantang bumangon si Andy. Umiwas agad sa puwedeng ibabato na naman sa kanya ni Yolly. "Teka lang naman. Heto na magpapaliwanag na."

"Dapat lang na magpaliwanag ka!" angil ni Yolly.

"Nilipat kita kagabi kasi baka kako nahihirapan ka rito sa sahig," pag-amin na ni Andy.

"Ano? At bakit? Ano'ng nakain mo? Naka-drugs ka na naman ba?"

"Because you're pregnant. At dahil buntis ka dapat lang na ikaw ang nandiyan sa komportableng higaan."

"Alam ko! Pero sana ginising mo naman ako! Kaya ko namang maglakad, hindi 'yung binuhat mo pa ako!" Galit pa rin si Yolly.

"Bakit ka ba nagagalit? Ano na naman ba ang masama sa ginawa ko? Magaan ka naman, eh. Para ka nga lang unan kagaan, eh."

"Tse!" singhal pa rin ni Yolly sa binata sabay bato na naman dito ng unan.

"Ikaw nakakarami ka na, ah! Kahit unan 'to masakit pa rin ito baka akala mo!" reklamo na rin ni Andy.

"Tse!" ulit na singhal pa rin ni Yolly saka inis na inis na bumaba na sa kama. Hindi siya galit, paraan lang niya iyon para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Hindi niya kasi ma-imagine kung ano ang eksena nila kagabi habang buhat-buhat siya ni Andy. Ang awkward. Ew!

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon