Part 14

285K 5.3K 175
                                    

Napahawak sa kanyang ulo si Yolly. Naramdaman agad niya paggising niya na masakit ang kanyang ulo. Para ba'y mabibiyak.

"Ano bang nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" paungol niyang sabi sabay bangon.

Ngunit anong dilat ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may mabigat sa kanyang ibabaw. At bunbunan ng isang lalaki ang kanyang unang nasilayan.

May nakadagan sa kanya!

"Aaahhh!!" awtomatiko na malakas na sigaw niya kasabay nang buong lakas niyang pagtulak sa sinumang lalaki na iyon.

"Oy!" Biglang balikwas ng bangon ang lalaki na nakahiga sa kanyang ibabaw. Subalit hindi agad ito nakabangon dahil nagkatumba-tumba ito sa sobrang pagkataranta. Muntik pang nahulog ito sa kama.

"Eiiihhh!" tili ulit ni Yolly nang makitang wala sila parehas pang-itaas na saplot ng lalaki. Agad niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan ang kanyang nakapang kumot.

Takang-taka na nagkatinginan sila ng lalaki. Lalaki na si Andy pala! Holy sh*t!

"A-Andy?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Tapos ay bumaba ang tingin niya sa pang-ibaba ng binata. Namilog ulit ang mga mata niya dahil naka-brief lang si Andy. Bukol na bukol ang nakatago roon na matigas.

"Woaahh!" Hanggang ulo na ang ginawa niyang pagtalukbong sa kumot. Para ba'y tutuklawin siya ng ahas na nasa loob ng brief ni Andy anumang oras.

"F*ck!" Agad itinakip naman ni Andy ang dalawang kamay nito sa maumbok nitong kuwan.

"Ano'ng ginawa mo?!" hestirya na ni Yolly.

"I... I don't know!" naguluhan ding sagot ni Andy. Nagulat din kasi siya nang makitang nasa isang silid sila, at hula niya ay silid ni Yolly ang kinaroroonan. Pero paanong nangyari? Ang natatandaan niya ay sa sala sila natulog. Bakit o paano sila napadpad doon?

"I hate you! I hate you!" Nang ibaba ni Yolly ang kumot ay pinagbabato niya ng mga unan si Andy. Umiiyak na siya.

"Teka! Teka lang, Yolly!" Umilag-ilag si Andy.

"Kinuha mo ang pagkabab*e ko na hindi ka man lang nagpapaalam! You r*ped me! Pervert! Pervert ka!"

"R*pe talaga?" Napangiwi si Andy.

"Oo! Hayup ka! Ang sama mo! Akala ko ay mabait ka! Rapist ka pala! Rapist!"

"Teka lang, Yolly! Huminahon ka nga muna!" pilit na pagpapakalma ni Andy sa dalaga kasi wala talaga siyang maalala na may nangayari sa kanila. His last memory was that they had dozed off in the living room. Iyon lang talaga. Mamatay man.

"I hate you! Isusumbong kita kay Nanay!" Parang bata na nag-iiyak na si Yolly.

Bago ang lahat ay hinanap muna ng tingin ni Andy ang mga damit niya. Nakita niya ang mga iyon sa sahig. Agad niya iyong mga pinagdadampot at habang isinusuot ay kinakausap niya ang dalaga.

"Relax lang, Yolly. Mag-isip muna tayo kasi wala talaga akong maalala na nangyari sa atin."

'Yung picture frame ang dinampot ni Yolly at ibinato niya iyon sa binata. "At sinasabi mo ngayon na walang nangyari sa 'tin! Hinayupak ka!"

Buti na lang at naiwasan ulit iyon ni Andy kundi sira ang kaguwapohan niya. Phew!

Zeeniper niya ang pantalon at lumapit kay Yolly. Dinampot niya ang mga damit ng dalaga at inabot dito. "Magbihis ka muna."

Ragasa ang luha sa mga mata ni Yolly na kinuha at isinuot nga ang mga iyon.

"Relax lang, ha? Huwag kang mag-isip muna ng kung ano-ano," ani Andy habang naghihintay na makabihis siya.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon