Part 74

226K 3.7K 101
                                    

"Dalhin mo na lang sa silid ko ang pagkain ko mamaya, 'Ya," matabang na bilin ni Andy kay Yaya Chadeng. Tiningnan niya ng masama si Yolly bago niya sila iniwanan.

"Andy?" tawag ni Yolly sa binata, pero parang walang narinig si Andy. Magpapasalamat lang sana siya dahil kahit galit ito ay sinundo pa rin siya nito.

Tinapik ni Madam Angie ang balikat niya. "Hayaan mo na 'yon, Yolly. Ang importante nandito ka na. Bukas ka na mag-umpisa na kunin ulit ang loob niya."

"Opo," sagot niya na nakasunod pa rin ang tingin kay Andy kahit wala na ang binata. Tuluyan nang nakapasok sa silid nito. Nakakalungkot lang talaga kasi.

"Yaya Chadeng, magluto ka ng masarap ng dinner natin. Yolly, samahan kita sa magiging silid mo para makapagpahinga ka konti."

MAYAMAYA ay nasa sa isang silid na nga si Yolly ng bahay nina Andy kaya naman tumayo na siya sa wheelchair at nag-inat-inat. Nakasara naman ang pinto kaya sinamantala na niya. Nakakangawit din kaya ang nakaupo lang ng ilang oras.

Napabuntong-hininga siya na sinipat-sipat muna ang magiging silid daw niya na guest room kung tawagin ni Madam Angie.

"Ang ganda naman dito," naibulalas niya. Pangmayaman talaga kasi ang hitsura ng silid at may aircon pa. Pero mas natuwa siya sa kama na sobrang lambot. Umupo siya sa gilid n'on at niyugyug-yugyog. At nang hindi makuntento ay umakyat pa siya sa ibabaw at nagpatalon-talon na parang bata. At noong mapagod ay nagpagulong-gulong naman siya ng higa. Ang saya-saya niya. Ngayon lang siya nakahiga ng ganoong kalambot na kama. Tapos ay padipa siyang nahiga, hingal na hingal siyang nakangiti. Buti na lang at pumayag pala siyang tumira roon, kahit minsan lang ay maranasan naman niyang makatira sa isang mansyon. Ang sarap!

Pero nang may maisip siya ay napaupo siya sa ibabaw ng kama. Napahawak siya sa baba niya. Naisip niya kasi na kung ganito kalambot ang kinahihigaan araw-araw ni Andy, paano kaya nito natiis noon na humiga sa sahig sa kuwarto niya?

Napalabi siya. Ngayon siya nakaramdam ng hiya sa binata. Akalain mong natiis ni Andy ang simpleng bahay nila?

Nawala lang siya sa pag-iisip nang may nag-text sa cellphone niya, at si Leandro ulit.

BUSY KA? -text nito na kanyang nabasa.

Re-reply-an niya sana agad ito, pero sumagi ulit sa isip niya si Andy. At natanong ulit sa sarili niya na paano nga kaya natiis ni Andy ang bahay nila noon?

Nagpasya siyang si Andy muna ang ite-text niya. May tinipa siya na mensahe para sa binata pero binura rin niya kasi parang ang dyahe yata. Hihingi sana siya ng dispensa pero bakit naman? Eh, di ba si Andy naman ang may gusto na tumira sa bahay nila noon?

Nagulo-gulo niya ang buhok niya, pagkuwa'y itinumba ang sarili sa malambot na kama. Kainis. Bakit ba siya nakakaramdam ng hiya? Porke't nakita na niya kung anong klaseng buhay meron talaga si Andy. Na malayong-malayo ito sa buhay nila. Ano naman ngayon? Hindi naman nagreklamo si Andy sa bahay nila noon, 'di ba? Masaya pa nga yata iyon noon sa bahay nila, eh.

Bumangon ulit siya kasabay ng pagbuntong-hininga niya at napatitig sa cellphone. So, ano'ng ite-text niya kay Andy?

Kumibot-kibot ang labi niya tapos ay parang may kusang buhay na ang mga daliri niya na nag-type ng mensahe para kay Andy.

SAMANTALA, hindi maka-get over si Andy sa mga nangyari. Pakiramdam kasi niya ay naging uto-uto siya sa harapan ng mommy niya, sa yaya niya at higit sa lahat sa harapan ni Yolly. Kainis talaga sila!

Kung nakailang buga siya ng hangin sa bunganga ay hindi na niya mabilang. Inis na inis talaga siya.

Tapos imagine siya pa itong nagkukulong ngayon sa silid niya maiwasan lang ang Yolly na iyon. Parang may mali talaga, eh.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon