Part 83

247K 4K 296
                                    

"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal.

"Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.

Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!

"Oo," ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.

Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nila. At halos makagat niya ang mga labi ni Andy nang tuluyan na siyang angkinin nito. Hanggang sa nagtagumpay ito. Subalit, Pakiramdam niya ay nahati ang kanyang katawan sa sobrang sakit niyon.

Hindi naman nagtagal ay okay na. Masarap na sa kanyang pakiramdam ang paulit-ulit na pag-ulos ni Andy sa kanyang ibabaw.

Kung ilang ulit nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagniniig bago nakatulog si Andy ay sila na lang ang nakakaalam.

At kahit sobrang pagod sila ay sobrang saya naman ng kanilang pakiramdam. Sa sobrang kasiyahan na nalasap ni Andy sa piling niya ay sa ibabaw na niya pa ito nakatulog.

Walang kaalam-alam si Andy na habang tulog ito ay isang pasya ang biglang nabuo sa isipan ni Yolly. Habang masuyo niyang hinahaplos ang mukha at noo ni Andy ay tahimik siyang lumuluha. Masaya na siya ngayon dahil kahit paano, kahit ngayon lang ay napasaya niya rin sa wakas ang binatang pinakamamahal niya. At kung anuman ang magiging bunga ng kapangahasang ginawa niyang ito ay sigurado siyang hindi niya ito pagsisisihan kailanman.

"Salamat, Andy, dahil ipinaramdam mo sa 'kin ang kahalagahan ng pagiging babae ko. Sa kabila ng hitsura ko noon ay tinanggap mo ako. Salamat sa lahat," aniya na tigmak ng luha ang kanyang mga mata kasunod ng buong pagmamahal niyang dampi ng halik sa noo ng binata.

********

"Yaya Chadeng?" Mahinang kinakatok ni Leandro ang pinto ng kuwarto ni Yaya Chadeng. Ang gusto sana niya ay didiretso siya sa kuwarto ni Yolly para magpaalam, pero nag-alangan siyang pumasok sa malaking bahay nang walang pinagpapaalamanan, lalo na't aalis na siya. Ayaw niyang maging bastos na bigla na lang papasok kung saan sa parte ng malaking bahay kaya nauna niya munang kinatok si Yaya Chadeng.

Oo aalis na siya. Sa nangyari kanina ay hindi na niya kayang manatili o magtrabaho sa malaking bahay. Bahala na kung matatanggal ulit siya sa agency niya. Madami pa naman puwede pag-aplayan na agency o ng kahit na anong klaseng trabaho.

Gayunman, hindi ibig sabihin niyon ay kakalimutan na rin niya si Yolly. Hindi niya gagawin 'yon. Aalis lang siya para mag-isip-isip muna. Pag-iisipan niya kung ano'ng dapat na gagawin niya at kung paano niya ipaglalaban ang pag-ibig niya kay Yolly.

"Leandro, bakit?" Pupungas-pungas na pinagbuksan siya ng pinto ni Yaya Chadeng. Ngunit agad ding tuluyang nagising ang diwa ng matanda nang makita nito ang duffle bag niyang dala. "Ano'ng ibig sabihin niyan?"

"Yaya, aalis na po ako. Ikaw na pong bahala na magpaliwanag kay Madam Angie pagdating niya po," mapait ang ngiting sagot niya.

"Leandro, hindi mo kailangang gawin 'to."

"Yaya, aantayin pa ba natin na magpatayan kami ni Andy?"

Hindi nakaimik si Yaya Chadeng. Pagkuwa'y napabuntong-hininga ito saka niyakap siya ng maluwang. "Kung gano'n hindi na kita pipigilan dahil alam kong alam mo ang mas nakakabuti sa inyong tatlo."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon