Part 41

226K 4K 101
                                    

Tahimik na umupo si Andy sa katabing silya ni Yolly. Hindi na kasi talaga pumasok pa si Cristine kaya tabi na talaga sila. At aakalaing kung sinong matinong estudyante na ito na nakatutok ang sarili sa pakikinig sa prof nila.

Si Yolly, tahimik na lang din habang napapangiti kay Andy. Buti na lang at nakapag-isip din ito ng matino dahil kung hindi ay baka sisisihin niya ang sarili niya kung ayaw na ngang mag-aral ni Andy. Hindi niya siguro mapapatawad ang kanyang sarili.

"B*tch!" hindi maka-move on na mahinang angil pa rin naman ni Cindy. Hindi maitago ang inis sa dalawa. Umuusok pa rin ang ilong nito at tumataas-baba ang dibdib gawa ng matinding galit habang nakatitig kay Yolly.

"Don't worry, Cindy, gaganti tayo sa babaeng 'yan," bulong ni Karen dito.

"How?" badtrip na tanong ni Cindy. Malakas iyon dahil hindi nakontrol ni Cindy ang boses gawa nga ng matinding inis.

"Cindy Dela Paz, could you please provide an explanation for this?" Na nakaagaw sa atensyon ng prof nila.

Napakunot-noo si Cindy dahil hindi siya prepared at hindi niya alam ang dini-duscuss ng kanilang prof. Paano ba naman siya makikinig kung punong-puno ng galit ang dibdib niya para kay Yolly. Duh!

"Miss Dela Paz?"

Mataray na tumayo ang dalaga. " I apologize, Miss, but I am not familiar with the subject you are referring to. Ang boring mo kasing mag-explain ng lesson kaya wala kaming naiintindihan sa mga pinagsasabi mo."

Napatingin ang buong klase sa dalaga. Hindi mga ito makapaniwala sa inasal nito.

Gayunman ay taas-noo lang si Cindy at humalakupkip pa talaga. Ipinakita na talaga ang pagiging bratinila nito.

"Miss Dela Paz, baka nakakalimutan mo na–" Tumaas agad ang boses ng kanilang prof dahil sa pambabastos dito ni Cindy. Pero dahil biglang walk out si Cindy sa klase nila ay hindi nito naituloy ang panenermon. "Cindy Dela Paz!"

Napamaang lahat nang dire-diretso pa rin ng labas si Cindy, lalo na ang prof nila.

"Sana all," sabi ng pinakapasaway sa klase. Inidolo pa talaga ang inasal ni Cindy.

Napatingin sa isa't isa naman sina Yolly at Andy. Alam nila parehas na dahil sa kanilang dalawa kaya ganoon ang naasal ni Cindy.

"Hayaan mo siya." Susundan pa nga sana ni Yolly si Cindy pero pinigil siya ni Andy.

"Pero–"

"Don't do anything stupid," sabi pa ni Andy.

"Miss, excuse me," si Karen. Ito ang sumunod sa kaibigan.

Naginhawaan naman si Yolly. Hindi na siya nagpilit na susundan si Cindy.

"It's alright," alo sa kanya ni Andy. Tinapik siya sa balikat.

"Ano bang nangyayari sa generation na ito?! Mga wala na ngang natututunan, wala pang mga modo. Patawarin." Animo'y masakit ang ulo ng prof nila na napaupo. Nawalan ng lakas. First time na may nambastos na isang estudyante sa tulad nitong professor ng Sanchi College, at ng isang transferee pa.

Na-guilty naman ang mga estudyante nito, lalo na ni Yolly. Mangiyak-ngiyak siyang napakagat-labi.

"Miss, kami na humihingi ng tawad sa ginawa ni Cindy," dikawasa'y sabi ni Patrick sa prof nila.

"Why? What's the problem to her?"

"Basta po malala ang pinagdadaanan niya ngayon, Miss."

"Is that so?"

"Yes, Miss."

"Pero hindi pa rin tama iyon. Ire-report ko ito sa mga nakatataas," medyo nakahinga na nang maluwag ang prof nang sinabi iyon.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon