Part 47

204K 3.6K 51
                                    

"Sir, ito po ang mga gamit ng pasyente." Iniabot ng isang nurse kay Andy ang isang transparent na plastic. Naroon ang wallet ng daddy niya, relo at kung anu-ano pa.

"Thank you," pasalamat niya rito saka sinuri iyon at nang makita niya ang susi ng sasakyan ng Daddy niya ay tinanong niya ang nurse. "Uhm, Miss, 'yong kotse ng dad ko? Alam mo kung nasa'n?"

"Ang sabi po ng mga nagtakbo sa kanya rito ay nasa Barangay San Isidro raw po. Nakaparada raw po roon. Kunin niyo na lang daw po."

Tumango-tango siya. Nga lang ay napakunot rin ang noo niya nang ma-realize niya na sa lugar kung saan naroon ang kotse ng daddy niya ay lugar iyon malapit sa bahay nina Yolly. What did her daddy do in that place?

"Okay, thanks," pasasalamat niya ulit sa nurse at iniwan na siya nito.

Maang na napatitig siya sa smart key ng kotse ng ama. Saglit pa'y binulatlat na niya ang plastic na iyon at ibinulsa ang susi. Saktong paglabas ng mistress ng daddy niya sa silid.

"Hi," bati nito sa kanya. "Ako nga pala si Kara. Ikaw si Andy, 'di ba?"

Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang pangalan niya. Malamang naikuwento siya ng dad niya sa babaeng ito.

Tumango lang siya at ibinigay rito ang mga gamit ng daddy niya. "Mga gamit ni Dad."

"Salamat," kiming sabi naman ni Kara nang inabot iyon.

Akmang iiwan na niya ito. Wala silang dapat pag-usapan.

"Wait," pero pigil nito sa kanya.

Tumigil naman siya, pero hindi na siya lumingon pa.

"Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal ko ang daddy mo," malungkot na saad ni Kara.

Napasinghap siya sa hangin. Does this woman want him to believe that? What does she think of him, that he's foolish?

Napatiim-bagang siya.

"Sana maging magkaibigan tayo," sumamo pa ni Kara.

Napailing siya. Nasisiraan yata ang babaeng ito. Anak at ang mistress magiging magkaibigan? Damn!

"Iyon kasi sana ang gusto ng daddy mo?" sabi pa ni Kara.

He still didn't bother to speak. Itinuloy na lamang niya ang paglakad, hindi na niya pinansin si Kara. Si Kara na sumira sa pamilya nila. Sorry, but he will never be able to befriend her, not even in his dreams.

Bakit ba kasi may mga babaeng kagaya ni Kara rito sa mundo? Mga babaeng naninira ng pamilya ng may pamilya? Tss!

Pagkalabas niya ay sumakay agad siya sa kotse niya at nilisan na ang ospital. Pinuntahan niya muna ang kotse ng daddy niya. Pagdating niya roon ay okay naman ang kotse. Nagpasalamat siya sa mga taong nagbantay niyon saka pinamiryenda na rin kaya tuwang-tuwa ang mga ito.

SA ISANG TINDAHAN MALAPIT.

"Ate, pabili ng napkin." Bumibili na si Cristine para kay Yolly.

"Ilan?"

"Dalawa po."

Kaso ay nang aabutin ni Cristine ang napkin ay may mabilis na kamay na kumuha niyon. "Kanino 'tong napkin na binibili mo?"

Lumaki ang mga mata ni Cristine. Lagot! Lagot siya dahil ang Tita Yolanda niya ang may-ari ng kamay.

"Kanino ang napkin na iyan?" ulit na tanong ni Aling Yolanda kay Cristine.

Natigagal na talaga si Cristine.

"Ano?"

"Ah... eh... sa akin po, Tita."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon