Part 21

268K 4.9K 180
                                    

"Hi, Yolly." Sinamantala ni Andy na batiin ang dalaga nang magtyempo sila sa canteen ng school. Sakto na sila lang dalawa. Maaga pa kaya wala pang katao-tao masyado ang campus. Tanging si Manang Sonya na bantay lang ng canteen ang nandoon.

Si Yolly ay bumili ng tubig dahil nauuhaw siya. Habang si Andy ay talagang nandoon na dahil nag-aalmusal. Ginawa nang bahay ang campus dahil umuuwi lang ito para lang maligo at magbihis.

"Breakfast?" alok pa ni Andy kay Yolly.

Tipid na ngiti lang naman ang itinugon ni Yolly sa binata. Ayaw niya talaga ng tsismis lalo na't kung makatingin sa kanya si Manang Sonya ay kakaiba na naman. Tiyak na iba na naman ang iniisip nito.

Kung alam lang sana ng mga tao sa Sanchi College na nag-s*x na sila ni Andy malamang ay literal na mapapanganga ang mga ito o OA na mawawalan ng mga malay. Lalo na ang mga babaeng kumakaringking sa binata.

Hay!

Pero hindi, hindi niya ipapangalandakan iyon dahil nakakahiya. Nakakahiya na hindi na siya v*rgin.

Sakto namang nagro-roving si Leandro sa paligid sa sandaling iyon at nakita nito sa canteen ang dalawa. Muling nagdilim ang mukha ng binatang guwardya. Naiinis ito kay Andy.

Pinaglalaruan ba nito talaga si Yolly? Porke mabait si Yolly ay sinasamantala na ba nito? Napatiim-bagang si Leandro sa kaisipan niyang iyon.

Oo, sweet si Andy pero napansin niya na kapag walang tao lang dahil kapag may mga tao ay parang hindi naman kilala nito si Yolly. Iyon ang nakakaduda. Parang may mali.

Bumuntong-hininga si Leandro. Sana lang talaga ay hindi magbunga ang nangyari sa dalawa dahil mas masasaktan siya kapag masasaktan si Yolly.

Kumilos si Leandro para lapitan si Yolly. Ganundin si Andy. Kaya naman nagtagpo ang dalawang binata sa kinatatayuan ng dalaga.

"Yolly, samahan mo ako mamaya," si Andy.

"Yolly, may sasabihin ako sa 'yo mamaya," si Leandro.

Nagtatakang nagpalipat-lipat tuloy ng tingin sa dalawang binata si Yolly.

"Hindi ako papayag na paglaruan mo si Yolly," sa isip-isip ni Leandro.

"May gusto ba ang guwardyang ito kay Yolly?" sa isip-isip naman ni Andy.

Nagkatinginan ng masama ang dalawa dahilan para mabahala si Yolly. Nakaramdam na siya ng hindi maganda kaya binayaran na niya kay Manang Sonya ang binibili.

"Yolly, sandali." / "Wait, Yolly," nabahalang sabay na tawag sa kanya ng dalawa nang bigla siyang umalis.

Bumuntong-hininga siya. Ayaw man niya ay napilitan siyang tumigil at nilingon ang mga ito. Ayaw naman niyang maging bastos.

"Sorry dahil may pupuntahan kasi ako mamaya after class," aniya sa mga ito habang nakangiti.

"Saan?" / "Where?" halos sabay na tanong na naman sa kanya nina Leandro at Andy. Nagkatinginan tuloy na sila nang masama.

"Ano... uhm... pupuntahan ko si Cristine kasi sabi ng Mama niya ayaw na naman pumasok sa klase. Sa tingin ko mabigat talaga ang problema niya kaya susubukan ko siyang kausapin," palusot niya. "Sige, ha? Una na ako."

Naiwan ang dalawang binata na masama pa rin ang tingin sa isa't isa. At si Andy na lang ang unang nag-iwas. Bumalik ito sa kinauupuan kanina para ituloy ang pagaalmusal. Gusto nitong sundan si Yolly pero hindi na puwede. Baka may makakita.

Si Leandro ang sumunod sa dalaga dahil wala naman itong pakialam kung may makakita sa kanila na nag-uusap ni Yolly.

Nakita iyon ni Andy kaya napahawak ito ng mahigpit sa tinidor. Umeepal nga ang Leandro na iyon. Sarap batuhin ng plato. Tss.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon