Part 63

204K 3.6K 100
                                    

"'Nay..." Malungkot na yakap ni Yolly sa likod ng kanyang ina. Nagbabalat ng sayote si Aling Yolanda.

"Hindi ka na naman papasok sa school?" garalgal ang tinig na tanong ng nanay niya sa kanya.

Doon nahalata niya na umiiyak na naman pala ang nanay niya. Kahapon pa ito non-stop sa pag-iyak dahil nga roon sa pag-alis ni Andy na hindi man lang sila nagkita pa ulit. Hindi man lang sila nakapagpaalaman.

"Umiiyak ka ulit?" Kumawala siya sa pagkakayakap at tiningnan niya ang ina.

"Huwag mo akong pansinin. Naalala ko lang si Andy dahil siya ang tagabalat ko ng sayote." Sisinghot-singhot si Aling Yolanda habang kunwari ay abala ito sa sayote.

Napangiwi siya, pero oo nga naman, naalala niya 'yong unang tinawag ni Andy ang nanay niya ng NANAY.

"Nanay, ano'ng gagawin dito sa sayote?"

Parang nakita pa niya si Andy na ngiting-ngiti na pumasok sa kusina mula sa salas.

"Balatan mo, Anak," sagot naman ng nanay niya na nasa banyo noon.

Umupo si Andy at sinimulan na ngang balatan 'yong sayote. Tapos ay pa-cute na ngumiti ito sa kanya at kinindatan pa siya.

Lalo siyang nalungkot nang maglaho sa paningin niya ang naalalang si Andy. Parehas lang sila ng nanay niya na nangungulila sa binata.

"Huwag na niyo na po siyang isipin, 'Nay. Hindi na siya parte ng buhay natin." Inakbayan niya ang nanay niya na lumuluha na rin.

"Kung bakit naman kasi hindi ka pa talaga totoong nagbuntis, eh," parang naninisi na saad ni Aling Yolanda.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Hindi na siya umimik muna. Malungkot na umupo na lang siya sa tabi ng nanay niya pagkuwa'y napahawak siya sa singsing na kagabi pa niya pinag-iisipan kung paano iyon ibabalik kay Andy.

"Pero hindi ka na naman ba papasok talaga?"

"Hindi na po muna, 'Nay. Natatakot ako at nahihiya na ako sa mga kaklase ko, eh."

"Bakit naman?"

"Basta po. Lipat na lang kaya ako ng school, 'Nay?"

Napatingin muna sa kanya si Aling Yolanda ng matagal bago sumagot. Siguro ay tinitimbang muna nito ang lahat. "Sige, ikaw ang bahala," mayamaya ay sabi nito.

Ngumiti siya at mabilis na yumakap siya sa tagiliran ng nanay niya.

"Ang problema ko ngayon ay paano na naman 'to ipapaliwanag sa tatay mo."

"Huwag po kayong mag-alala, 'Nay, alam kong maiintidihan tayo ni Tatay. Hindi naman natin ito ginusto, eh."

Napabuntong-hininga si Aling Yolanda. "Sabagay, buti na lang pala at hindi natin binayaran ng buo iyong tuition mo," ta's malungkot nitong saad.

"'Nay, ang problema ko naman ay kung paano ibabalik 'to kay Andy." Ipinakita niya ang mamahaling singsing sa nanay niya.

Lumaki ang mga mata ni Aling Yolanda. "Kailan pa 'yan?"

"Ilang araw pa lang po."

Kinuha ni Aling Yolanda at kinilatis nito ang singsing. "Ang ganda nito, ah. Mukhang mamahalin."

"Mamahalin po talaga 'yan kasi galing sa jewelry shop ni Tita Angie."

Lalong lumaki ang mga mata ni Aling Yolanda. "May jewelry shop ang mommy ni Andy? Si balae? Ay ex-balae pala?"

Mahaba ang nguso niyang tumango.

"Ay, sus!" sambit ni Aling Yolanda. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Yolly! Sana nagpabuntis ka na lang talaga!"

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon