Part 69

202K 3.7K 427
                                    

"Patrick, wait..." Pinapahinto ni Cindy ang mabagal pang pag-andar ng kotse ni Patrick paalis sa bahay nina Andy.

"Why?"

"Look, it's Tita Angie." Itinuro ni Cindy sa bumabang madam sa kotse. Kita nila ang pagbaba rin ng isang babae na maganda, na kasing edad din yata nila. Tapos ay may binaba silang wheelchair, saka umupo roon ang magandang babae.

"Kilala mo siya?" tanong ni Karen kay Cindy.

Umiling si Cindy na hindi inaalis ang tingin kina Madam Angie. "No."

"Who's she? Ngayon ko lang din siya nakita, eh," saad naman ni Patrick. "Baka ipapakilala ni Tita Angie kay Andy kasi wala na sina Yolly at Andy."

"Shut your f*cking mouth up!" pagtataray rito ni Cindy. "Hindi pwedeng magreto ng iba si Tita Angie kay Andy! Andy is mine!"

Natigil sa pag-uusap ang tatlo nang makapasok na sa loob ng bahay sina Madam Angie at ng babaeng hindi nila kilala.

"Aisst, tara na nga. Bumalik na lang tayo next time 'pag okay na si Andy." At pinaharurot na nga ni Patrick ang kotse nito kahit na umangal si Cindy.

********

GALIT at malalaki ang hakbang na lumapit si Andy sa pinto kung saan naroon sina Madam Angie at Yolly.

Ang kabog sa dibdib ni Yolly ay halos marinig na niya. Grabe ang kaba niya. Ano ba kasing nakain niya at pumayag siya sa ideang ito ni Madam Angie? Jusko! Kapag siya napatay ni Andy. Promise, mumultohin talaga niya ang nanay niya at si Madam Angie. Promise talaga!

"Sabing ano'ng ginagawa mo rito?!" malakas na boses ni Andy na muntik nang sakmalin siya, pero buti na lang at mabilis na hinarangan ito ni Madam Angie. Tumayo si Madam Angie sa harap niyang nakaupo sa wheelchair kaya napatigil si Andy.

Muntik na siyang mapatayo kanina para umilag. Buti nakontrol niya ang sarili kundi buking na sana sila. Sapagkata ang totoo ay nakakatayo naman siya. Kunwari lang ang pag-upo niya sa wheelchair. Kasama sa plano ng madam ang kunwari ay pilay siya.

"Andy, ano ba!" bulyaw ni Madam Angie sa anak. "I didn't raise you to be rude to women! Parang wala kang modo at pinag-aralan!"

Napasinghap sa hangin si Andy. Nagngingitngit ang kalooban niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa naninikip niyang paghinga dahil sa galit. Hirap na hirap siyang kontrolin ang sarili. "Ako pa ngayon ang walang modo?! Ako ang naloko rito, Mom! Ako!"

"Pero hindi sapat 'yon na tratuhin mo si Yolly ng ganito dahil lang sa pagkakamali niya! Hindi niya alam na hindi rin siya buntis at natakot lang siya na sabihin sa iyo! Ilang beses ba namin 'yon sasabihin sa 'yo?!" Duro ni Madam Angie sa anak.

Pero lalong naningkit ang mga mata ni Andy. "Basta paalisin niyo ang babaeng 'yan! I don't want to see her ever again!"

"No!" mas malakas na bulyaw ni Madam Angie. "Ikaw nga nakitira sa bahay nila! Tinanggap ka nila at trinato ng maayos tapos ganito ang isusukli mo sa kanila?! Mahiya ka naman, Andy!"

"Basta paalisin niyo ang babaeng 'yan kung hindi kakaladkarin ko 'yan palabas!" ngunit giit pa rin ng galit na binata.

Napayuko ng ulo niya si Yolly. Grabe parang gustong sumabog ng puso niya. Naiiyak na naman siya.

Habang si Yaya Chadeng ay hindi alam ang gagawin. Sa tuwing aaluin nito ang alaga ay napapaurong naman dahil natatakot ito.

"Fine, kick him out! Go ahead! Show her that you were not raised with any manners!" hamon din ni Madam Angie sa anak.

Naglaban ang tinginan ng mag-ina. Doon na hindi nakatiis si Yaya Chadeng. "Madam, Andy, mag-usap kayo ng maayos."

"Huwag kang makialam dito, 'Ya!" ngunit hindi tumitingin na saway ni Andy sa matanda.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon