Part 16

280K 5.2K 163
                                    

Napatingin si Yolly sa katabi niya. kinalabit kasi siya nito. Wala pa ang prof nila sa next subject nila kaya puwede pang mag-chikahan sila.

"Bakit?" tanong niya sa pinsan na hindi agad niya napansin.

"Wow, nakalimutan mo yata na sidekick mo ako sa kuwentong ito. Kausapin mo naman ako, para naman may role ako."

Nagpapatawa si Cristine pero ni ngiti ay hindi niya magawa.

"Ano'ng nangyari noong umuwi na ako, ha?" may kilig sa boses ni Cristine na tanong na sa kanya.

Gawa niyon ay naalala na naman niya ang problema. Napalingon siya sa kinauupuan ni Andy. Na dapat hindi na lang pala niya ginawa dahil nakita lamang niya ang binata na nakikipag-sweet-sweet-an kay Karen. Kay Karen na pinakamaganda sa klase nila at dating girlfriend nito.

Nagyuko siya ng ulo nang iniiwas niya ang tingin sa dalawa. May kung anong pumiga sa puso niya. At ewan niya kung ano ang tawag sa pakiramdam na iyon. Ngayon lang niya naranasan na makaramdam ng ganoon, eh.

Malamang ay dahil nasasaktan siya. Sa kilos kasi talaga ni Andy na nakikita niya ay parang walang nangyari at walang dapat ikaproblema. Nasasaktan siya na naiinis dahil bakit siya ay nai-stress samantalang si Andy ay parang wala lang.

Ang unfair!

Gusto rin naman niyang balewalain sana ang nangyaring iyon, kaya lang v*rginity niya kasi 'yon. Napakahalaga niyon sa kanya bilang babae kaya big deal 'yun sa kanya. Kahit sino naman siguro na babae.

"Oy, magkuwento ka naman, Insan. Anong oras umuwi si Andy?"

Panandilatan niya ng mata ang pinsan. Ang ingay talaga.

Napalinga-linga siya sa tabi nila. Nangamba siya na baka may nakarinig sa tinuran na iyon ni Cristine.

"'Yang bunganga mo nga."

"Bakit? Akala ko ba friends na tayong tatlo?"

"Friends na dapat walang makakaalam."

"Ano kaya 'yon?!" reklamo ni Cristine. "Kaya ba hindi kayo nagpapansinan, ha?"

Malungkot siyang tumango.

Napatayo si Cristine. "Aba'y hindi naman puwede 'yon!" at anito sa malakas na boses. Pumanaywang din.

Napatingin tuloy sa kanila ang mga kaklase nila. Kasama na si Andy.

"Ano ka ba?" Hinila niya agad ito at pinaupo. "Parang awa mo naman itikom mo 'yang bibig mo."

"Pero mali kasi 'yun! Kaibigan lang naman bakit kailangang itago pa? Ano 'yon ikinakahiya niya na maging kaibigan ka niya! Eh, gag* pala siya, eh!" Nilakasan pa lalo ni Cristine ang boses. Tinayak na maririnig ni Andy.

Ang tingin tuloy ni Andy sa kanila ay hindi na naalis.

"Sabing 'yang bunganga mo, eh!" Lumakas na rin ang boses niya. Nabulyawan na niya ang pinsan.

"Hoy, nag-aaway ba kayong dalawa? Doon kayo sa labas!" puna sa kanila ng isang kaklase nila.

"Sorry." Nahihiyang paumanhin ni Yolly sa kaklase nilang iyon at yumukod. Pagkatapos ay taranta niyang kinuha ang mga gamit niya at nagtatakbong lumabas na ng classroom.

"Yolly! May klase pa tayo!" tawag ni Cristine sa pinsan pero parang walang narinig si Yolly. At nang hindi na talaga bumalik si Yolly ay masamang tingin ang ipinukol ni Cristine kay Andy. Kay Andy na kaibigan 'kuno' nila. Kay Andy na akala nila mabait pero hindi pala. G*go pa lang talaga.

Ang sumunod na nangyari ang hindi inasahan ni Cristine. Tumayo rin kasi si Andy at pagkuwa'y nagtatakbo ring lumabas ng classroom.

Nagtaka ang lahat.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon