Part 68

201K 3.5K 127
                                    

"Tita, magsisinungaling ulit ako? Ayoko na po, Tita," protesta ni Yolly kay Madam Angie. Pinagpipilitan pa rin kasi ng mayamang ginang ang idea nitong magpanggap siyang napuruhan para sa bahay nila muna siya titira.

"Oo nga, balae. Saka kahit naman papalabasin natin na napuruhan si Yolly sa aksidente, eh, nandito naman ako na mag-aalaga. Hindi pa rin makatotohanan. Baka lalong magalit lang si Andy sa kanya," segunda ni Aling Yolanda sa sinabi niya. Hindi rin pabor ang nanay niya sa idea na iyon.

"Pero paano sila magkakabati kung magkalayo sila, balae?" namoblemang saad ng madam.

Nagkatinginan sina Aling Yolanda at Yolly. Nata-touch sila sa ginagawang effort ni Madam Angie. Hindi nga sila makapaniwala dahil sino ba naman sila para pag-aksayahan ng panahon ng madam, na kung tutuusin ay mas may mga karapat-dapat nga itong maging balae at manugang na mayaman din tulad din nito.

Nang bigla ay napapitik sa ere si Madam Angie. "Alam ko na. Palabasin natin na nasunog ang bahay niyo at wala kayong titirhan."

Napangiwi silang mag-ina. Sunog talaga? Ay, Diyos ko!

Ninerbyos si Aling Yolanda. Huwag naman sana magkatotoo dahil pinaghirapan ng asawa nito ang bahay nila sa pag-a-abroad.

"Hindi puwede?" nakangiwing tanong ni Madam Angie sa kanila.

Sabay na umiling silang mag-ina.

"Eh, kung sabihin nating nanakawan kayo at wala na kayong mga gamit?"

Sabay na umiling ulit sila ng nanay niya. Buyag! Buyag! Huwag sana magkatotoo!

"Eh, kung sabihin nating naaksidente ka rin, balae?" pagpipilit pa rin ni Madam Angie.

Sabay na umiling ulit sila. Napa-sign of the cross pa si Aling Yolanda habang maasim ang mukha nito.

"Diyos ko! Gusto ko pong magtagal ang buhay ko! Buyag buyag ulit!" sa loob-loob nga ng ginang.

Magsa-suggest pa sana si Madam Angie pero inunahan na ito ni Yolly. Nakakikilabot na kasi ang naiisip, eh.

"Uhm, Tita, huwag na lang po. Okay na po ako na ganito kami ni Andy. Darating din naman siguro ang panahon na mapapatawad din naman siguro niya ako. Huwag muna nating ipilit sa ngayon."

Sa sinabi niyang iyon ay napabuntong-hininga ng malalim si Madam Angie, na parang sinasabi nitong, 'Sige na nga'.

Pero nang may tumawag sa cellphone ni Aling Yolanda ay muling nabuhayan ulit ang loob ang madam.

"Sino 'yon? Asawa mo, Balae? Where is he?" tanong agad ni Madam Angie kay Aling Yolanda nang matapos ito sa pakikipag-usap sa cellphone.

"O-oo, Balae. Bakit?" alanganing sagot ni Aling Yolanda. Mas kinabahan ito. Pati ba naman asawa nito na nanahimik sa Saudi madadamay sa kwentong ito? Juskolord!

Maang na palipat-lipat na lang ng tingin si Yolly sa dalawang ginang.

"Nasa'n siya, balae?" may excitement sa tinig ni Madam Angie.

"Nasa Saudi. Doon siya nagtatrabaho, balae."

At muli ay napapitik sa ere ang ayaw pa ring sumuko na madam.

Kinabahan na talaga sina Aling Yolanda at Yolly. Alam nilang may naisip na namang idea ang madam.

"Alam ko na ang gagawin natin. Kumpleto papeles ka ba, balae?" sobrang tamis ang pagkakangiti na saad ulit ni Madam Angie kay Aling Yolanda. Tatango-tango pa ito na tiwalang-tiwala sa ideyang naisip nitong muli.

*******

"Ya? Yaya?" tawag ni Andy sa taga-alaga niya. Ayaw man niya ay lumabas siyang muli sa silid niya na ang hitsura'y parang kulang sa tulog o sobra sa tulog. Gulo-gulo ang buhok at ang damit 'yon pa rin ang damit niya kahapon pa. Hindi na kasi niya matiis ang gutom.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon