Part 22

257K 4.7K 457
                                    

"Samahan mo ako mamaya after class. Punta tayo sa tahimik na lugar. I have something to confess," pasimple at mahinang sabi ni Andy kay Yolly. Nakatakip ang kamay niyang nakapangalumbaba sa bunganga habang kampanteng nakaupo sa upuan ni Cristine. Kung titingnan ay para siyang mabait na college student na matamang nakikinig sa lecture ng prof. At ang tinukoy niya na tahimik na lugar ay ang simbahan na pinuntahan nila noong isang araw.

Kunot ang noong binalingan siya ng tingin ni Yolly.

Tiningnan naman niya ito at nginitian. Ang totoo ay nami-miss lang niya ang company ni Yolly. Hindi niya kasi maramdaman ang lungkot kapag kasama niya ang dalaga kumpara kapag kasama niya ang mga barkada na walang ginawa kundi ang magpa-cute sa mga babae na hindi naman na niya hilig.

Iba talaga ang saya niya kapag si Yolly ang kasama niya. Para bang wala siyang dapat intindihin. Iyong feeling na malayang-malaya siyang sabihin o gawin ang kahit na anong gusto niya. He wasn't ashamed or afraid to make a mistake. Hindi tulad sa harapan ng barkada niya na kailangan laging perfect siya, dahil siya ang idol nila, hinahangaan, leader, etcetera.

"May pupuntahan nga ako mamaya," mahinang sagot ni Yolly. Kunwari naman ay isinusulat ng dalaga sa notes nito ang mga sinasabi ng prof nila. Pero kung makikita lang ng lahat ang isinusulat ni Yolly roon ay mga guhit-guhit lang pala. Para bang inuubos lang ni Yolly ang tinta ng ballpen niya.

"Saan?"

"Basta."

"I'll just go with you then."

"Ayoko," mabilis na tanggi ni Yolly.

"Basta sama ako."

"Ayoko nga dahil kina Cristine lang naman ako pupunta."

"Ano'ng gagawin mo doon?"

"Bibisitahin ko lang siya dahil dumadalas na ang pagliban niya sa klase—" Naputol ang sinasabi ni Yolly nang napansin niyang nakikinig pala sa kanya ang katabi niyang bakla.

"Nagsasalita kang mag-isa, girl?" tanong ng kaklaseng bakla sa kanya na takang-taka. Buti na lang at hindi pala nito alam na ang kausap niya ay si Andy.

"May ano... may imini-memorize lang ako," nababahalang pagsisinungaling niya.

Tiningnan din ni Andy ang baklang kaklase. Nginitian kaya naman nagpa-cute na ang bakla rito.

Nakahinga naman si Yolly nang maluwang. Ang hirap nito, ah. Kakanerbyos. Kapag nalaman talaga ng lahat na magkaibigan na sila ni Andy ay paktay talaga siya. Sasabihin na naman nila na ambisyosa siya, panigurado.

Nang matapos ang last subject ay agad siyang nagligpit ng gamit at kumaripas na nang alis. Alam niyang hindi siya hahabulin ni Andy dahil mahahalata ng mga kaklase nila. At ganoon nga ang nagyari kaya nakauwi siya na safe.

"Hay." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya pagkaupo na pagkaupo niya sa gilid ng kanyang kama. Nagpasya siyang huwag na lang dadaan kina Cristine dahil baka sundan siya roon ni Andy.

Mahirap na!

Naisip niyang ite-text na lang niya ang pinsan para kamustahin. Kaya lang ay nang kunin niya ang cellphone niya sa bag niya ay nakita niya ang pregnancy test kit na ibinigay sa kanya ni Leandro. Doon niya talaga inilagay dahil ayaw niyang makita iyon ng nanay niya kapag naglinis sa silid niya. Mas safe ang PT na walang makakakita kung sa bag niya ilalagay dahil wala namang nangingialam sa bag niya.

Kinuha niya iyon at tinitigan. Tapos ay naalala niya ang sinabi ni Leandro na puwede na raw siyang mag-test ngayon dahil ilang araw na ang lumipas pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Andy.

Muli ay parang tinatambol ang dibdib niya sa matinding kaba. Paano kung positive? Kakayanin kaya niyang tanggapin na isa na siyang dalagang ina?

Gulong-gulo man ang kanyang isipan ay nagdesisyon na siyang gawin na nga ang pagpe-pregnancy test. Mas mahirap ang ganito na hindi niya alam kung buntis siya o hindi. Mas lalo siyang mabubuang.

Ibinulsa niya ang pregnancy test kit saka siya lumabas ng silid. Hindi siya naiihi pero siguro naman ay maiihi siya kahit konti kung pipilitin niya.

Tumingin-tingin muna siya kung nasa paligid ang nanay niya. Saka lamang siya pumasok sa banyo nila nang makasiguro siyang wala nga ang nanay niya sa bahay. Doon ay kabadong-kabado siyang isinagawa ang pagte-test. Abut-abot ang dasal niya na sana negative ang resulta.

"Kapag negative, Lord, promise hinding-hindi ko na papansinin ang lalaking 'yon," dasal pa niya habang inaayos ang sarili.

Ibinulsa niya muna ang PT tapos ay lumabas na siya sa banyo. Kumaripas siya ng takbo papasok sa silid niya at doon niya tiningnan kung ano'ng resulta. Kaya lang ay hindi pa niya nakikita ang resulta'y kinatok na siya ng nanay niya.

"Yolly, dumating ka na ba?"

"Ngyaaay!" Gulat na gulat siya. Iyung PT, bigla-bigla'y naibato niya sa ilalim ng kama niya. Takot na takot siya. Nanginginig ang mga kamay niya.

Pumasok ang nanay niya sa silid niya.

"'Nay, bakit po?" Putlang-putla ang mukha niya.

"Oh, dumating ka na pala. Tinatawag kita, ah. Bakit hindi ka sumasagot?"

"Ah... eh... magbibihis po sana ko, eh," pagsisinungaling niya.

"O, siya sige magbihis ka na tapos bumaba ka agad dahil may binili akong miryenda."

"S-sige po. Opo. Bababa po ako agad. Yes po," natataranta niyang sagot.

Mas nagtaka tuloy ang nanay niya. Kunot ang noong tinitigan siya.

Pasimpleng ngumiti naman siya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang iniwan na siya ulit ng ina.

Grabe muntik na siya do'n, ah! Muntik na siyang mahimatay! Phew!

At nang maalala niya ulit ang PT niya ay naalarma siya. Saan nga ba niya iyon naitilapon?

"Ah, dito," aniya sabay silip ang ilalim ng kama niya. At dahil masikip ang ilalim ng kama ay kamay lang niya ang ipinasok niya roon na naghagilap sa PT.

Agad naman niyang nakapa ang maliit na aparato. Kaya lang ay parang binagsakan siya ng langit at lupa nang makita na niya ang resulta.

POSITIVE! Buntis nga siya! Woaaahhh! 

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon