Part 25

254K 4.4K 95
                                    

Nagligpit agad si Leandro sa mga gamit niya nang pumatak sa pambisig niyang orasan na tapos na ang oras ng duty niya. Buti na lang at dumating na ang kapalitan niya sa duty. Uuwi na siya, pero bago iyon ay naisip niyang dadaanan muna siya sa bahay nina Yolly.

Antok na antok man siya ay hindi na siya makapaghintay na malaman kung buntis ba ang dalaga o hindi. Atat na siya na pormahan ang dalaga oras na hindi ito buntis. Hinding-hindi na siya magpapakatorpe.

"Una na ako, Pare," paalam niya sa kasamang si Max at agad sumakay sa kanyang motor.

May hitsura naman siya. Guwapo siya. Ang totoo nga ay madaming nagka-crush sa kanya na mga estudyante. 'Poging Kuya Guard' nga ang tawag sa kanya ng ilan. Pero ewan ba niya bakit kay Yolly siya nagkagusto. Siguro nga tama ang kasabihan na LOVE IS BLIND.

Nagsimula ang lahat noong inaapi-api si Yolly ng mga kapwa nito estudyante. Noong nakita niya ito unang duty pa lang niya sa Sanchi College ay kanyang tinulungan agad. Hanggang sa ipinagtanggol niya pa ito ng ilang beses dahil sa pagkaawa niya. Ang hindi niya inasahan ay mapupunta iyon sa paghanga. Bumilib kasi siya kay Yolly dahil kahit anong pambu-bully rito ng mga pasaway na estudyante ay hindi ito pumapatol. Umiiyak lang si Yolly sa tabi at iyon ang katangian ng dalaga na hinangaan niya. Katangian na hindi lumalaban kahit aping-aping na.

Hanggang sa na-fall na nga siya kay Yolly na hindi alam ni Yolly. Parang one sided love sa mga love story dahil walang kaalam-alam ang dalaga na minamahal niya ito. Kaya nga pasalamat niya talaga ngayon dahil close na sila ng dalaga. At hindi na niya na sasayangin pa ang pagkakataong iyon. Hindi na niya papatagalin ang pagkakaibigan nila ni Yolly. Liligawan niya ito agad oras na malaman niyang hindi ito buntis.

SA BAHAY naman nina Yolly ay nagising naman na ang dalaga. Pupungas-pungas siyang bumangon. Mugto ang mga mata niya dahil sa kakaiyak.

Sinipat niya ang oras sa wall clock. Alas-sais pa pala ng umaga. Gusto pa niya sanang matulog pero naiihi siya kaya bumangon na siya. Pero anong silakbot niya nang makita niya ang nanay niya na nakahandusay sa sahig.

"Nay?! Naaayy!!!" Yugyog niya sa nanay niya. Nilamon agad siya ng matinding kaba.

"Nanay kooo!!!" palahaw na niya nang ayaw talagang magising ang ina. Napaiyak na rin siya gawa ng nerbyos. Mabuti na lang at nakapag-isip pa siya nang matino. Nanginginig siyang lumabas ng bahay upang humingi ng saklolo.

"Tulong! Tulungan niyo po ang nanay ko!" malalakas na sigaw niya.

Ang mga taong gising na rin sa mga oras na iyon ay sumaklolo naman agad sa kanya.

"Bakit, Yolly?" tanong sa kanya ng isang lalaki.

"Si Nanay po. Nawalan ng malay."

Saktong-sakto namang dumating ang nakasakay sa motor na si Leandro. Bumaba agad ang binata nang makitang may komosyong nagaganap sa harap ng bahay nina Yolly. Mabilis na tinanggal nito ang helmet.

"Nasa'n ang nanay mo?" tanong ng isa pang lalaking nakadinig kay Yolly.

Takang-taka na lumapit si Leandro.

"Doon po sa kuwarto ko. Wala po siyang malay at hindi ko alam kung bakit. Tulungan niyo po kami. Dalhin po natin siya sa ospital." Iyak sabay turo ni Yolly sa taas ng bahay nila. Sobrang natataranta siya.

Kumaripas na ng pasok sa bahay nila ang mga lalaking gustong tumulong.

"Yolly, ano'ng nangyayari?" agaw-pansin naman ni Leandro sa dalaga.

"Leandro!" Yumakap agad si Yolly sa dumating na kaibigan. "Tulongan mo ako! Si Nanay nahimatay!"

"Tara! Tara!" Napaakyat din sila sa silid. Dumating sila roon na inaakay na ang ina ni Yolly.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon