Part 35

240K 4.3K 322
                                    

Medyo nanibago si Andy sa kuwarto na namulatan niya pagkagising niya kinaumagahan. Naroon kasi siya sa simpleng silid at pambabae pa kaya bahagya siyang napangiwi. Buti na lang at naisip niya agad na nandoon nga pala siya sa silid ni Yolly, dahil kung hindi, ay baka naghestirikal na siya sa kaisipang baka kung saang silid ng babae na naman siya nakatulog.

Napangiti na siya at nag-inat. What a beautiful morning. Walang nag-aaway na ang aga-aga na Mommy at Daddy niya.

Babangon na dapat siya, pero dahil nabalingan niya ng tingin si Yolly na tulog sa may sahig, ay hindi niya itinuloy. Natatawa siyang balik-higa patagilid at ginawang unan ang kanyang mga kamay. Pinagmasdan muna ang dalaga. Natatawa rin siya sa ginawa niya rito kagabi.

Hanggang sa sumeryoso siya. Napansin na naman kasi niya ang nakatagong ganda ni Yolly. Wala ang salaming malaki ngayon nito kaya kita na naman niya ang simpleng ganda ng dalaga. Tingin niya konting ayos lang dito ay magiging mas maganda ito.

Kumilos si Yolly at napakamot sa pisngi nito.

Lalong napangiti si Andy. Napakainosente kasi tingnan ni Yolly ngayon, parang isang bata na natutulog. Pero hindi naman as in bata, dahil nang bumaba ang tingin niya sa may bandang dibdib ni Yolly, ay maumbok na iyon at masasabi niyang hindi na nga inosente si Yolly, mukhang inosente lang.

Dalaga na si Yolly kasi buo na ang malulusog na dibdib nito. Nang bumaba pa ang tingin niya'y, namangha siya sa liit ng baywang nito. Kahit nakaharap si Yolly sa kanya na tulog ay alam niyang medyo maumbok din ang pwetan ni Yolly.

In short sexy si Yolly at maganda. Hindi lang ipinapakita ng dalaga dahil itinatago nito ang lahat ng iyon sa pagkamanang na mga kasuotan at hitsura.

"Sh*t!" Natigilan si Andy sa pagpapantasya sa dalaga nang bigla-bigla ay nagdilat ng mga mata si Yolly. At kitang-kita ni Yolly na tinitigan niya ang balakang nito kaya naman nagwala agad ang dalaga.

"Bastos!" Palo ni Yolly ng unan sa kanya.

"Aray ko!" Sapol ang mukha niya.

"Walanghiya ka!" Galit na bumangon si Yolly at sinakyan siya sa tiyan, pinagbubugbog.

Wala silang kaalam-alam na habang nagbubugbogan sila ay pumarada ang kotse ni Cindy sa tapat ng bahay nila, at dahil nakalimutan ni Aling Yolanda na i-lock ang gate kamamadali nitong mamalengke kanina ay walang kahirap-hirap na nakapasok ang dalaga sa loob ng bahay.

Dinig na dinig ni Cindy ang away nila.

"Ump! Ump! Ump!" boses ni Yolly.

"Tama na! Tama na! Masakit na!" angal naman ni Andy.

Kaya lang ay iba ang naging dating niyon sa pandinig ng dalaga. Nakuyom ni Cindy ang mga kamao nito.

"Mga bastos!" sabi nito na napatiim-bagang at sumugod sa silid na iyon. "Mga hayup kayo!" at bulyaw nito agad sa dalawa nang bumungad siya sa pintuan.

Natigilan sa pag-aaway sina Yolly at Andy. Takang-taka na napatingin sila kay Cindy na bigla na lang pumasok.

Si Cindy ay mas hindi mailarawan ang naging reaksyon nang makita sila. Si Yolly pa talaga ang nasa taas ni Andy.

"Mga kadiri kayo! I hate you! I hate you!" pagsugod na ni Cindy. Sinabunutan nito si Yolly.

"Baliw ka!" Hindi tulad dati, nanlaban na rin si Yolly. Sila na ni Cindy ang nagbugbugan.

Andy was shocked. What was happening didn't immediately sink in his mind.

"Malandi ka! Malandi ka!" sigaw ni Cindy na gigil na gigil kay Yolly.

"Sira-ulo ka! Sira-ulo ka!" sigaw naman ni Yolly.

Nagpambuno ang dalawang dalaga sa kama. Noon na natauhan si Andy na nag-aaway pala ang dalawa. Na inaaway ni Cindy si Yolly na... na buntis. F*ck!

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon