Part 15

289K 5.1K 240
                                    

Gugulohin ang buhok, tapos mapapahilamos sa kanyang mukha, saka mapapangiwi. Paulit-ulit na ganoon ang gesture ni Andy kanina pa.

"Dude, okay ka lang?" pansin na sa kanya ni Patrick.

Nasa condo unit siya ng kaibigan dahil gusto niya ng kausap. Gulong-gulo kasi ang isip niya. Malapit-lapit na siyang mabaliw.

"Dude, naranasan mo na bang ma-block out sa inuman?"

Nag-isip si Patrick. "Hindi pa naman. Bakit?"

"Dude, na-block-out yata kasi ako kagabi. Naparami yata ang inom ko kaya ayun paggising ko ay hindi ko na alam ang nangyari. I can't recall anything."

"Talaga ba? But I thought you were used to drinking? Humina ka na?" kantyaw sa kanya ni Patrick.

"Ewan ko ba. This is the first time this has happened to me."

Tinapik ni Patrick ang isang balikat niya. "Okay lang 'yan."

"Hindi nga okay, Dude."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi ko alam kung nagalaw ko siya o hindi."

"P*tcha!" napamura si Patrick sa inamin niya. "Mahirap nga talaga 'yan," pero sa huli ay natawa rin ito.

Napapalatak na lang siya na naiiling. Kitang-kita sa mukha niya na problemado talaga siya.

"Sino? Si Cindy na ba?"

"Of course not. Hindi ko 'yun papatulan. Alam mo 'yan."

"Eh, sino nga? Ah, alam ko na. Si Jasmine o si Karen?"

"Who's Jasmine?"

"'Yong bagong lipat sa school? 'Yong pang model ang datingan?"

"You jerk. Hindi ko pa nga kilala ang babaeng 'yon. Natira ko agad?"

"Malay ko ba. Baka lihim na pala kayong nagtatagpo. Hindi ko lang alam. Type na type ka niyon kaya."

"Hindi nga. Wala sa kanila." Nagulo-gulo ulit ni Andy ang buhok. Parang nagsulputan ang madaming kuto roon kung makakamot siya.

"Huh?" Kahit si Patrick ay parang namoblema na rin. "If it's not with them, then who?"

Napapikit siya at napatungo ng ulo. Kung puwede lang sanang sabihin kung sino para gumaan ang dibdib niya, ang kaso ay hindi puwede dahil siguradong sangkatutak na kantyaw ang gagawin sa kanya ni Patrick. Furthermore, he wants to protect Yolly. He doesn't want Yolly to be bullied again.

"Basta ba maganda okay na 'yon. May nangyari man o wala, wala na 'yung problema. Huwag mo lang mabuntis."

Sa sinabi ni Patrick ay mas parang nagulo ang lahat sa kanya. "Mabuntis?"

"Oo. Sigurado namang may protection ka, 'di ba?"

Parang maiiyak na siya na marahas na napatayo at napamaywang at nakulumos ang mukha. "Dude, wala! Wala akong ginamit!"

"T*ngna! Sigurado ka?"

"Oo dahil hindi ko naman alam na mangyayari 'yon. Nagkakatuwaan lang kami at wala akong balak na ganoon."

"Paktay kang bata ka niyan."

"Aaaahhh!" Parang sasabog na talaga ang ulo niya na napasabunot. Hindi na maipinta ang mukha niya. Hindi pwede. Hindi pwede na mabuntis niya si Yolly.

LUNES. Kagat-kagat ni Yolly ang pang-ibabang labi niya habang nakatayo sa may gitna ng malaking gate ng kanilang school. Hindi niya maihakbang papasok ang kanyang mga paa. Paano kapag magkita sila ni Andy? May mukha pa ba siyang ihaharap sa kanya?

"Pero dapat magkausap kayo. Hindi puwede na balewalain niyo na lang ang nangyari," sermon na naman ng kanyang sarili sa kanya.

"Pero nakakahiya," sagot niya na napapangiwi.

Nagtatalo na sila ng kanyang konsensya.

Nagtataka tuloy ang isang guwardya na nakatingin sa kanya. Nagmumukha siyang baliw sa paningin nito dahil nagsasalita siyang mag-isa.

Siniko ng guwardya ang kadarating na si Leandro at inginuso si Yolly. "Pare, 'yung crush mo."

"Huh?" Nagtakang napatingin si Leandro sa dalagang nakatayo sa gate. "Ano'ng ginagawa niya pa r'yan? Magsisimula na ang klase nila, ah?"

"Kanina pa siya diyan, eh. Tapos kinakausap ang sarili. Nababaliw na yata."

Salubong ang mga kilay na inobserbahan muna ni Leandro ang dalaga. Mukha ngang baliw na si Yolly kaya naman kahit alanganin ay lumapit na siya rito.

"Yolly, may problema ba?"

"Kuya, ikaw pala, wala naman po."

Aray! Ayon na naman 'yung sakit sa dibdib ni Leandro dahil parang pinalakol ang puso niya. Tinawag na naman kasi siyang kuya ng dalaga. Hindi ba talaga halata na magkasing-edad lang sila halos?

"Sige po." At iniwan na naman siya ni Yolly na parang wala lang. Nagtatakbo na ito papasok ng campus.

Napabuntong-hininga na lang si Leandro na nakatanaw sa dalaga.

"Natameme ka na naman," tukso ng kasamahan niya sa kanya.

"Wala, eh. May gusto talagang iba kaya hindi ako napapansin."

"At sino naman?"

Laylay ang balikat na iniwasan ni Leandro ang kasama. Ayaw niyang gumawa ng tsismis. Nagtungo na siya sa guard house para makapagpalit ng uniform. Ten minutes na lang ay duty na niya.

"Sino nga?" pero pagpipilit ng kasama niyang tanong. Sinundan talaga siya.

"Huwag mo nang alamin," aniya habang binubuksan ang kanyang locker.

Natawa ang guwardya. "Sige, pero huwag kang mag-alala dahil kahit may gusto siya ay sigurado namang hindi siya magugustuhan ng gusto niya. Ikaw lang naman ang nagkakagusto sa pangit na 'yon, eh. Ewan ko ba naman kasi sa 'yo. Guwapo ka naman ang kaso parang wala ka nga lang taste sa babae."

Sa inis ni Leandro ay hinawakan niya ang baril na nasa locker niya. "Gusto mong matikman ang unang bala nito, Max?"

Biglang nataranta ang makulit na guwardya. "Oy, Pare, biro lang. Love is blind nga naman, 'di ba? Kaya naiitindihan kita."

Tiningnan muna ito nang masama ni Leandro bago pinaalis. Kahit anong sabihin ng ibang tao ay maganda si Yolly sa paningin niya. Hindi lang siya napapansin ni Yolly sapagkat hindi naman siya nagpapansin dahil nahihiya pa siya. Pero darating din ang tamang panahon na ipapakita niya rin kay Yolly ang malaking paghanga niya.

SA LOOB ng campus ay yukong-yuko ang ulo ni Yolly habang naglalakad. Takot siya. Takot siya na baka magkasalubong o magkita man lang sila ni Andy.

Dire-diretso siya hanggang classroom ng first subject niya. Nga lang hindi pa rin talaga maiiwasan na magkita sila ng binata dahil nakalimutan niya na magkaklase nga pala silang dalawa sa subject na iyon.

Pagpasok pa lang niya ay agad na nagsalubong ang tingin nila ni Andy. Yay!

Ang nakapagtataka, imbis na siya ang maunang mag-iwas, sa pagkakataong iyon ay si Andy ang nauna.

Namasa ang kanyang mga mata. Naramdaman niya na parang may tumarak na kutsilyo sa puso niya. Ang sakit niyon.

Gano'n? Pagkatapos ng nangyari dedma na? Parang hindi na ulit siya kilala?

Gusto niya itong lapitan at bulyawan pero biglang dumating na ang prof nila. Wala na siyang nagawa kundi ang umupo na sa upuan niya. Sinikap na huwag na lang lingunin ang binata kahit hirap na hirap ang kalooban niya.

Naiiyak pa rin siya. Pigil na pigil lamang niya ang sarili. Nasasaktan siya na hindi niya maintindihan.

Ano 'yon? Halos tatlong araw lang na pagkakaibigan, tapos na agad? Porke may nangyaring gano'n?

Kamuntikan na siyang mapasigaw sa sobrang inis.

Ang hindi niya alam ay pasimple-simpleng sulyap sa kanya si Andy, na tulad niya ay hindi rin nito maintindihan kung ano ang nararamdaman.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon