Part 56

184K 3.3K 82
                                    

"Yolly..." Mabilis na ipinarada ni Leandro ang motor niya. Nakita niya kasi si Yolly sa nakabukas na gate ng bahay nila at umiiyak. Pero nang makalapit siya ay isang sampal ang natikman niya mula sa dalaga.

Tila ba nagtigil ang pag-ikot ng mundo ang naging pakiramdam ni Leandro. Hindi siya makapaniwala na sinampal siya ni Yolly. Nangilid ang mga luha niya habang nakabaling pa rin ang mukha niya.

Hindi masakit ang sampal ni Yolly. Ang masakit para kay Leandro ay 'yong iisipin niyang matindi talaga ang galit ng dalaga sa kanya.

"Masaya ka na?! Ayan na, wala na si Andy! Umalis na siya! Iniwan na niya ako!" madiin na madiin ang boses na sumbat ni Yolly kay Leandro sa gitna ng kanyang pag-iyak. Nanginginig din ang kamay niya na itinuturo ang papalayong sasakyan ni Andy.

Sapo ang pisngi ay dahan-dahang ibinalik ni Leandro ang tingin kay Yolly. Namumula ang kanyang mga mata na napatitig sa dalaga.

"Umalis na siya! Iniwan na niya ako na galit na galit sa akin dahil sa kagagawan mo! Dahil sa pakikialam mo!" paninisi pa sa kanya ni Yolly.

"S-sorry, Yolly. Hindi ko sinasadya. Babawi ako," buong pagsisisi na sumamo ni Leandro sa mahinang-mahina na tinig. Nahihiya siya dahil kasalanan naman talaga niya ang lahat. Napangunahan niya si Yolly. Nalaman ni Andy ang sekreto ng kaibigan na wala sa oras dahil sa katangahan niya, dahil sa kagaguhan niya, dahil sa pagseselos niya na wala naman sa lugar.

Hindi naman mailarawan ang titig ni Yolly sa binata. Galit na galit talaga siya kay Leandro. Nanginginig ang tikom na tikom na labi niya. Rumaragasa ang mga luha niya sa kanyang pisngi. At pigil na pigil niya ang kanyang matinding paghinga. Ni hindi na rin niya magawang magsalita kaya naman tinalikuran na lang niya ang itinuring na kaibigan at walang anumang iniwanan ito sa labas ng bahay.

*******

"DAMN you, Yolly! Damn you!" Nasuntok-suntok ni Andy ang manibela. Parang sasabog na kasi ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nadarama.

Pinili niyang umalis sa bahay nina Yolly dahil baka kung ano pang magawa niya. Iniwasan din kasi niya na maging bastos kay Aling Yolanda dahil totoong itinuring na niyang ina ang ginang.

Nagtiwala siya kay Yolly. Naging mabait siya pero niloloko pala siya ng babaeng 'yon.

Ang sama ni Yolly! Hindi niya ito mapapatawad! Hinding-hindi!

Sa inis at galit ay diniinan niya ang pagkakaapak niya sa silinyador at hindi niya namalalayan na sobrang bilis na ng kanyang pagpapatakbo. Mabilis na mabilis, at wala siyang pakialam. Buti na lang at gabi na kaya medyo konti na lang ang mga sasakyan sa kalsada.

Hindi siya nagpapakamatay pero galit talaga siya. Galit siya sa mundo.

Niloko siya!

Ginawa siyang tanga ni Yolly!

"Aaaaaaaahhh!" hiyaw niya ng malakas habang pagewang-gewang ang takbo ng kotse niya. Paraan niya upang maibsan man lang ang sakit na nadarama niya kahit konti.

Ang hindi niya inaasahan ay ang maaalala na ng utak niya ang nangyari noong gabing iyon. Lumangitngit ang gulong ng kanyang sasakyan sa bigla-bigla niyang pagpreno sa may gilid ng kalsada. Pagkatapos ay natulala na siya't agaw niya ang hininga nang parang nag-rewind ang lahat sa isip niya...

"Alak talaga?" Kamot ulo si Yolly noon dahil pinabibili niya ito ng alak para i-celebrate nila ang pagkakaibigan nila ni Cristine. Iyon 'yong araw na nahuli kasi sila noon ni Cristine na magkaibigan na sila ni Yolly.

Nag-inuman silang tatlo. Ang saya nila. Nag-videoke pa sila. Kumanta sila ni Yolly kahit wala sila sa tono.

"Woooo! Ang hirap!" sigaw ni Yolly na naka-mic sunod ang malutong na tawa nito. Pilit pa rin kasi nitong inaabot ang 'The Power of Love' na kinakanta. Ang lakas ng loob hindi naman makabirit kaya tawang-tawa sila.

Nag-apiran silang dalawa pagkatapos saka sabay na tumungga ulit sa bote ng alak, ng mumurahing alak.

Ang saya-saya talaga nila, lalo na siya. Palibhasa ay unang naranasan niya iyon na makipag-inuman na walang arte sa katawan, walang dapat isipin na hitsura at kilos niya.

"Kanta pa," sabi niya kay Yolly.

"Ayoko na," pero pagtanggi ni Yolly na napasandal na sa sopa. "Hindi ko na kaya..." At parang masusuka na ito.

Tinawanan niya ang dalawang dalaga dahil kanina pa tulog si Cristirn.

"Ang hina niyo naman," kantyaw rin niya sa mga ito. Siya na ang umubos sa mga natira nilang alak.

Tumayo si Yolly at magsasayaw pa sana pero bigla rin itong natumba.

"Oy!" Buti na lang at kahit lasing siya ay nagawa pa rin niyang saluin ang dalaga, nga lang ay natumba pa rin sila. Siya ang napailalim kaya napangiwi siya dahil bumagsak sa sahig ang likod niya. At sa moment na iyon niya ulit nakita ang nakatagong ganda ni Yolly.

"Hhmmm..." ungol ni Yolly. Kumilos ito. "Ang init naman!" tapos ay napakapikit nitong reklamo. Epekto ng alak.

"Oy, teka teka!" pigil niya kay Yolly dahil bigla ay maghuhubad ito ng t-shirt.

Napangiwi at natawa na lang siya nang maghubad na talaga si Yolly. He had no choice but to just embrace her.

Fortunately, Yolly fell asleep quickly.

Ramdam na ramdam niya ang mainit na katawan ni Yolly, pero dahil hindi siya sanay sa alak na ininom nila ay nahihilo na rin siya hanggang sa nakatulog. Nga lang hindi pa nagtatagal ang kanyang pagkakaidlip ay kumilos ulit si Yolly.

"Naiihi ako!" sabi nito na wala pa rin sa huwisyo.

"Wait." Pinilit niyang bumangon para alalayan ito. Susuray-suray silang dalawa na tinungo ang banyo ng bahay. Nagsuka rin si Yolly. Flinash niya agad iyon.

"Tulog na tayo," lasing pa rin na sabi ni Yolly sa kanya pagkatapos.

"Dahan-dahan." Sinamahan nga niya ito sa kuwarto. Wala na sa kanya kung naka-bra lang ang dalaga. Hangang-hanga nga siya dahil may hubog pala ang katawan ni Yolly. Makinis at maputi pala ito. Maliit din ang baywang at malaman ang dalawang hinaharap nito na hindi nahahalata dahil sa maluluwag nitong damit.

Ipinilig ni Andy ang ulo. Inalis niya ang kung anu-anong iniisip niya. Yolly is drunk, and for heaven's sake, ganito ang mga napapansin niya. He's such a jerk!

"Careful," sabi niya nang halos hindi umabot si Yolly sa kama nito. Naging dahilan iyon kaya natumba sila.

Akala niya ay matutulog ulit si Yolly pero pasaway lang dahil nagsayaw-sayaw pa. Naging parang babae sa mga bar na ito. Pinaikot-ikot pa ang damit habang gumigiling.

"Stop it. Ang pangit mo." Tawa siya nang tawa dahil na rin sa kalasingan.

Nilapitan siya ni Yolly at hinubad nito ang t-shirt niya. "Sige tanggalin mo 'yan. Ire-r*pe kita," biro niya rito.

Para na talagang bold star si Yolly na tinanggal pa rin ang t-shirt niya. Hinayaan na lang niya. Tawa na sila nang tawa habang nagsasayaw ng pa-sexy. Sinabayan niya rin ito. Hanggang sa naglapat ang kanilang mga labi pero saglit na saglit lang 'yon dahil natumba na nang tuluyan si Yolly. Nakatulog na.

He paused, caught off guard and left wanting. Nevertheless, he took a deep breath and shrugged it off. At dahil kaya pa niya ang sarili niya ay dapat lalabas na siya ng silid sa takot niya na baka kung ano pa ang magawa niya.

Ang sexy pa naman ni Yolly.

"Andy, dito ka lang," kaso ay ungol naman ni Yolly sa pangalan niya. Bigla-bigla na lang bumangon ito't hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag mo akong iwanan. Ikaw lang ang kaibigan ko, eh. Malulungkot ako kapag iiwanan mo ako."

Napatanga siyang napatitig dito. Ramdam na ramdam niya na tila may kung anong humaplos sa kanyang puso sa sinabing iyong ni Yolly. Before long, a sweet smile spread across his face.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon