Part 64

179K 3.5K 40
                                    

"Yolly, ano ba 'tong ginagawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Pinagalitan agad siya ni Madam Angie nang makapasok sila sa pinaka-office nito sa Jewelry Shop.

Nahihiyang napayuko ng kanyang ulo si Yolly.

"Sit down at mag-usap tayo," anang pa ng mayamang ginang na halatang disappointed sa gusto niyang mangyari.

Umupo naman siya. Gayundin si Madam Angie. Magkaharap silang dalawa. Ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa mabait na Madam.

"Yolly, huwag mong ibabalik 'yan kahit na ano'ng mangyari," sabi pa ng Madam sa madiin na boses.

Nag-angat siya ng kanyang ulo. "Tita, wala naman na po 'yang halaga na kasi—"

"No. Don't say that dahil gagawin ko ang lahat magkabati lang kayo ng anak ko. Alam mo naman na mahalaga ka na sa 'kin, Yolly. Ikaw lang ang gusto kong makatuluyan ng aking anak."

SI ANDY, PAAKYAT NA NG ESCALATOR NG MALL.

Sobrang na-touch si Yolly sa sinabing iyon ni Madam Angie. Subalit, lalo lamang siyang nasasaktan.

"Please, Yolly, keep that ring. Hangga't hindi pa 'yan kinukuha ni Andy ay may pag-asa pa kayo na magkabati. Maniwala ka," pagsusumamo ni Madam Angie sa kanya. Itinikom nito ang palad niya kung saan naroon ang singsing.

"Pero, Tita, kasi... kasi nahihirapan lang ako kapag nakikita ko ito sa daliri ko. Naalala ko ang kabutihan ni Andy sa 'kin. Nasasaktan lang po ako." Kinuha niya ang isang kamay ni Madam Angie at inilagay roon ang singsing.

Tumayo si Madam Angie at buong pagmamahal na ipinatayo rin siya at maluwang siya nitong niyakap.

Gusto na niyang mapaiyak. Pigil na pigil lang niya ang damdamin.

Kumawala rin naman agad si Madam Angie sa pagkakayap sa kanya. "Magtiwala lang tayo. Maaayos din ang lahat, Yolly."

SI ANDY, NAGLALAKAD NA PAPUNTANG JEWELRY SHOP.

"Alam ko na nahihirapan ka pero sana, Yolly, magpakatatag ka. I know and believe he will forgive you soon. Sa ngayon ay bigyan mo muna siya ng panahon para makapag-isip-isip." Inilagay ulit ni Madam Angie ang singsing sa palad niya. "Isuot mo lamang ito at umasa."

Natitig siya sa singsing. Paraan din niya para maitago ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil parang may pumipiga-piga sa puso niya. Gustuhin man niyang kumapit para sana kahit paano ay ma-save niya ang pinagsamahan nila ni Andy tulad ng sinasabi ni Madam Angie, subalit ay paano? Gayong alam niyang sukdulan ang galit sa kanya ng binata. Baka nga kapag nakita siya nito ngayon ay mapatay pa siya nito, eh. Walang kapatawaran ang nagawa niyang pagsisinungaling kaya hindi niya alam kung paano niya susundin ang sinasabi ni Madam Angie.

"Please, Yolly, don't give up on him. Just give him time to heal. Kung ayaw mong isuot ay itago mo muna 'yang singsing na 'yan. Hangga't hindi niya binabawi 'yan ay may pag-asa pa tayo. Maniwala ka sa akin."

SI ANDY, PUMASOK NA SA JEWELRY SHOP AT KINAUSAP NA SI MISS MYRA.

Gusto na sana talagang maniwala ni Yolly kay Madam Angie, pero sinikap niyang pigilan ang sarili. Hindi! Imposible na mapatawad pa siya ni Andy!

Sige, oo, pwede 'yon mangyari pero 50/50. Isa pa sa nagawa niya ay wala na talaga siyang mukhang ihaharap pa kay Andy. Tama na na natapos na ang kuwento nila na ganito. Una pa lang ay hindi naman na talaga sila bagay ni Andy.

Ibinalik pa rin niya ang singsing kay Madam Angie. "Sorry po," at tanging nasabi niya sa puntong iyon.

"No, Yolly, please. I beg of you." Pero ibinalik ulit iyon sa kanya ni Madam Angie.

SI ANDY, HAWAK NA ANG DOORKNOB NG PINTO NG OFFICE NG KANYANG MOMMY. MAY BISITA RAW ITO SABI NI MISS MYRA PERO HINDI NA SIYA KUMATOK. BINUKSAN NA NIYA ANG PINTO.

"Sige na po. Pakibalik na lang po ito sa kanya para makapagsimula ulit kami ng panibagong buhay," pamimilit pa rin ni Yolly kay Madam Angie. Nakapagdesisyon na talaga siya na ibalik ang singsing.

"No. Hindi ko magagawa ang gusto mo, Yolly," pagtanggi pa rin naman ni Madam Angie.

Nagbalik-balikan sila sa singsing hanggang sa nahulog iyon at gumulong iyon sa paanan ni Andy na nakapasok na sa office. Saktong-sakto.

At shock parehas sina Yolly at Madam Angie nang makita nila ang pamilyar na rubber shoes na tinigilan ng singsing. Nanlalaki ang mga mata nilang itinaas nila ang tingin nila hanggang madako sa seryosong mukha ni Andy na nakatingin sa kanila. Awtomatikong namutla ang mukha nilang dalawa. Para silang nakakita ng multo.

Si Yolly, animo'y nabuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig ang hitsura. Nanlamig siya nang magsalubong ang tingin nila ng binata. Oh, god, ito na ang kinakatakutan niya!

Si Madam Angie ang kumilos upang sana ay madaling damputin ang singsing at maitago kay Andy. Kaya lang ay yumukod na si Andy at dinampot na nito ang singsing.

Makikitang nakusot muna ang guwapong mukha ni Andy bago ito tumingin sa kanila. Nakikilala nito ang singsing. Ang singsing ni Yolly. 

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon