Part 29

230K 4.6K 247
                                    

Takang-taka si Andy pagpasok niya sa campus nang araw na iyon. Ang lahat kasi ay parang ilag sa kanya at kung makatingin ay parang mga diring-diri sa kanya.

"What the hell is happening again?" sa loob-loob niya. Mailap ang mga mata niya habang naglalakad. Nakikiramdam siya.

Sobrang halata kasi na ibang-iba na naman ngayon ang ikinikilos ng mga kapwa niya estudyante. Kung noon ay puros paghanga sa kanya ang nakikita niya sa mga ito, ngayon ay parang lahat pangungutya. 'Yung bang ang mga tingin sa kanya ay kay dumi niya ngayon, tapos nagbubulungan at nagtatawanan pa sila.

He couldn't help but check himself. At masasabi niyang okay naman. Bagay naman sa kanya ang outfit niya ngayon; a simple white t-shirt and denim pants.

Sigurado siyang bagay sa kanya ang ganoong getup dahil lagi naman ganoon kasimple ang porma niya. Simpleng rugged ika nga.

Napapailing siyang tumingin sa mga nagbubulungan, pero sa tuwing titingin siya ay iniiwas naman ng mga ito ang tingin sa kanya.

Takang-taka na talaga siya. May nangyari ba talaga? Ano na naman kaya?

Hanggang sa isang kaklase niyang lalaki ang nakasalubong niya. Marahas niya itong hinila at tinanong. "Tell me. What's the f*ck is happening?!"

"Huh?!" maang-maangan pa nito.

"Sabi ko ano'ng nangyayari? Bakit lahat ay kung makatingin sa 'kin ay parang mga ewan?" dumiin na ang boses niya.

Napakamot sa ulo ang kaklase. "Ano kasi... kasi nalaman na nila–"

Lalo naman siyang napakunot-noo. "What did they find out? Linawin mo."

Hindi na nakasagot ang kaklase niyang iyon dahil nagtatakbo na ito palayo dahil nakita nito si Cindy at Karen na palapit.

Napabuntong-hiningang hinayaan na lang niya ito at hinintay ang paglapit sa kanya ng dalawang dalaga.

Maangas na pumamulsa siya. Alam na niya, these two brats were once again involved in the chaos. Mga sakit talaga sa ulo. Tss!

"You need to clarify something with us, Andy." Humalukipkip si Cindy pagkalapit na pagkalapit sa kanya.

Minsan pa ay napakunot ang noo niya. Mugto kasi ang mga mata ni Cindy. Mukhang umiyak ang dalaga.

"At huwag kang magsisinungaling." Si Karen naman ay parang maiiyak pa lang.

"What is it this time?" aniyang naglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Totoo ba 'yung sinabi kanina ni Kuya Guard?" Hindi na nagpaligoy-ligoy si Cindy.

"Ang alin?" Lalo siyang naguluhan.

"That–" Ang daling tumulo ng mga luha ni Cindy.

Mataman siyang naghintay sa sasabihin nito.

Nagpunas muna ng luha si Cindy bago nito itinuloy ang tinatanong. "That Yolly is pregnant and... and you are the father? Is it true?"

Parang tumigil na ang ikot ng mundo sa pakiramdam ni Andy. Parang naging pasabog kasi 'yun sa kanyang pandinig. At dahan-dahan na umawang ang kanyang mga labi pero wala naman siyang sinabi.

"Narinig halos lahat ng mga estudyante dito ang sinabing iyon ni Kuya Guard. Totoo ba na ikaw ang ama, Andy?" sabi at tanong din ni Karen.

He still didn't respond. Naningkit lang ang kanyang mga mata at napaisip. Kung gano'n ay nabuo ang isang beses na pangyayaring iyon sa pagitan nila ni Yolly? Oh, sh*t!

Mabilis din na sumagi sa isip niya ang panaginip niya kanina. Ito na ba ang ibig sabihin nang madami silang anak ni Yolly?

"Andy, answer us!" Tumaas na ang boses ni Cindy at rumagasa na ulit ang mga luha nito sa mga mata.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon