Part 8

307K 6.2K 341
                                    

"Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.

Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan.

"Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito.

"You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly.

"Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice." At nagtatawa ang dalaga.

Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!

"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "

Nagtatawa ulit si Yolly.

"Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito.

"Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito.

"Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na kasi ni Yolly. Para siyang humihila ng kalabaw, eh, ang liit lang naman nitong babae o payatot.

"Sige na kasi." Niyugyog nang niyugyog pa nito ang manggas ng kanyang polo.

"Hindi na nga. Nandito na tayo sa bahay niyo. You better go to sleep. May klase pa tayo bukas."

"Ayoko pa nga," giit ni Yolly pero pagkasabi niyon ay ang pagbagsak naman na nito. Buti na lang at nasalo ulit niya ito.

Napailing siya. Wala talaga kapag malasing ang babae kawawa kung ogag ang nasamahang lalaki. Tsk!

"Oh, ano kaya pa?" natatawang kantyaw niya sa dalaga. Iniyakap niya ito sa sarili niya para hindi matumba. Subalit ngumuyngoy naman ang ulo ni Yolly at tuluyan nang nahulog ang malaking salamin nito sa mata. Wala sa loob na napatitig tuloy siya sa mukha ng dalaga. At hindi niya naiwasang humanga. Maganda pala si Yolly kung walang salamin. Matangos ang ilong nito, maliit ang bibig, at heart shape pala ang mukha nito kung titigan.

Ang ganda niya pala!

KINABUKASAN. Kung anuman ang nangyari pa sa gabing iyon ay walang maalala si Yolly. Basta nagising na lang siya na nasa silid na niya siya at masakit na masakit ang kanyang ulo.

"'Nay?"

"Oh, buti at nagising ka na. Alas otso na."

Biglang balikwas siya ng bangon. Alas nuebe kasi ang pasok niya ngayon sa klase.

"'Nay, bakit naman hindi mo ako ginising ng maaga?" Hablot agad siya sa tuwalya niya.

"Aba'y akala ko kasi'y hindi ka papasok. Umuwi ka ba naman na lasing na lasing kagabi. Pasalamat ka at nagpaliwanag sa akin 'yong lalaking kasama mo at nakiusap na huwag kang pagalitan dahil kung hindi ay kakalbuhin kitang bata ka!"

Natigilan si Yolly. Oo nga pala, nag-inuman sila ni Andy kagabi at ang saya-saya nila. Subalit hindi na niya maalala kung paano siya nakauwi.

"Tingnan mo nga 'yang mata mo. Mugtong-mugto kasi para kang bata na iyak nang iyak nang aalis siya."

Awtomatiko na napatingin siya sa salamin. "Woah! Paano ako papasok nito, 'Nay?" at parang maiiyak niyang atungal dahil ang laki pala ng mga eyebags niya. Namumutok.

"Ay, ewan ko ba sa 'yo at naglasing ka. Buti na lang at mabait 'yung kasama mong lalaki? Ano siya boyfriend mo? Inihatid ka niya kagabi, eh."

"Si Andy po? Inihatid niya po ako?" Ngayon lang pumasok sa pang-unawa niya ang mga pinagsasabi ng ina. At sobrang napangiwi na siya. Naku naman, nakakahiya kay Andy.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon