Part 67

214K 3.6K 103
                                    

Kumurap-kurap si Yolly. Nagigising na siya. At bahagya siyang nasilaw sa puting kisame ng silid na kinaroroonan niya kaya napapikit din siya uli.

"Yolly, 'Nak? Kumusta ang pakiramdam mo?" boses ng kanyang Nanay.

"Wake up na, iha. Sige na," malumanay na boses din ni Madam Angie.

"Doc! Doc! Nagigising na ang anak ko!" Narinig niya pang tawag ng Nanay niya ng doktor.

Dahil doon ay napagtanto niyang nasa isang silid siya ng ospital. Naalala na niya ang nangyari na pagpapabangga niya sa kotse ni Andy, huwag lang umalis ang binata at makapag-usap sila. Kaya lang ay napuruhan siguro siya kaya naroon siya ngayon sa ospital.

Nagmulat na siya ng mga mata. Naroon nga ang Nanay niya at si Madam Angie. Kapwa sila nakangiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa mga ito. Wala naman siyang nararamdaman na masakit sa katawan niya, eh. Parang nanghihina lang siya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ng Nanay niya habang hawak nito ang isang kamay niya.

"Okay lang ako, 'Nay," mahinang sagot niya na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi para hindi na mag-alala sa kanya ang ina. Pero nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay nawala unti-unti ang mga ngiting iyon dahil hindi niya nakita ang taong gusto niyang makita.

Si Andy.

Wala na ba talaga itong pakialam sa kanya? Sabagay sino naman kasi ang taong may pakialam sa taong kinagagalitan niya ng lubos?

Aisst! Asa pa kasi siya.

"Sorry, Yolly, pero nasa bahay si Andy," pagbibigay alam sa kanya ni Madam Angie. Nahalata siguro nito na may hinahanap siya sa silid.

Pilit na ngumiti siya sa mabait na Mommy ni Andy.

"She just need to rest. Wala na po kayong alalahanin sa kanya," sabi ng doktor na sumuri sa kanya kaya nakahinga na ng mabuti sina Aling Yolanda at Madam Angie.

"Salamat, Doc," pasasalamat dito ni Aling Yolanda.

Aalis na sana ang doktor pagkatapos ngitian si Aling Yolanda pero biglang nagsalita kasi siya kaya tumigil ito. "Doc, okay lang ba na umuwi na ako? Okay naman na ako sabi mo po, 'di ba?"

"Yolly, ano ka ba!" saway sa kanya ng Nanay niya.

"Puwede naman, iha, pero bukas na lang para magbalik muna ang lakas mo. Mas mainam na magpahinga ka muna." At iniwan na sila ng doktor.

"Ikaw talaga! May lakad ka ba at nagmamadali kang lumabas?! Kagigising mo lang, eh!" sermon agad ni Aling Yolanda sa kanya nang wala na ang doktor.

Lumabi lang siya sa Nanay niya.

"Yolly, ano bang nangyari at bakit nabangga ka? Nakilala mo ba 'yong nakabangga sa 'yo?" Si Madam Angie.

Maang na napatingin siya sa madam, pagkatapos sa Nanay niya. Kung gano'n hindi nila alam ang nangyari?

"Oo nga, Anak. Nasa'n ba si Andy noon? Dahil ba sa paghabol mo sa kanya kaya ka nabangga?" tanong din ng nanay niya.

"H-hindi ko po alam, eh. Ang bilis po kasi ng pangyayari," pagsisinungaling niya na napapakunot-noo. "Eh, 'Nay, sino raw po ang nagdala sa 'kin dito sa ospital?"

"Iyong isang guwardya raw ng mall. Kakaiba nga ang pangalan, eh, Siraulo K. Tangapa. Pangalan ba 'yon? Pero buti may isip at sinabihan 'yong isang nurse na tawagan ako at nalaman kong nandito ka."

Napakunot-noo siya lalo. "Tinawagan kayo ng nurse?"

"Oo."

"Alam niya ang number mo?"

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon