Part 34

246K 4.3K 115
                                    

"Umupo ka r'yan." Itinuro ni Yolly sa isang upuan sa kanilang kusina.

"Ano'ng gagawin mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Andy dahil hinila na lang niya ito basta-basta.

"Basta umupo ka."

Alanganin man ay umupo na nga si Andy. Hawak-hawak pa rin nito ang pisnging nasampal.

Pigil na pigil naman ni Yolly ang tawa. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Andy. Para itong binugbog gayong nasampal lang naman.

"Subukan mong tumawa," banta sa kanya ng napapahiyang binata.

"Huwag ka ngang OA. Parang hindi ka lalaki, eh."

"Eh, sa masakit nga. Ikaw kaya ang masampal nang ganoong kalutong? Nabingi pa nga yata ako."

"Oo na. Kaya nga gagamutin natin para hindi mamaga." Kumuha na siya ng tube ice sa ref nang talikuran niya ito tapos ay isang face towel. Ibinalot niya roon ang mga yelo. "Bitawan mo na nga 'yan. Paano ko magagamot kung nandiyan 'yang kamay mo?"

Dahan-dahan namang inalis ni Andy ang kamay nito sa pisngi. Kaso ay napabulanghit siya ng tawa nang makita niya ang namumulang pisngi ng binata. Kulang na lang pala ay nagmarka kasi ang palad niya roon.

"Tingnan mo 'to." Irap sa kanya ni Andy.

"Sorry, sorry," aniya na pinigilan ang tawa. Sumeryoso siya. "Hahahahahaha!" Kaso ay natawa pa rin siya nang idampi na niya ang towel na may yelo sa pisngi ni Andy. Hindi niya talaga mapigilan.

Gano'n pala siya kalakas sumampal? Markado talaga! Myghad!

"Akin na nga 'yan!" Inagaw ni Andy ang towel. Naiinis na ito dahil pinagtatawanan niya. Ito na ang gumamot sa sarili.

"Sorry. Sorry talaga," paghingi niya ulit ng paumanhin. Maluha-luha siya sa kakatawa.

"Sige, tawa pa!"

"Sorry na nga." Inagaw niya ang face towel na may yelo sa kamay ni Andy saka masuyo niyang idinampi-dampi ulit iyon sa pisngi ng binata.

In fairness, hindi man lang nakabawas iyon sa kaguwapuhan ni Andy. Nakakatawa lang dahil hindi niya inaasahang ganoon ang magiging impact ng kanyang pagkakasampal dito, na kulang na lang nga, eh, magmarka ang palad niya sa pisngi nito.

"Sa susunod kasi huwag mo ako basta-basta gigisingin."

"Talaga. Kahit bangungutin ka pa ay hindi talaga kita gigisingin, for all I care," mabilis na wika ni Andy.

Kinagat niya ang lower lip niya para hindi ulit siya mapatawa. "Eh, bakit ba kasi ngayon ka lang nakabalik? Sabi mo kukuha ka lang ng gamit mo sa bahay niyo pero umabot ka na ng madaling araw."

Lumungkot ang mukha ni Andy saka napabuntong-hininga nang malalim. "Naabutan kasi ako ni Mommy. She tried to stop me. She got really angry with me."

Natigilan siya. Kung gano'n parang totoong nangyari rin pala ang napanaginipan niya kanina dahil galit nga talaga ang mommy ni Andy.

"Eh, ano'ng sabi mo? Ano'ng ginawa mo?"

Kumibit-balikat si Andy. "Nothing. Hinamon ko lang siya. Sabi ko kung ayaw niya akong mag-asawa ng maaga, then magbalikan sila ni Dad."

"Tapos?"

"Tapos wala na. Hindi na siya umimik."

"Iyon lang? Eh, bakit naman inumaga ka na ng punta rito?" Inilapag muna niya ang face towel na may yelo sa lamesa at matamang nakinig sa mga sasabihin ni Andy.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nagtambay muna ako sa simbahan?"

Marahang napatuwid siya ng upo. "Bakit naman doon? Kung nagdadalawang-isip ka naman, eh, puwede namang tinext mo na lang sana ako na hindi mo na ako papanagutan."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon